Chapter 5: Moon Dust

418 39 8
                                    

Hi! If you enjoyed the chapter and story, please do follow me and vote for the chapter. It's free and you can always unfollow later. Your support means a lot to me. Thank you! <3 

Enjoy Reading!

ADELINA

Nagising ako ng nanghihina at may estrangherong nakatayo sa gilid ng kama ko at kinakain ang pagkain na para sana sa pasyente, sa akin. Ito yung lalaking padabog na lumabas sa classroom kanina.

"Marcus diba?" tanong ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at patuloy na kumain ng snacks at chips na para sana sa akin. Hindi naman sa nagdadamot ako pero.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. May itim at nagkakalat siyang buhok na halos natatabunan ang kanyang mga mata, may hikaw siya sa tenga at nakasuot ng jeans at hoodie na itim. 

Kumunot ang noo ko, sabi ng school physician ay siya daw ang nagdala sa akin dito dahil malapit na akong maubusan ng mana. A mana is a witch's life force, may certain amount of na mana for every witch and it can rise if your power rises but it doesn't deplete, unless a spirit is trying to suck out the life in you. Nauubos din ito kapag nagagamit ng sobra.

"So, which house are you from?" tanong ko sa kanya. "I can ask my father to give you a favor--"

Padabog niyang inilagay ang chips sa mesa at lumingon sa akin. I can merely get a glimpse of his eyes.

"Ganyan ba kayong mayayaman? pag may tumulong sa inyo kailangan bayaran niyo? bakit? dahil baka bumalik kami at singilin kayo?"

Napaatras ako sa higaan at kumunot ang noo ko. Nagulat ako sa inasta niya, people would usually use me to gain my father's favor. Hindi dahil sa mahalaga ako sa ama ko, sadyang ayaw lang niya na magkautang ng loob sa iba. 

"Hindi ba?" gulat kong tanong. I didn't really know if his intentions were clean.

"Magpasalamat ka na nga lang" inis niyang sabi saka tumayo "O kahit hindi na since kinain ko chips mo. Mukhang buhay ka naman at may lakas na mang insulto, aalis na ako."

Bago pa man siya makaalis, tumayo ako mula sa pagkakaupo sa higaan ko. Nakalimutan kong hindi pa pala bumabalik ang lakas sa katawan ko kaya paglakad ko palapit sana sa kanya ay nahulog ako sa sahig pero mabilis naman  niya akong nasalo. 

 Napatigil ako nang magkalapit ang mga mukha namin, hindi ko inakala na matangos pala ang ilong niya at higit sa lahat, ang mga mata niya.

Nahawi ang buhok niya na tumatakip sa mga mata niya kaya nakasilip ako dito. Magkaiba ang kulay ng dalawa. Ang isa ay dilaw na parang ginto at ang isa ay itim. 

"Ano ba ang problema mo?!" inis niyang sabi sa akin. Napansin niyang nakatitig ako dito kaya marahas akong binuhat at pabagsak na pinaupo sa higaan.

Mabilis niyang inayos ang buhok sa noo niya at siniguradong natatabunan ang kanyang mga mata.

"Bakit mo tinatago?" tanong ko sa kanya. Napatigil naman siya.

"Para hindi gawing katuwaan ng mga mayayaman na tulad mo." galit niyang sabi.

"Maganda kaya." sabi ko, mukha nagulat siya at napatingin sa akin ngunit hindi siya nagsalita. Umayos ako ng upo at ngumiti sa kanya. 

"Kahit na hindi ko alam kung paano mo ako naitakas mula sa halimaw na iyon, salamat. Salamat sa pagligtas sa akin at pagdala sakin dito" sabi ko sa kanya.

Nanatili siyang tahimik na nakatayo sa harapan ko. Tumikhim siya at nag-iwas tingin at nahihiyang tinuturo ang natitirang snacks  sa mesa sa tabi ko.

"Kung-kung nagpapasalamat ka talaga," sabi niya at kinamot ang kanyang pisngi "Akin-akin nalang snacks mo"

Natawa ako ng mahina at kinuha ang mga chips at snacks at tumango pagkatapos ay binigay ito sa kanya. 

Bride of the WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon