"uy nasan ka?" Text saakin ni lave.
Pag tapos kong makita yun ay umalis na ako. Iniwan ko na sila sa mall at magisang umuwi.
"Oy, pauwi na kami, nandiyan kana ba sa apartment?" Text uli ni lave.
Pinunasan ko ang luha ko at sakto ay biglang kumatok silang kumatok.
Tumayo ako para buksan ang pinto, pag bukas ko ay una kong nakita si lave at phrimo sa likod nila si jonamae at carlt.Tiningnan ko silang dalawa. Hawak ni jonamae ang braso ni carlt, ang higpit ng pag kakahawak. Sa sobrang higpit parang hindi na makakawala si carlt sakanya.
Bago pa tumulo ang luha ko ay umalis na ako sa pinto at dumiretso sa sofa, ganun din sila. Mahaba ang sofa kaya nag karsya kaming lima.
Ang pwesto namin ay mula sa kaliwa, si jonamae, carlt,ako,lave at phrimo sa dulo.
"Uy movie marathon tayo" sabi ni lave. "Bumili kami ni phrimo kanina ng mga dvd, may horror,comedy,action,romance... Ano gusto nyo?" Dagdag niya habang pinapakita yung dvd's na nabili nila.
"Horror!!" Saad ni phrimo. "Action" Matamlay na sagot ni carlt. Napatingin ako sakanya, tumingin din sya saakin kaya napaiwas ako ng tingin.
"Romance.." Mahinhin na sabi ni jonamae na nasa tabi ni carlt.
"Comedy nalang" Singit ko. Napatingin silang lahat. "may nasabi ba akong masama?" Dugtong ko at biglang tumawa si lave.
"Hindi ko alam na mahilig ka sa comedy ha aie" saad ni lave at tumawa ulit. "Shempre comedy nalang yung hindi napipili e" sabi ko naman.
"L-lave ano ba gusto mo? Pantay e, mamili ka sa apat" mahinhin na singit ni jonamae.
"Sus" singhal ko
"H-ha??" Tanong ni jonamae, nag kibit balikat nalang ako at tinanong si lave kung ano gusto nya.
"Hmmm.... horror nalang" Sagot ni lave at na pa yes naman si phrimo. Iniplay na ni lave ang movie nang maaala ko na may netflix pala ako.
"May netflix naman.." sabi ko kay lave, napakamot siya ng ulo. "Ay, nakalimutan ko.HAHAHA" Sagot niya at umayos na ng upo.
Sa una ay hindi pa gaano nakakatakot. Lumipat kasi yung pamilya nila sa isang lumang bahay, at sa bahay may nagpaparamdam.
Nang nasa kalagitnaan na ng kwento biglang may kumalabog sa pinto, may kumakatok.
"Ikaw na mag bukas" Sabi ni lave kay phrimo. Umiling si phrimo "si aie na, sakanya tong apartment e". Napailing naman ako.
"Ayoko nga, ikaw na! Natata-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang tumayo si carlt. "Ako na." Sabi niya at pumunta sa pintuan.
Sakto pag bukas ng pintuan ay biglang lumakas ang sigaw ng babaeng bida at lumabas ang isang babaeng nakaitim, siya yung nagmumulto.
"OYYYY!!" Nagulat kaming apat ng may sumigaw.
Si keith.
"KEITH!!!" Sigaw ni lave. Wait.. paano niya nalaman to?
"Sinabi ko hehe" sagot ni lave na tila ba nabasa ang nasa utak ko.
"Hi aie!" Sigaw ni keith at tumabi saakin. "Hiii keithhhh i miss yah" sabi ko sabay yakap sakanya. Umupo siya sa gitna namin ni lave. E mapayat siya kaya karsya pa naman.
"Ano yan?"
"Tv" pabalang na sagot ni phrimo sa tanong ni keith. Tiningnan siya ng masama ni keith. "Joke lang, movie yan." Sagot pa ni phrimo.
Natawa kami ni lave dahil halatang medjo nabadtrip na si keith.
Nag kakilala sila second year kami, Nag aaral pa si keith ngayon kasi six years yung course na kinuha niya. Nagkakilala daw sila sa library, sabi ni keith nung una familiar daw sa kanya mukha ni phrimo. tas nagulat siya na si phrimo pala yung kaibigan namin ni lave.
![](https://img.wattpad.com/cover/239892160-288-k232230.jpg)
KAMU SEDANG MEMBACA
RETALIATION (ON GOING)
AcakAielyn Henaza Reyes, 13 year old girl who saw and witnessed the heinous murder of her family . Now she is ready to avenge the people who killed his family. No one can stop her. But when carlt came into her life ... And when phrimo confessed to her...