Princess POV
Ilang buwan na ang nakalipas simula nung mag-usap kami ni zendrix. Wala na kasi siya ngayon nasa states nag-aral. Pero may communication padin kami.
Nakasakay kami ngayon ni ate sa isang trycycle. Magpupunta kasi kami sa school dahil enrollment na. Sinabi ni lola na mag-enroll kami sa PIS (Premium Integrated School). Taray ng school pero mas mataray si lola. Ayaw niya kaming samahan dahil matanda na daw kami.
"Si lola kasi eh" paninisi ko kay ate. Si lola kasi may rayuma daw.
Bigla nalang akong kinutusan ni ate. Nayuyogyog na nga ulo ko sa daan tapos titipasin pa.
"Ah tae" bulong ko at kinamot ang ulo.
"Manahimik ka dyan princess idadak-teyp ko yang bunganga mo" matigas talaga bumigkas si ate. Pero nagiging pabebe sa harap ng ibang lalaki.
Tumahimik nalang ako at tinignan ang tinatahak naming daan. Dala ko nga pala yung birth certificate at NSO namin ngayon.
Hindi pa din kami nagpapagawa ng uniporme. Bukod sa mahal ay may binabayaran pa kaming utang. Okay lang naman kasi freshman kami,baka payagan kami.
Grade 10 na pala ako ngayon tapos si ate grade 12 na. Bawat pag-gulong ng gulong ay kinakabahan ako.
"Ate, baka madaming tao." Hindi naman niya ako pinansin.
Lumipat na pala kami ng bahay nila lola. Para siyang city kasi may nga gusali din. Pero mas patok ang mall,café at iba pa.
Lumipat kami dahil wala nang senior high-school sa probinsya. Hindi naman pumapayag si lola na si ate lang ang lumipat. Kaya ayun lahat kami.
Nakabonet ako ngayon. Sabog din ang buhok ko pero diko pinansin yon.
Nakatunganga ako ng biglang huminto ang trycycle. "Ay itlog" bulalas ko.
Lintek!napatingin tuloy sa akin si ate.
"Salamat po kuya" tyaka niya inabot ang bayad. Pag-alis ni manong agad niya ako piningot.
"A-arayyy" tapos binitawan niya. Kinamot ko ito tyaka inis siyang tinignan.
"Itlog, itlog ka dyan,tara na" sabi ko nga.
Pagpasok namin sa gate nakita namin si manong guard.
"Kuya saan po magpapa-enroll?" Tanong ni ate.
"Punta ka dun oh..." turo niya sa may lamesa na mahaba. "...registration yon. Andun lahat ng teacher." Nakangiting sabi ni manong.
Umalis na si ate kaya sumunod na ako. Nagtungo kami sa may mahabang mesa kuno.
"Yes?" Mataray na tanong nung teacher.
"Mag-papa enroll po kami" halatang nahihiya si ate kasi ang hina ng boses niya.
"Hmm, give me your birth certificate and also the NSO..." inabot ko naman sa kaniya ito. "And kindly fill up this form" may inabot siya sa aming papel na kalahati lang. May sulat dito.
"Pwede po pahiram ng ballpen?" Tanong ko. Tumango naman siya at binigyan kami ni ate ng tig-isa.
Madali lang naman nakalagay sa form.
Name:
Age:
Birthday:
Male or female:
Grade label:
Cp number:Signature:
Agad ko itong tinapos at binalik sa kaniya.
Kita ko ang gulat sa mata niya ng makita ang birth certificate namin. Pero agad din siyang umalma.
YOU ARE READING
That Boyish Girl
RandomSabi nila TOMBOY daw ako hindi nila alam may tinatago ding LAMBOT itong puso ko. Atyaka iba ang TOMBOY sa BOYISH!