≡14

64 2 1
                                    

≡ ≡ ≡ ≡ ≡

"Kumusta?" salubong ni Chael paglabas ko ng testing center. Umiling lang ako kasi to be honest I'm not confident sa mga sinagot ko.

Wala na rin s'yang sinabi at niyakap na lang ako. I really like it about him. I really appreciate it. Hindi na s'ya nagtatanong pa ng kung ano. He just stayed and that's enough for me. His presence is what matter the most for me.

Pagkatapos ay hinarap ako sa kan'ya at hinawaka n'ya Ang magkabila kong pisnge at kinurot ng bahagya.

"Ngiti na" sabi pa n'ya, sabay pakita ng malaki n'yang ngiti sa akin. Hindi ko na rin tuloy maiwasang hindi ngumiti.

"Tara" aya n'ya bigla sabay hawak at hila sa kamay ko.

"Saan?"

"Basta akong bahala" pagkatapos ay nag commute na kami. Hindi ko alam kung saan, hindi ko na rin nakita ang sign ng bus kasi pumasok na lang ako sa bus kasi sabi ni Chael, pagkaupo namin ay umandar na rin ang bus.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Basta, gusto mo ba matulog? Ang aga mo pa kanina" tanong n'ya pero hindi na rin ako hinayaan sumagot kasi sinandal n'ya na ang ulo ko sa balikat n'ya. 'Di na rin ako nagtanong pa dahil inaantok na rin talaga ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kaba at any aga ko nagising kanina dahil ayaw kong ma-late. Pagpikit ko ay naramdaman ko pa ang paghawak ni Chael sa aking kamay bago ako tuluyang makatulog.

=

"Baby, andito na tayo" paggising sa'kin ni Chael. Napangiti naman ako agad pero hindi ko pinahalata.

"Sarap ng tulog mo ha" sabi n'ya pa.

"Hmm, oo nga e" sagot ko. Totoong napasarap nga ang tulog ko. Ang komportable kasi ng balikat ni Chael.
Pero hindi ko na sinabi dahil aasarin n'ya na naman ako.

Pagbaba namin ng bus ay alam ko na agad kung saan ito. Sa klima pa lang e, nakapunta na rin kami rito ng pamilya ko pero sa ibang resto nga lang.

Nilalamig ako kahit hindi naman ganoon ka lamig. Manipis kasi ang tela ng suot ko at hindi naman ako naka jacket. Niyakap ko nalang ang sarili ng biglang sinuot sa akin ni Chael ang jacket n'ya.

"Paano ka?"

"Hindi, naman ako nilalamig. Pero pwede mo naman ako yakapin"

"Sira ka talaga"

"Tara na nga" sabay abot sa kamay ko at pumasok na kami sa loob ng resto.

"Napaalam na kita kila tita" biglang sabi n'ya nung kumakain na kami. Nagulat ako doon kasi hindi naman yun kailangan. Busy naman parents ko pero hindi ko lang maiwasan humanga kay Chael. Sobrang bait at marespeto n'ya.

"Busy yung mga 'yon kaya di mo na kailangan gawin pero thank you."

"Gusto ko lang kasi alam nila tita"

Pagkatapos namin kumain ay dinala ako ni Chael sa parang picnic area pero siguro dahil hindi weekend ay iilan lang ang tao.

"Upo ka rito" sabay turo n'ya sa tabi n'ya. Naglatag s'ya ng isang karton na nakita n'ya roon.Umupo na rin ako.

Hatid (The Juans Series #1)Where stories live. Discover now