-
Maingat kong pinikit ang aking mata ng humiwalay ang kanyang labi sa aking noo. Pinatakan nya ng halik ang aking labi bago marahang pinahid ang luha na nanggaling sa kanyang mata at ngumiti.
Kumabog ang aking dibdib, pilit inaalala kung sino sya pero sumasakit bigla ang aking ulo. Hindi ko nagawang mag salita ng agad na lumapit ang doctor sa aking hinihigaan at pilit binubuksan ang aking mata.
"Are you okay? "
Tanong nang doctor bago sinimulang tignan ang aking kundisyon. Tinignan nya ang aking katawan habang may sinasabi sa nurse na nasa tabi nya lang. Sunod nyang kinuha ang tubo sa aking bibig, maingat kung pinikit ang aking mata at sinubukang igalaw ang bawat parte ng aking katawan.
Somehow, i feel happy. Na gising ako, buhay ako. Nakita ko na ang liwanag, nakita ko na ang nangyayari. Wala na ang dilim. Nakita ko ang munting anghel na boses. Na kita ko na ang lalaking nakaka pag patibok ng aking puso. Nakita ko na ang ginang. Na kita ko na ang paligid. Nakita ko na ang kalagayan ko. And I'm not sure if this is the best way to get the chance to start of everything.
How? If i feel out of place? I feel empty, i feel nothing.
"Are you okay? Wait please."
Naka ngiting tanong ng doctor. Nakakahawa pero tumango lang ako bago nilibot ang aking paningin sa paligid.
May isang babaeng maganda. Naka bond ang buhok at naka suot ng hapit na dress. Ngumiti sya bago pinahid ang luhang na hulog sa kanyang pisngi. Kumunot ang aking noo ng hindi ko man lang na tandaan ang kanyang mukha. Hindi ko sya kilala.
Nasa tabi nya ang ginang na humahagulhol. Naka yakap ang kanyang braso sa braso ng babae habang abot tenga ang ngiti sa akin. Hindi ko nagawang ngumiti pabalik. Bagkus, sunod kong tinignan ang lalaking may karga kargang batang babae. Pareho silang umiiyak habang naka tingin sa akin. Bahagyang sumakit ang aking ulo dahil doon.
Naka pulupot ang mapuputing maliit na braso ng bata sa leeg ng lalaki. Suot ang cream na dress at pink na sapatos ay parang isa syang tunay na babae. Parang hindi sya bata. Lumilitaw ang kanyang mamalim na dimple. Pula ang kanyang mata dahil sa pag iyak na sunod sunod nyang pinapahiran. When our eyes met, she mouthed 'iloveyou mommy'na agad ikinangiti nang aking labi. Iba ang kanyang ngiti sa mga tao sa paligid.
"Congratulations hija."
Akmang titingin ako sa lalaking humalik sa aking noo ng marinig ang sinabi ng doctor na nasa aking harap. Sa dami ng sinabi nya iyon lang talaga ang pumasok sa isip ko. Masyadong bago sa akin ang lahat. The priceless smile. The nonstop tears. The echoing sob. Lahat ay bago. Even their faces.
Rinig ko ang palakpak ng lahat ng tao. Maraming doctor at nurse sa aking harap hawak ang iilang papel at ball pen. Mahina akong bumuntong hininga sa bawat salitang binibitawan nila.
"Six years comma. This is miracle. "
"Congratulations Doc, you did well at your patient. Napa gising mo sya kahit anim na taon na ang nakalipas."
"Let's congratulate the family Alfonso. "
"Grabe! This is rare cases of condition. "
"Ang tapang nya. Sa totoo lang hindi ako naniniwalang magigising pa sya. its been a years. "
"True! Lalo na ng lumabas ang bata habang tulog sya at walang malay. "
Hindi ko alam ang unang gagawin. Bawat salita na aking naririnig ay tumatagos sa aking puso at isip.
"Call Damon. "
Pumikit ang aking mata sa narinig. Walang tigil ang palakpak at may iilan na ding nakikisilip para tignan kung ano ang nangyayari. Marahil sobrang ingay dito sa loob.
![](https://img.wattpad.com/cover/239323875-288-k710216.jpg)
YOU ARE READING
HIS FAVORITE OBSESSION (Obsession series number 1)
RomanceI love you, More than anything and anyone. @Unknown_Georgous