Kinabukasan, dahil sa naging bato lang siya buong oras, parang nakapagpahinga rin siya pero sa mga oras na yun, napagtanto niya na hindi muna siya pupunta sa tutor session. Baka hindi rin lang siya makikinig at baka tanungin pa siya ni Prince Aes tungkol sa nangyari kahapon. Magbibigay nalang siya ng rason bukas.
Nanatili muna siya sa kanyang kwarto at nang bandang 1 na ng hapon, nag-ayos din siya at agad ding pumunta sa kanyang trabaho.
Kung kahapon sa isang coffee shop, ngayon nagtratrabaho naman siya bilang isang waiter sa isang restaurant. Tama lang na nakasaad na waiter dahil nakadamit siya ng panglalaki dahil yun ang specialty ng restaurant. Mga babae sila ngunit nakadamit lalaki sila.
Bumukas muli ang pinto at nag-ring ang bell na sinasabi na may customer na darating kaya agad humarap si Donna sa pinto.
"Good Afternoon, Pri—"
Muli, nabigla siya sa bisita. Napalunok muna siya bago tinuloy ang kanyang sasabihin
"Pri-prince Aes, your highness" sabay nag-bow siya sa harap niya.
Bakit nanaman siya nandito? Hindi. Nagkataon lang. Keep your composure, Donna. Huwag kang pahalata.
Tumayo ng matuwid si Donna at ngumiti. "Welcome to—"
"Donna, is that really you?" hindi makapaniwalang tanong ni Prince Aes sa kanya.
Lagot na. Paano niya nalaman? No, don't mind his question.
"Your highness, shall I take you to your seat?" pag-aalok ni Donna.
"Wait, wait. I don't know if my eye scanner is really broken but I just want to make sure. Are you really Donna, the Earth girl I know?"
Kaya naman pala eh, may eye scanner pala ang mga metal people kaya ang mga disguise ay di uso sa kanila. Hindi siya makaimik dahil hindi niya alam ang sasabihin at pinakiramdaman ang paligid dahil nakatingin ang halos lahat sa kanilang dalawa.
Kinuha nalang ni Donna ang wrist ni Prince Aes at hinila siya palabas. Dinala niya siya sa isang lugar kung saan walang makakakita sa kanilang dalawa.
"What are we doing here?" tanong bigla ni Prince Aes.
Tinignan lang siya ng seryoso ni Donna at napabuntong hininga. Tinanggal niya ang tali sa kanyang buhok para masagot ang tanong ni Prince Aes. Nagulat si Prince Aes.
"That answers the question" simple niyang saad.
Pagkatapos nun, may namuong katahimikan sa pagitan nila.
"Prince Aes, what are you doing here?" seryosong tanong ni Donna.
"I was looking for you because you didn't go to our tutor session a while ago"
Nabigla si Donna. "Oh about that... uhm actually I overslept a while ago and uhm forgot about it. I just remembered it when I saw you in the restaurant"
Asus. Klaseng excuse eh buong gabi nga siya yung iniisip niya.
"Oh okay. That's fine. We can move the topic tomorrow"
"Okay"
Buti nalang hindi nasasabi ng eye scanner kung nagsisinungaling ang isang tao o hindi. Pumagitna si katahimikan.
"Donna..." sabi ni Prince Aes na rason para mabasag ang katahimikan.
"Ye-yes, your highness?"
"About yesterday..."
Oh no! She knew this is coming.
"What happened? Were you okay that time?" puno ng pagkabalisa niyang tanong.

BINABASA MO ANG
Prince and Princesses of My Nation
Romantizm(Next book after MY NATION) A compilation of stories of the princes in the world of Eullenuum Nation and met their respective princesses. After meeting them in the challenges in the last year's Tradition, their paths crossed once again. What will ha...