Princess POV
Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung may isip ako. Hindi joke lang. Kung saan section ako ilalagay. Nakakahiya yung good moral ko baka naman demon moral ang makita nila dun.
"Opo la, mag-iingat po kami" sabi ni ate kay lola. Nagpaalam kasi siya na ngayon na kami bumili ng gamit kasi daw baka magka-ubusan o kaya naman ay magtaas presyo.
Parehas kaming sumakay sa trycycle. "Manong sa divisoria po"
May kalahating oras ang byahe bago kami nakarating sa divisoria. Mura lang ang mga paninda dito. Hindi din naman kami mayaman para magmall pa.
"Pasensya na ading ha, mga sampung notebook muna ang bibilihin ko sayo at ganun din sa akin" sabi ni ate. Mukha kapos na kapos kami ngayon ah.
"Ahm..lima lang daw ang kailangan ate" pagsisinungaling ko.
"Sure ka?.." tumango naman ako. "Ilan ba subject niyo?" tanong niya habang nagtitingin ng mga design.
"Kasiya yan sa lima" pagpipilit ko. Nagkibit-balikat nalang siya.
"Ikaw na muna pumili dito princess. Yung may cover at yarn ang bilhin mo sa akin ha. Bibili lang ako ng bag natin doon" bago pa ako makapag-areglo ay naka-alis na siya. Napangiwi nalang ako habang inaayos ang suot kong sumbrelo.
Taena ka bibilihan kita ng avatar na notebook.
Wala akong ibang makita. Pag grade 12 na dapat ba maganda notebook?
Gaya ng sabi ko kumuha ako ng limang notebook para sa akin at sampu naman para kay ate. Aalis na sana ako ng may mabunggo ako.
"Ay tanga" reaction ko nung nahulog yong mga notebook.
"What?" Reaction naman nung bumangga. Inis ko siyang hinarap at pinanlisikan ng mata. Hindi naman siya umimik kaya naiirita kong pinulot yung notebook.
"Ungentleman huh? Ganito pala dito? Kung sino pang nakabunggo siya pa magagalit.." inis kong sabi habang pinupulot ang mga nahulog na notebook.
"What? Why would I help you? You the first who---" hindi ko na siya pinatapos at tinalikuran nalang. Wala kong panahon makipagsumbatan sa mga taong katulad niya.
Taimtim akong naglalakad papunta sa mga box ng ballpen ng biglang may tumipas sakin. Natanggal ang sumbrelo ko sa sobrang lakas nun. Inis kong hinarap ang gagong yun at pagtingin ko. Isa ito sa mga kasama nung nakabunggo ko.
"Hoy gago inaano kita" inis kong sambit. Inilapag ko ang notebook sa may shelves ng ballpen at nilapitan yung lalaki.
"B- bat ka kasi nakipag-away dito!"
Turo niya dun sa maangas na lalaki."Oh bat moko tinipas? Ikaw ba siya ha?" Nakangisi kong tanong.
"H-hindi... Kasi---" bumagsak siya sa sahig. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa isang sapak na natamo niya galing sakin. Napaatras yung dalawa niyang kasama.
Maraming tao na din ang naki-isyoso samin. Tumayo yung lalaki at akmang sasapakin din ako ng hinawakan nung isa niyang kasama ang kamay niya. Pumipiglas piglas pa siya pero ako naka-steady lang at tinitignan siya ng masama.
Kinuha ko ang notebook ko at ang sombrelo sa lapag at bago ako umalis ay nag-iwan ako ng kataga na hindi niya dapat makalimutan.
"Huwag kang mang-api ng babae lalo na kung wala namang ginagawa sayo. Sa susunod na magkasalubong pa ang landas natin at ganito ang ginawa mo... Makakatulog ka tapos hindi kana magigising! Gago ka." Sabay talikod.
YOU ARE READING
That Boyish Girl
RandomSabi nila TOMBOY daw ako hindi nila alam may tinatago ding LAMBOT itong puso ko. Atyaka iba ang TOMBOY sa BOYISH!