Dumiretso ako agad sa isang stall kung saan nagpapadeliver. Dineliver ko sa bawat kaibigan ko ang mga container na may sabaw ng sinigang at pagkatapos, dumiretso agad ako sa kwarto ni Yani para ibigay ang huling container.
Mga 9:30 na ng umaga kaya sigurado akong tapos na sila mag-breakfast. Pagkarating ko sa pinto sa kanyang kwarto, kakatok na sana ako nang...
"Callie?"
Napalingon ako agad at nakita si Yani, este Prinsesa Yani. "Good morning, your highness" sabay bow sa harap niya.
"Uy grabe, okay lang. Nakakapanibago naman, pati talaga ikaw"
Tumayo ako ng matuwid. "Para sa iyo" sabay abot ng container.
"O, ano ito?" at kinuha niya ito.
"Pagkain" tipid kong sagot.
"Ah. Uhm saan mo binili?"
"Niluto ko"
Nagulat siya sa sagot ko. "Oh my gash! Nagluto ka?! Anong pagkain ito?"
"Sinigang" sagot ko.
She paused. "Sinigang?" tanong niya pabalik.
"Oo. Huwag kang mag-alala. Masarap yan"
Tinignan niya yung sabaw na puno ng pagtataka at tumingin sa akin.
"Kailan ka simulang nagluto ng sinigang?" tanong niya.
"Pagkatapos ng tradition"
"Pagkatapos ng tradition?" tanong niya sa kanyang sarili sabay napaisip siya.
Hindi na ako umimik at hinintay ang susunod niyang sasabihin dahil wala akong masabi at nagtataka na rin sa mga pinapakita niya.
"Sandali, ikaw ba ang nagluto ng Sinigang na dala-dala ni Prince Fuego I mean Fuego?"
Nagulat ako at nagtaka. "Sinigang na dala ni Fuego?"
"Oo. Tinanong niya pa nga sa akin kung paano gawin yun"
Hindi ako nakaimik at natulala lang sa kanya.
"Tapos minsan napadaan ako sa special room niya na nagluluto ng amoy Sinigang. Sumilip lang ako dahil pinupush niya talaga at nakita siyang tulog sa kanyang mesa na may katabing cook book"
Nananatili pa rin akong tulala sa kanya habang nagpapaliwanag siya.
"Wow. Talagang nagpupuyat siya para lang sa isang pagkain. O di siya na talaga ang chef"
Hindi ko na narinig ang iba niyang sinabi dahil sumagi sa isip ko yung oras na mukha siyang puyat pagkarating niya sa kusina.
"Uhm Callie?"
Bumalik lang ako sa katotohanan nang sabihin yun ni Yani pero nag-bow din ako sa harap niya.
"Pasensya na mahal na prinsesa pero kailangan ko nang umalis" sabay talikod agad at naglakad paalis.
Kailangan ko ng mga sagot. Bakit gagawin yun ni Fuego? Bakit kailangan niyang magpuyat para lang sa isang pagkain? Alam ko sa sarili ko kung anong klaseng chef siya. Isa siyang propesyonal na kayang magluto kahit walang cook book pero hindi talaga matanggal sa isip ko kung... bakit?
Pumunta muna ako sa kusina kung saan siya nagluluto ng breakfast nila at buti nalang doon ako unang tumingin dahil nanduon siya... na humihigop ng sabaw?
"Callie?"
Nakakagulat kasi dahil kung hindi niyo alam, hindi maganda sa mga taong apoy ang mga masabaw na pagkain.
"What are you doing?" tanong ko agad.
"Uhm sipping some soup?" sagot niya na patanong.
"And what soup is that?"

BINABASA MO ANG
Prince and Princesses of My Nation
Romance(Next book after MY NATION) A compilation of stories of the princes in the world of Eullenuum Nation and met their respective princesses. After meeting them in the challenges in the last year's Tradition, their paths crossed once again. What will ha...