Princess POV
Ngayon ay labing limang taong gulang na ako.
"Apo, lagi ka nalang umuuwing ganyan!" Malumanay na sermon ni lola. Simula kasi nung naging kaibigan ko si zendrix,umuuwi ako ng may pasa kundi naman ay kalmot.
Ngayon umuwi ako ng mapula ang pisngi. Nadawit kasi ako sa away nung dalawang babae at ako ang nasampal. Yung isa kong lintek na kaibigan pala ang syota nila tapos ako yung napagkamalang pinalit sa kanila.
Hindi kona pinansin si lola at nagtungo na sa kwarto ko. Ang malas ko for today kasi nasa kwarto ko si ate.
"Sinasabi ko na nga ba eh!" Nanlaki ang mata ko at huli na ang lahat dahil hawak na niya ang tenga ko.
"Aray! Aray ko ate! Sorna... ouch!" Pinakapingot niya muna bago niya binitawan ang tenga ko.
"Saan ka na naman nakipag-away. Jusko kang babaita ka!" Umirap ako sa hangin bago binaba ang bag ko. Naupo ako sa upuan na gawa lang sa kahoy.
Nakita ko si ate na may kinuha sa kahon, pftt! Bimpo. Lumabas siya tapos pag-balik niya may dala na siyang tabo na may tubig.
Sinimulan niyang punasan ang mukha ko. Pero may kasamang daldal.
"Ang dungis-dungis mo! Sigurado akong mapapagalitan ka ni itay kung buhay pa siya" bigla naman akong nalungkot.
"Oh siya maghilamos ka na dun at amoy anghit ka na!" Sinubukan kong amuyin ang kili-kili ko pero wala.
"Luh, di naman eh" umalis na ako at sinimulang maghilamos.
Kinaumagahan binalak kong pumunta sa bahay nila zendrix. Magtatakso sana kami kaso may bisita pala sila,kaya nag-gala muna ako para mangbingwit ng chiks. Alas dos pasado na din ako nakauwi.
"Oh bat nabalik ka?" Nasa sala kami ngayon ni ate. Si lola nagpapahinga sa kwarto niya. Kami na din ang nagtatrabaho dito pero mas madalas si ate. Madalas kasi akong wala eh.
"Wala lang, trip ko lang!" Pabalang kong sagot. Nagtupi nalang ako ng mga damit na kahahango lang.
"Pagtapos mo bumili ka ng meryenda at maya-maya lang magigising na si lola!" Mabigat akong napabuntong-hininga ngunit kutos ang aking napuna.
Gaya ng sinabi ni ate ay nagtungo ako sa bakery para bumili ng tinapay. Nakita ko pang nakatambay dun si dodong,isa sa mga tropa ko.
"Hoy pj libre ko!" Binigyan ko siya ng cold na tingin gaya ng lagi kong ginagawa.
"Ito oh libre!" Tinaas ko ang kamao ko.
"Joke lang hihi, ano pala bibilihin mo?" Agad ko siyang binara.
"Ano bang binibili sa bakery?" Sarkastic kong tanong.
"Tinapay" masigla niyang sagot.
"Ayun! Malamang na tinapay san ka nakakita ng bakery na may tindang magic sarap?" Kamot batok naman ang gago.
"Mamon nga sampung piraso, tyaka dalawang ensaymada!" Pagkabigay niya sa akin. Agad na akong umuwi.
Nasalubong ko pa yung kotse na nakita ko sa bahay nila zendrix. Tapos parang nag-slow mo ang lahat ng makita ko ang isang lalaki sa may bintana. Nakadungaw siya.
Napahinto ako at pinakatitigan yun pero mabilis na nakaalis ang kotse nila. Nakadungaw pa din ako ng biglang may gumulat sa akin.
"Ba..."
"Ay nanay mong sunog!" Nahagis ko pa ang tinapay pero luckily nasalo niya.
Agad kong sinapak yung dibdib niya. "Bakit ba nang-gugulat ka?" Inis kong tanong. Inabot niya sa akin yung tinapay at agad ko naman itong hinablot.
YOU ARE READING
That Boyish Girl
RandomSabi nila TOMBOY daw ako hindi nila alam may tinatago ding LAMBOT itong puso ko. Atyaka iba ang TOMBOY sa BOYISH!