Princess POV
Limang taong gulang ako Ng makihalubilo ako sa mga lalaki. Kalaro ko sila Ng habol-habulan. Tagu-taguan, tumbang preso, piko, patentero at madami pang iba. Kasama ko din silang naghahagis Ng tsinelas sa bubong tapos iiyak pag Hindi nakuha.
"Ikaw Bata ka Ang dungis mo na Naman!" Sabi Ni tatay!
"Papa kashii sila hinabol ako!!..taposh, ano! Dapa ako!" Natatawa si tatay habang binibihisan ako.
"Anak...*ubo* *ubo* ...may ibibigay sayo Ang tatay!" Natuwa Naman ako.
"Yeheyy..." Pumunta kami sa Sala at nakita ko si nanay na parag zombie maglakad.
"Iinom na Naman Shi nanay?" Pinaupo ako Ni tatay sa tabi ni ate.
"Hintayin niyo si tatay ah! Ipapasok niya Lang si nanay sa loob!" Nakapout ako habang tumatango. Pumasok sila sa loob at nagsisigawan.
"Ate! Ni-aaway ba Ni nanay si tatay!" Tanong ko Kay ate. Mas matanda siya sa akin Ng dalawang taon.
"Hindi Bibi!" Pagbaba Ni tatay namumula Ang pisngi Niya agad akong tumayo at hinawakan ito.
"Tatay nag-make up ka ba?" Natawa si tatay bago tumango.
May isang box sa lamesa. "Anak Kong maganda---"
"Ihhh pogi Po ako tatay! Pogi!" Ginulo niya Lang Ang buhok ko sabay sabing.
"Sapatos Ito anak! Pag laki mo magagamit mo Ito!" Kinuha ko Ang inabot Ni tatay. Masyadong malaki sa akin. Inabot Naman Ni tatay Kay ate Ang isang damit.
"Salamat tatay!" Tapos ginawaran ko siya Ng halik sa pisngi.
Anim na taon ako Ng makipagsapakan sa kaklase Kong lalaki.
"Opo Tay! Yang anak Niyo Po Ang nanapak!" Dinig Kong Sabi Ni ma'am Kay tatay. Nasa office Kasi kami kasama si jimboy na sinapak ko kanina. Ayun dugo Ang ilong.
"Pasensya na ako nalang Ang magbibigay Ng gamot---"
"Aba Tama Lang Yan!" Sabat Naman nung nanay Ni jimboy. Inuwi ako Ni tatay sa bahay bago siya nangisda.
"Ikaw Bata ka wala ka nang nagawang matino..." Pinapalo ako Ni nanay ngayon "pabigat ka...palamunin..." Sabay hampas Ng hanger.
"Hindi na Po nanay! Shorry na!" Hindi Naman niya ako pinakinggan sa halip ay piningot Niya pa ako. Kitang-kita ko si ate na naaawa sa akin. Hindi Niya ako magawang ipagtanggol dahil mapapalo din siya pag ginawa Niya yon.
Pitong taong gulang ako Ng umalis si nanay at Hindi na bumalik pa.
"Tay! Tay! Kailan daw uuwi si nanay?" Ngumiti siya pero malungkot Ang kaniyang mga Mata.
"Sa susunod na araw anak! Halika na Kain na Tayo!" Nagdasal ako bago kami sabay-sabay na kumain Ng tuyo.
"Naku Tay! Yang pong anak Niyo nanaknak Ng lapis sa kaklase Niya!" Singhal Ng guro namin.
"Sagutin ko na Po ang---"
"Malamang na sagutin mo alangan Naman ako pa!" Inis na Sabi nung nanay Ni sidoy. Yung sinaksak ko Ng lapis.
Pero kahit ganito ako never akong pinagalitan ni tatay sa halip ay pinagsasabihan Niya nalang ako.
"Anak bakit mo Naman ginawa Yun?" Umiyak ako saka nagpaliwanag.
"Tatay Kasi si sidoy Sabi Niya...." Sinisinok pa ako Nan. "...Sabi Niya pokpok daw si nanay. Nasa kabilang baryo daw siya sumasayaw sa harap Ng mga lalaki!" Iyak pa din ako Ng iyak. Niyakap Lang ako Ni tatay.
YOU ARE READING
That Boyish Girl
CasualeSabi nila TOMBOY daw ako hindi nila alam may tinatago ding LAMBOT itong puso ko. Atyaka iba ang TOMBOY sa BOYISH!