Chapter 6: The twist! NP became his slave!

209 10 0
                                    

Raven------------------------------------------------------------>>>>>

Jett POV

 tokkk-----took---------toookkkk

Nanunuod ako ng tv ng may kumatok  sa pinto ng condo ko.

Pagbukas ko palang sumalubong na sa akin si Raven na halatang nakainom. Parang mabubuwal na nga ito sa sobrang kalasingan.

“Bro! Watz-upp”

“San ka ba galing?”

“Nagunwind!! Hooh Party!!”

Tinataas pa nito ang mga kamay nito kaya ayun pati ang  vase  na nanahimik sa isang tabi nabasag pati yung sofa naiba na ng posisyon.

Pinapanuod ko lang siya na lumakad  mag-isa papunta sa kwarto ko at dumiretso sa kama.

“Hoy Raven! Bumangon ka nga jan!”

Hinila ko siya sa kama ko pero ang lupet tulog na agad. Ano kayang problema  na toh? Pati tuloy kama ko. Hay ano pa nga ba??  Long time no see Sofa! Masusulo mo ako ngayong gabi. 

Papatayin ko na sana yung tv ng may kumatok nanaman. Ano ba yan puro istorbo. Sino naman kaya etong isa natoh? Si Seven?

Tsssss . Baka nga si Seven pero pagkabukas ko ng pinto si mama ang nakita ko.

“MA!”

“K!”

Humalik agad ako sa cheeks ni mama.

“Oh! Whats that?”

Tumingin ako sa tinitingnan ni mama. Yung vase na basag nakita niya at ang magulo kong sofa .

“Ano ba toh!”

“Ma Ill fix it later!”

“No you need a maid! Goodness look at your room ! Ito na nga ba ang sinasabi ko hindi mo kayang mag-isa.”

“Mom it’s  just…”

Di pa ako nakakatapos magsalita nagsalita nanaman si mama.

“Aalis pa naman kami ngayon ng papa mo”

“San kayo pupunta?”

“Sa Las Vegas. Business trip!”

“And now panu ako aalis na toh kung ganyan na wala man lang naglilinis at nag-aayos ng gamit ng baby ko?”

“Don’t worry ma”

“Don’t worry? No! bukas na bukas din papupuntahin ko dito ang mga magiging maids mo for 24 hours! Got it!?”

“Pero ma?”

“Goodbye K ! Matratrafic kami ng papa mo pagnagtagal pa ako, 2 hours nalang flight na namin! Bye!" 

Humalik na sa pisnge ko si mama at umalis na.

 Pinatay ko na yung tv at naupo sa sofa. 

 "Wala namang masama kung magkakamaid ako basta wag niya lang guguluhin ang tahimik kung sanctuwaryo!! na ginulo na ni Raven! or else Ahh bahala na si Batman "

Kinabukasan

 Jett Cayden POV

Pinapanuod ko si Raven na gising na at hawak-hawak ang ulo.. Masakit siguro ang ulo ng loko  uminom ba naman kagabi!

"Hoy Raven umuwi ka na nga!"

Nagulat ata sa akin ang loko napatingin kasi bigla sa akin.   Bumaba siya ng kama at pumunta sa CR. 

The Slave and the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon