Jovienie_Esmelo
September 29,2020
Ako Nga pala si Princess Joy Lazaro. Kinuha daw Ang pangalan ko sa mga prinsesang pinapanood ni mama. Kaya daw princess kasi mukha akong prinsesa at nadugtungan lang ng joy kasi alam daw nilang magiging masiyahin ako. Hindi ko feel maging princess kasi boyish ako. Mahilig ako magbonet at sombrelo.
Pasaway din ako sa amin. Si Lola nalang Kasi Ang nagbabantay sa amin. Bata pa Lang daw kami patay na Ang tatay namin. Ang nanay Naman daw namin ay nanglalaki na. May ate din akong bungangera.
Minsan nga nang-tyatyansing din ako Sa mga nagugustuhan kong Babae. Nanligaw na din ako pero nung nalaman Ng Lola ko pinagpapalo Ako ng tsinelas.
Puro lalaki din Ang Kaibigan ko. Inuutusan ko pa silang hanapan ako Ng chicks pero pag binigyan ako Ng sisiw, basag Ang itlog Nila.
Hindi din Nila ako mapatulan bukod Kasi Sa naninipa ako eh sinasapak ko sila.
Nagsisibak din ako Ng kahoy tapos hinahabol ko sila Ng itak. Ganito Ang buhay ko dito sa probinsya. Masaya din naman.
Pinasok ako Ni ate sa isang unibersidad sa kabilang bayan. 4th year highschool na ako o mas tamang sabihin na grade 10. Hindi ko pa Alam Ang kukunin Kong course pag nag-grade eleven ako.
Pwede kayang magsibak nalang! O KAya mag-uling. Ang gusto Naman Ni ate sa akin ay flight attendant. Nung sinabi kong isasabit ko siya sa pakpak Ng eroplano eh namurder pa ako!
Ang sarap na Sana mabuhay Ng ganito kaso may dumating na isang asungot sa buhay ko.
Yung lalaking Ang sarap tadyakan sa bayag.
Letse ka Gerwyn Trinidad!. Simula din Ng nakilala ko siya nag-iba na Ang takbo Ng buhay ko.
Isa siyang tuklaw!
"Gangster!" Bulyaw ko Sabay hagis Ng bag ko.
Inis Niya akong hinarap at binato pabalik Ang bag sa akin.
Dyan nagsimula Ang awayan at bangayan namin.
"Hahaha, princess pero mukhang witch! Joy pero malungkutin!" Pang-aasar Niya sa akin.
"PJ! SINABING PJ ANG PANGALAN KO EH!" ako na din Ang nagbansag Ng nickname ko. Pj, panlalaki Diba?
Sabay-sabay nating tunghayan ang kwento Ng isang boyish na naging girlish Ng dahil sa isang bullyish.
Patuloy niyong suportahan Ang gagawin Kong story.
Thanks for reading!
Plagiarism is the act of presenting the work of others as your own. It is like "stealing" the works of others and is considered a crime.
Hope you vote!
I love you! (Incase no one's tell you😚)
All right reserved (2020)
YOU ARE READING
That Boyish Girl
RandomSabi nila TOMBOY daw ako hindi nila alam may tinatago ding LAMBOT itong puso ko. Atyaka iba ang TOMBOY sa BOYISH!