Chapter 12: Bloody Moon

377 30 1
                                    

3RD PERSON'S POV

"Is it ready?" mahinang tanong ng isang babaeng nakasuot ng puting cloak sa kanyang kasama. Inayos naman ng kasama niya ang pinakahuling kandilang nakaposisyon sa lupa at tumango.

Sa loob ng malaking kweba na nakatago sa kalagitnaan ng Forest of the Dead ay may makalumang ancestral shrine na nakalagay. Napapalibutang ito ng mga kandilang ilang daang taon na nandiyan. Nakabalot ito sa patong-patong na talisman at ancestral thread.

It looked like an ordinary ancestral shrine that's made up of wood full of algae. Parts of it are starting to break and there is really nothing out of the ordinary.

Napalunok ang babae habang nanginginig ang kanyang mga kamay nang tinabihan siya ng kanyang kasama.

"Kailangan ba talaga nating gawin 'to?" kinakabahan niyang tanong. "I feel like we should back out"

Tiningnan agad siya ng masama ng kanyang kasama at umirap.

"Matagal na nating hinintay ang pagkakataong ito. This is our only chance to be powerful" sabi niya "If the elders are true. Once we free this spirit and make a pact with it, we can be the most powerful people here. More powerful than the Grand Witch."

"Paano kung hindi totoo? paano kung ang mapakawalan natin ay isang nilalang na hindi pala dapat pakawalan?" tanong ng isa. Namamawis ang kanyang mga palad habang tinitingnan ang shrine. "I mean, those talismans are really powerful. It must mean that it was something that shouldn't be let out to the world."

"Sumunod ka nalang sa akin. Alam ko ang ginagawa ko." sabi ng isa. Her friend let out a shaky breath. She felt the cold air run through her spine. It was not a good feeling, it's as if someone was watching them in the dark place, ni hindi nga siya sigurado kung makakalabas pa siya ng buhay.

lumuhod sila sa loob ng bilog sa gitna ng malaking simbolong ginuhit nila gamit ang ancestral thread para masigurado na ang papalabasin nila mula sa shrine ay mananatili sa loob ng thread at hindi makakalabas ng kweba. Nakahanda na rin ang isang malaiit na jar na papasukan ng spirit upang ikulong ito.

Nagsimulang magsalita ang dalawa sa kakaibang linggwahe, umilaw ang kani-kanilang mga grimoire bilang simbolo na gumagana na ang summoning spell nila. Little did they know that someone was watching them in the dark, whispering in a language long forgotten, eyes glowing in blue lips turning up into a smirk.

"These girls think they can free a greater spirit with their little plays."  the person thought.

Nagsimulang manginig ang kweba at unti-unting naatanggal ang mga talisman na nakadikit sa shrine. Hindi maiwasan ng mga babaeng manginig sa takot. Napatigil ang isa sa pagsasalita pero hinawakan siya ng kasama niya at nagpatuloy sa pagchachant, walang nagawa ang babae kundi magpatuloy.

pssstt

They felt something whisper straight into their ears. Lalong lumakas ang pagsasalita nila, the aura felt extremely eerie and the wind began to become colder and colder. Habang lumalakas ang pagsasalita nila, bumilis naman ang pagsalita ng estranghero sa likod nila habang nakatututok sa shrine.

The shrine began to shake along with the cave. Stones were falling and it's as if the cave was going to collapse. The stranger behind inhaled a deep breath and grinned. The cave was shaking and collapsing. The girls stopped their chanting and looked around in shock.

"Labas na tayo! This isn't gonna work!" natatakot na sigaw ng isa. Napatili siya nang may malaking bato na nahulog sa tabi niya. Natatranta ang kasama niya at naguguluhan.

"Wag muna! baka magpakita na siya!" sagot ng isa. 

"Are you stupid?! Mamamatay muna tayo bago pa natin makita ang gusto mong makita!"

Bride of the WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon