Chapter 3: Witch and Wizardry School

437 44 4
                                    

Hi! If you enjoyed the chapter and story, please do follow me and vote for the chapter. It's free and you can always unfollow later. Your support means a lot to me. Thank you! <3

Enjoy Reading!

ADELINA

Nag-ayos ako ng mga gamit ko dahil ngayon kami babalik sa school. I had strange dreams last night, about someone trying to take me away from my family. It felt so real I almost believed it. 

Tiningnan ko sa huling pagkakataon ang kwarto ko, hindi ako makakabalik dito for another year. Magsisimula na ang apprenticeship and things will get busier from there.

Napalingon ako nang may kumatok sa pinto.

"Pasok"

Umawang ng kaunti ang pinto ang sumilip mula dito ang mukha ni Aster. Nabigla ako pero tumango na rin at pinapasok siya. Tumayo siya sa gilid ng pintuan at nanatiling nakayuko.

"May kailangan ka?" tanong ko sa kanya. Hindi ako galit sa kanya dahil alam kong ginawa lang niya ang mga iyon dahil sa takot para sa pamilya niya.

"Gusto--gusto ko sanang humingi ng tawad sayo" nauutal na sabi niya habang pinaglalaruan ang mga daliri niya. Nagsimulang manginig ang kanyang mga balikat  kaya kumunot ang noo ko at lumapit sa kanya.

"Ano?" tanong ko sa kanya, ngayon itinaas na niya ang paningin niya sa akin, puno ng luha ang kanyang mga mata.

"Pasensya ka na Adelina, wala-wala akong magawa. Natakot ako, natakot ako na palayasin kami--"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at niyakap siya. Napatigil siya ngunit humagulgol din ng iyak.

"Wala ka namang dapat ihingi ng patawad" mahina kong sabi sa kanya "kasalanan ko rin naman yung nangyari, idinamay pa kita."

Umiling siya at mashinigpitan ang kanyang yakap.

"Nawala na yung mga pininta mo. Kinuha na nila lahat. Sinira nila ang mga bagay na importante sayo"

Napakagat labi ako at napatingin sa kisama. Sa tuwing nakikita ko ang walang laman na kwarto ko, naiiyak ako. Nawala lahat ng pinaghirapan ko, kasiyahan at mga bagay na gusto.

Humiwalay ako sa kanya at binigyan siya ng pamunas.

"Punasan mo na sipon mo, kadiri" pabiro kong sabi sa kanya.

"Per-pero"

"Bibili ako ng mga bagong gamit" nakangiti kong sabi sa kanya "at magpipinta ako ng mas maraming imahe, gagawa pa ako ng mas marami pa kumpara sa dati. Kaya wag kang mag-alala"

Hindi siya nagsalita, puno ng kahihiyan at pagsisisi ang nakaukit sa kanyang mukha pero sinigurado kong hindi siya lalabas ng kwarto na may bigat ng loob. 

Magsasalita na sana ko ulit nang bumukas ang pintuan. Magagalit na sana ako pero nakita ko ang mukha ni Tiya. 

"Tiya!" masaya kong sigaw. Napalingon din si Aster at pumasok sa loob si Tiya at tiningnan kami pareho.

"May iyakan nanaman bang naganap dito?" nakangiti niyang tanong.

Nahiya si Aster at binati si tiya ngunit mabilis din siyang lumabas ng kwarto.

"Sige Adelina, hintayin nalang kita sa kwarwahe" sabi niya sa akin. Magalang siyang yumuko kay tiya at tuluyan nang umalis. Pagkasara ng pinto, nagkatinginan kami ni tiya at sabay na tumawa.

Mahaba ang kanyang kahel buhok, tulad ni ama at umaabot ito hanggang sa kanyang paanan pero ngayon ay nakatali ito na parang korona sa tuktok ng kanyang ulo. May maliit at maputi siyang mukha at nakasuot ng isang magarbong puting bestida.

Bride of the WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon