Chapter 24: Solstice Ball

295 25 1
                                    

ADELINA KEEGAN

Pagkagising ko, mabilis akong tumakbo pababa at nakita si Alastair na umiinom ng kape mag-isa sa kusina. Abala din siya sa pagbabasa ng libro, dahan-dahan akong naglakad palapit sa likod niya para gulatin sana siya.

"I can hear you" bigla niyang bulalas. Napanguso ako at umupo sa upuan sa gilid niya. Nagising ako kahapon nang wala na si Alastair, sabi ni Marcus may importanteng pinuntahan, hanggang nag gabi nalang ay hindi pa rin siya dumating, nakatulog nalang ako.

"Saan ka pumunta kahapon?" tanong ko sa kanya.

"To a rural village, some witch got killed." sagot niya ng parang wala lang. Napasinghap ako dahilsa narinig.

"Bakit? Ano daw nangyari?" nag-aalala kong tanong. I've heard of attack cases before pero ngayon lang ako nakarinig na may namatay na.

"Hindi mo na kailangang mag-alala, there won't be any in the future" sabi niya at tumingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Hindi ako nag-aalala no," sabi ko sa kanya "we have you here. Walang magtatangkang umatake dito"

Tumitig siya sa akin at napailing. 

"Ah, by the way" malungkot kong sabi "I will be going to house Keegan today"

"Why?" tanong niya sa akin "did your father get angry at you again?"

Umiling ako sa kanya

"Ang Keegan ang maghohost ng Solstice Ball ngayong taon. Kahit na miyembero ako ng house Noir ay anak pa rin ako ng chief ng Keegan kaya doon kami maghahanda. Nandoon din si Abby" sabi ko sa kanya. 

Tumango naman siya at uminom ng kape.

"Well, I guess we'd see you there tonight." sabi niya. Napangiti ako at tumango 

"Sasama pa rin naman ako sa inyo pag-uwi" masaya kong sabi.

"You better be"

--

Nagbuntong hininga ako habang nakababad sa gatas at mga bulaklak. Pagdating ko dito sa mansyon, abala ang mga katulong sa pag-aayos ng dekorasyon. Pinaderecho naman ako dito sa kwarto para maligo ni hindi ko naman lang nabati si ama dahil busy din siya ngayon.

"Bakit ba parang ang laki ng problema mo sa buhay?" 

Napalingon ako at nakita si Abby na lumabas galing sa kabilang kwarto at nakasuot ng robe. Inalalayan naman akong tumayo ng isang katulong at sinuotan ako ng robe. Tumabi ako sa kinauupuan ni Abby sa harap ng malaking salamin.

Ang kwartong ito ay ginagamit namin sa tuwing naghahanda kami para sa isang event. Sa loob ng kwarto ay may dalawang banyo, dalawang closet at dalawang malalaking vanity table. Nakahilera naman ang mga damit na susuotin namin ni Abby sa kama.

Nagsimula nang kumilos ang mag-aayos sa amin at inuna ang aming buhok. Napatingin ako sa repleskyon ko at sa repleksyon ni Abby. Dahil sa kulay ng mata niya napagkakamalan siya na isang malamig na tao which is totoo rin naman. Ako naman galit at palaging humahamon away although I think that they just see me like that because of my father.

"Kumusta?" tanong ko sa kanya. Hindi kami nakapag-usap ng maayos pagkatapos sa Rosewell, pati na rin noong pumunta ako dito para sa family dinner of noong house competitions. Both her and father feel so far away from me.

"Ikaw ang kumusta" sagot niya sa akin "I heard you collapsed" 

"Okay na, binigyan ako ng kwintas ni Alastair na makakapagpastable sa mana ko" sabi ko sa kanya, still hiding the fact about the greater spirit.

Bride of the WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon