INNER SELF

12 2 0
                                    

Sa bawat araw

Tila hindi matigilan na maging tulala

Mga gawaing hindi alam kung kailan matatapos

Mga takda na hindi alam kung kakayaning pang matulog

Pero hanggang ganoon nalang ba?

Dapat ko pa bang ipagpilitan na kaya ko pa?

Nakakasakal ang konsepto ng iba sa mga salitang binibitawan nila na "kaya mo na yan"

Mahirap palang mabuhay na lagi kang dinidiktahan

Mga pangarap na tila hindi na mabibigyang puwang

Mga terminolohiya ng magulang na "ginagawa namin to para ikabubuti mo"

Hindi manlang inaalam ang kaligayahan mo

Ang henerasyon na ang pakikinig ay hindi na ang sentro

Makinig bago magbara o mambara ng isang tao

Desisyon na kailan ay hindi mabigyang respeto

Mga tenga na nagbibingihan sa mga suhestiyon na parang wala manlang pakialam

Ganun na nga ba ang buhay ngayon

Mga taong hindi ginagamit ang tenga kundi puro bibig nalang

Mga taong kailanman hindi uunawain ang tunay na dahilan bago magkomento

Nabubuhay nalang ba tayo sa mga mapanghusgang mundo?

Henerasyon tila nakakalimutan na ang salitang tayo ay maging mabuting ehemplo

Mga bangayan na walang katapusan dahil sa makikitid niyong isipan

Tila nakukulangan na ata tayo ng matitinong tao sa lipunan

Lalo sa panahon ng pandemiya na lahat na ata ng tao ay umaasa nalang sa tulong ng gobyerno

Samantalang ang mga empleyadong kumakayod at binubuwis ang kalusugan para mag banat ng buto ay hindi nabibigyan ng sapat na benepisyo

Mga matang nakatuon nalamang sa mga mahihirap

Hindi sa minamaliit

Pero alam naman ng karamihan na ang pagiging mahirap ay laging naambunan ng mga benepisyong kailanman'y inaabuso at tila walang pakialam sa mga nagtatatrabaho ng marangal.

The Hidden PoetWhere stories live. Discover now