Jihoon
*Kring* *Kring* *Kring*
(A/n: Alarm Clock yan wag kayong epal dyan. Grrr)
"Mmm... Five more minutes!" ungot ko ng marinig ko ang alarm clock ko na lumilikha ng ingay. Inabot ko ito gamit ang kamay at mabilis na pinatay tsaka muling humiga at isinubsob ang aking mukha sa unan.
"Kuya! Wake up! First day ng klase natin ngayon!" sigaw ni Chan sa labas ng kwarto ko. Hindi ko siya pinakinggan at mas isinubsob ko pa ang mukha sa unan. Tumahimik naman at mukhang umalis na si Chan.
"Ayaw mong bumangon ah!" rinig kong pagbabanta ni Chan na ngayon ay nasa loob na ng kwarto ko.
'Tss... Bakit ba ang galing nitong pumasok ng kwarto ng may kwarto?'
Parang automatic na napamulat ang mata ko sa ginawa ni Chan.
SINUBO niya ang...
daliri ko!
"Yak! Chan! Humanda ka talaga sa akin! Wag kang magpapakita sa akin at talagang hahambalusin kita ng gitara ko!" sigaw ko at agad na tumayo kahit na halos matumba ako dahil sa kakagising ko lang din.
Nanakbo naman agad siya palabas at narinig ko pa itong tumawa. Napagbugtong-hininga nalang ako sa kapiluyhan niya.
Pumasok ako sa cr ko na nasa loob lang ng kwarto ko at dali-daling naghugas ng kamay dahil sa ginawa ni Chan.
'Argh! Kadiri yung laway ni Chan eh! Halatang di pa nagsisipilyo!'
Dumiretso na din ako sa pagligo at toothbrush. Hindi na ako nagtagal sa banyo dahil maaga pa ako sa SVT University dahil kukunin ko pa ang schedule ko, namin ng kapatid kong masarap kaltukan.
Matapos mag-ayos ng aking sarili ay dumiretso na ako sa munti naming kusina. Nakahanda na ang mga pagkain at ako nalang ang iniintay. Humalik muna ako sa pisnge ni Mama at bumati bago maupo.
"Good Morning Mama!" bati ko.
"Good Morning din anak! Kain na tayo at may klase pa kayong dalawa." bati din ni Mama.
Napatingin ako kay Chan at nakangiting inosente siya sa akin. Tinignan ko siya ng masama at nagpout naman siya.
'Humanda ka sakin! Isusubo ko din iyang ano mo! Iyang daliri mo!'
Kumain na kami at nagpaalam kay Mama. Pumasok na ako sa kotse ng pamilya ko at ganun din si Chan. Pagkapasok na pagkapasok niya ay hinila ko agad ang kamay niya at SINUBO ang daliri niya bilang ganti.
"Ah! Kuya naman eh! Kadiri ka!" angal niya at tumawa naman ako ng tumawa.
"Sabi ko naman kasi sayo, marunong akong gumanti." nakangisi pang sabi ko.
"Pandak naman!" naiinis na sabi niya at nagpupunas ng daliri gamit ang panyo niya.
"Ano?! Baka gusto mong maglakad?!" sigaw ko, umiling naman agad siya. Nagrolyo nalang ako ng mata at nagsimula ng magdrive.
S A S V T U N I V E R S I T Y
Pagkapark ko ng sasakyan namin ay naglakad na kami ni Chan.
'Well, this is my first day here. Ganun din si Chan. Sana maging ayos na kami dito. Bakit ba naman kasi kailangan pang mag-aral ako kung pwede naman ng magtrabaho ako at si Chan nalang ang pagtatapusin ko?'
YOU ARE READING
You're Mine And I'm Yours (ON-GOING)
FanfictionLee Jihoon is a boy who has a different personality. He lives in a small house with his mother and brother Chan. After transferring to SVT University, his life becomes hell. Kwon Soonyoung, a cute yet handsome and famous son of the owner of the uni...