Tutor Me And You

45 2 0
                                    

Kinabukasan, pagkarating ni Donna sa Main Cabin papunta sa kwarto kung saan ang tutorial sessions nila, nakita niya na nasa labas ng kwarto si Aes naghihintay.

"Aes" tawag ni Donna para makuha ang atensyon niya.

Aes looked at her and smiled. "Donna"

"What's wrong? Are you alright?" tanong ni Donna.

"Oh I'm fine. I just have something to tell you"

Donna was startled. "Uhm about the tutor sessions?"

"Oh not really" Aes answered. "You see, I talked to my brothers about this unfamiliar feeling I have and then—"

"Then what?! They told you something?!" sabat ni Donna na ikinagulat ni Aes.

Walang umimik ni isa sa kanila pagkatapos nun. It was an awkward silence.

"I'm sorry. Please continue" paghingi ng paumanhin ni Donna.

"Uhh... well uhm they said that I should invite you to watch a movie so we're going to skip the session for today"

"Ahh" at nakahinga ng maluwang si Donna.

Movie lang pala pero hindi niya inaakala nung bibili na sila ng tickets, ang movie na papanuorin nila ay isang romance.

"A-are you sure about this?" tanong ni Donna.

"Well it's been months since I watched a movie and it's a first time I'm going to watch a movie with someone"

Ayan nanaman ang tiyan niya at ang kamatis. Hindi makapaniwala si Donna at hindi lang dahil sa mga sinabi ni Aes na magkasama silang manunuod kundi isang romance ang kanilang papanuorin! Sino bang mga prinsipe ang nagsabi sa kanya na gawin ito?! Kinakabahan si Donna dahil madami na siyang napanuod na mga movies na ganito. Hindi siya makapaniwala na mangyayari ito sa kanya.

The show started and so far the story was fine pero hindi makaconcentrate si Donna at masyado siyang stiff sa kanyang kinauupuan dahil masyado silang close. Ang prinsipe naman ay abala sa panunuod at umiinom ng kanyang langis. Donna just looked at him na hindi aware sa kaba niya and soon realized na kung ano mang iniisip niya ay hindi mangyayari yun dahil inosente ang katabi niya.

Naglabas nalang ng buntong hininga si Donna and watched the movie. It was already in the climax and the boy has a terrible sickness. Kahit hindi napanuod ni Donna ang una, napaiyak pa rin siya dahil naintindihan niya naman eh, naintindihan niya na limited nalang ang oras nila. Donna kept wiping her face at humihikbi not until when she saw tissue paper in front of her.

Nagulat siya at tinignan ang nag-aabot sa kanya. He just gave a smile at her. Napatingin siya agad sa tissue at iniwasan siya ng tingin.

"I-it's okay. I'm fine" pagtanggi niya at talagang pinunasan ang kanyang mga luha.

Pakiramdam niya napapahiya siya dahil nakita niyang umiyak siya. Aes didn't say a word at nilapitan nalang si Donna sabay siya ang nagpunas ng mga luha sa kanyang mata.

"Don't be shy to cry in front of me. I understand how you feel" Aes said sincerely.

After wiping her face, Donna bowed her head at instead na umiyak, pulang-pula na ang kanyang mukha sa kilig. Yinugyog niya ang kanyang ulo ng paulit-ulit para lang mawala yung pamumula at hindi napansin na tapos na ang movie.

"So the show's over. Let's go Donna"

Tumango nalang si Donna at tumayo sabay sinundan siya. Pagkalabas nila ng movie theatre, naglakad sila sa shops.

"So how was it?" tanong ni Aes sa kanya.

Hindi umimik si Donna dahil lutang siya sa nangyari kanina.

Prince and Princesses of My NationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon