≡ ≡ ≡ ≡ ≡
Noong naglunch ay sumama ako kay Elle at doon na kami sa canteen nag lunch. May bigla na lang naglagay ng isang bottled mineral sa harapan ko.
"Baka mabulunan ka" paglapag non ni Chael ay ngumiti lang s'ya at umalis na. Humabol s'ya sa apat na sa pagkaka-alala ko ay yun din ang mga kasama n'ya noong araw na aksidente n'ya akong natapakan.Ayon siguro yung mga ka banda n'ya na kinuwento ni Elle kanina.
"I smell something really really fishy" sabi bigla ni Elle noong nakalayo na sila Chael
"Ano ka ba, huwag mo bigyan ng meaning 'yon. Mabait lang talaga siguro si Chael tsaka nagi-guilty pa rin sa nangyari sa akin" defensive kong sagot kay Elle at nagtuloy na sa pagkain.
"Hmm siguro nga pero ikaw? Ano gusto mo na 'yon 'no? Kitang kita sa mga mata mo. Ngayon lang kita nakita na ganon makatingin lalo na lalaki si Chael. Normally ay wala kang pake sa iba pero pag yung Chael na 'yon kung makatingin ka para mong kinakabisado yung mukha."
"Anong pinagsasabi mo d'yan? Kumain ka na nga lang baka ma late pa tayo" sabi ko nalang upang mawala kami sa topic.
Noong nag-uwian na ay nauna na si Elle dahil lagi s'yang sinusundo. Ako naman ay mag cocomute tulad ng lagi kong ginagawa kasi okay naman na yung paa ko.
Nang paglabas sa room ay doon nag-aantay si Chael.
"Hatid ulit kita"sabi nito
"Huwag na maabala ka lang. Kaya ko na"
"Hindi ka abala, at kahit kelan hinding hindi" sabi nito kaya natahimik na lang ako.
-----
Mahigpit isang buwan matapos ang incident na 'yon kung saan kami nagkakilala ni Chael ay hindi pa rin s'ya pumalya na ihatid sundo ako. Kahit pa magaling na talaga ako at ni hindi ko nga natupad ang pangako ko sa kaniya na sasama ako sa birthday ng kapatid n'ya. Sabi n'ya ay okay lang daw at naintindihan n'ya. Noong araw kasi na iyon ay biglang dumating ang mga magulang with a tutor para makatulong sa pag kuha ko ng exam sa London. December kasi ay exam na. Ngayon ay August na at lagi pa rin akong busy sa pag aaral para sa exam.Nasanay na ako hinahatid sundo ni Chael. Kapag umaga ay andoon na s'ya sa labas ng gate para sabay kami pumasok at pag uwian naman ay nasa labas na agad s'ya ng room namin.
Ngayon araw ay nakakapanibago dahil paglabas ko ay wala s'ya. Sinadya ko rin ang room nila pero wala na sya roon.
Inisip ko na siguro nag sawa na iyon sa akin.O baka ay wala ng guilt sa kan'ya dahil ayos naman na ako.Pero dati pa akong okay pero sabi n'ya gusto n'ya lang daw talaga akong ihatid sundo.Nakakapanibago tuloy na bigla na lang s'yang di nagparamdam. Nung umaga ay si Elle ang nag text sa akin na hindi raw ako masusundo ni Chael dahil may gagawin ito.Kay Elle nalang daw ang pinatext n'ya dahil wala s'yang number ko. Buong araw s'yang di nagparamdam. Ito na ba yung ghosting stage?
Tulala tuloy ako nang papunta sa sakayan ng jeep mag isa.
Nang nasa sakayan na ako ng jeep ay medyo mahaba ang pila lalo na at uwian ng mga estudyante. Habang nasa pila ay may kumalabit sa likod ko. Nang tignan ko ay muntik ko pang hindi nakilala kung hindi lang s'ya nagsalita."Bakit ikaw lang?Nasan yung kaibigan mo?" tanong nito.Napangiti ako kala ko diko na s'ya makikita ulit. Oa ko kahit isang araw lang naman.
"Ahm sinusundo kasi 'yon e. Gusto n'ya rin sana mag commute kaso super strict ng parents non." Sagot ko.
"Bakit ka pala naka jacket ang init kaya. Naka mask ka pa at cap. May pinagkakautangan ka ba?" Tanong ko kay Chael natawa naman s'ya.
"Nice marunong ka mag joke. Natuto ka na sa'kin ha. Wala naman pero kasi diba simula nung medyo nakilala na yung banda namin marami nang nagpapapicture kaya baka mailang ka tulad nung sa canteen." naalala n'ya pa pala yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/240884895-288-k24148.jpg)
YOU ARE READING
Hatid (The Juans Series #1)
FanficAliesa Martin a woman with big dreams already planned her future. In the process of achieving her dreams, she met Chael Adriano a member of a famous band, who will shaken the future she planned. ≡fanfic