Chapter 4

34 2 0
                                    

"PAANO ka natutong magluto?",tanong ko kay Derrick

We are here in the kitchen and I'm currently watching him while he's cooking Adobo.

"Kay Mama, kanino pa ba?",sabi niya in the tone of like stating the fact

Oo nga naman. I'm getting stupid na these days. Ano bang nangyayari sakin? Masama yatang nagkaroon kami ng agreement ni Derrick.

Hindi nalang ako nagsalita and just played with my phone. Magpapa-level up muna ako sa Clash of Clans.

"Ugh!", I blurted out. Kasi naman natalo yung troops ko sa oponent na in-attack ko

"Oy.. Tama na yan! Kumain na muna tayo.", rinig kong sabi ni Derrick kaya naman napaangat ako ng tingin

Tapos na pala siya? Hindi ko naman namalayan.Umayos na ko ng upo. Pagkaupo niya ay nagsimula na kaming kumain.

"Akala ko ba papanuorin mo akong magluto? Bakit nagpipindot ka lang sa phone mo?",biglang sabi ni Derrick

Napatingin ako sa kanya.. "Huh? Papanuorin kita?"

"Oo! Kaya ka nga nandito sa kusina habang nagluluto ako diba?"

Kapag nandito sa kusina it means na I'll watch him na agad?

"When did I said that I'll watch you while cooking?",I asked him

"Eh ano palang ibig sabihin na nandito ka habang nagluluto ako?!"

Wait.. why is he like that? Bakit ba siya naiinis?

"Nothing! Gusto ko lang mag-stay dito para kapag natapos ka nang magluto, nandito na ko. Edi hindi hassle na bababa pa ko galing sa kwarto diba?",sabi ko at sumubo ng kanin. Infairness, masarap din yung luto niya katulad kay Tita.

"Tss..",sabi niya lang bago rin sumubo

"Eh teka.. Ano bang kinagagalit mo?",I said in a teasing tone

Napatingin naman siya tapos umiwas din.. "Wala! Ano namang ikagagalit ko?"

Wala daw pero ang taas ng boses? Psh. He's really something. Pinagpatuloy ko nalang yung pagkain ko.

"I was just thinking Derrick. Tutal daily ang pasok ni Tita, ikaw na lang ang magturo sa'kin magluto. Parang namana mo naman yung skills niya eh.."

Kumunot naman yung noo niya. Teka, tatanggihan niya ko?

"Are you rejecting me?",I asked then shot my eyebrow upward

"No..",sabi naman niya

"Good..",napangiti ako.. "After lunch, mamili tayo ng recipes. Turuan mo ko magluto para mamaya sa dinner."

"ALIN ba dito?",tanong ko kay Derrick

Nasa vegetables section kami ngayon at tinatanong ko kung ano ba dito yung kailangan para sa Sinigang. We decided bago kami mamili na Sinigang yung lulutuin para sa dinner.

"Eto kayang.. uh.. ano nga bang tawag dito?",I asked myself while looking at an avocado shaped vegetable. Kulay green din siya pero nakalimutan ko yung tawag.

"Derrick ano nga-",I didn't finish what I was about to say kasi paglingon ko wala si Derrick.

Itatanong ko sana kung anong tawag sa hawak kong gulay but he's no where. Bakit ba laging nawawala yun kapag nauuna ako? Kailangan bang laging may matang nakatingin sa kanya para di mawala?

Binaba ko yung hawak ko and scanned the people here in the vegetables section. Wala naman siya! Pumunta ko sa katapat na shelf kung saan nandoon yung mga condements, pagsilip ko sa kabilang gilid ay nakita ko siya.

May kausap siyang babae. Parang last time may kausap rin siyang babae ah! Anong bang meron sa lalaking to? Girls Magnet,eh?

Hinintay ko lang na matapos silang mag-usap. Ayoko namang masabihang epal at isa pa ay tinatamad akong maglakad papunta sa kanila. Bumalik nalang ako sa vegetables section at naglagay sa cart ng mga gulay na kilala ko. Meron namang radish sa Sinigang diba? Ano pa ba?

I was engrossed by picking vegetables when I heard someone called me.

"Summer?"

I turned my head to see who's calling me..

"Dylan!",I said in surprise.

"What are you doing here?",he asked

"I think I'm the one who have to ask you that question.",sabi ko sa kanya pabalik

Dylan is a friend of mine. We met each other in Texas. Unlike me, he doesn't have Filipino blood, he's pure american pero moreno siya.

"Well, my father is visiting his land here so I decided to go with him. You know.. to have some vacation.",he said then he chuckled

"You really changed, huh?",I said eyeing him. He's really a good boy now.

"Yeah.. You know it's because of you..",he said seriously

"Summer! Nakuha mo na yung recipes?"

Oh? Nandiyan na pala si Derrick. Tapos na siguro siya makipaglandian.

"Dylan.. I'm sorry. I need to buy more recipes because I'm learning now how to cook.",I said then smiled widely

"Really? That's good to hear. Well.. uh, I also have to go. I just accompanied someone here. So yeah.. See you in Texas, I think?",he said and I chuckled

"Yeah.. bye.",I said and I was surprised what he did next. He kissed me on my cheek.

"Bye.",he said smiling and then turned his back from us.

Natawa nalang ako kay Dylan. Tinignan ko nalang ulit yung mga gulat na nasa cart.

"Sino yun?",tanong ni Derrick. Nandito rin nga pala siya.

"Friend.",tipid kong sagot.. "Ikaw? Sino yung kausap mo kanina?",dugtong ko

"Kaibigan din..",sabi niya at hindi na ko nagtanong ulit.

"Kaibigan siya nung babaeng kasama ko sa picture na, well.. nabasag mong frame. Si Angelica,so technically.. kaibigan ko na din siya.",sabi niya

"Hindi ko naman tinatanong..",I said in a straight face.

Totoo naman. Hindi ko naman talaga tinatanong kung sino yung babaeng yun pero nagpapaliwanag siya.

Tumingin naman siya sakin. Parang tsaka lang nag-sink in sa kanya

"Tsk!",yun lang yung lumabas sa bibig niya habang tinitignan yung mga gulay na nakalagay sa cart.

"Teka.. Broccolli?",tanong niya at pinakita yung mga broccolli sa'kin

"Yup! Why?"

"Sa Sinigang?",tanong niya ulit

"Why? Wala bang Broccolli sa Sinigang?"

Halos itampal naman niya sa sarili niya yung broccolli na hawak siya. Sayang, di niya pa tinuloy.

"San ka nakakita ng Sinigang na may Broccolli?"

Wala ba talaga noon? Hmp. Malay ko ba. Hindi naman nga kasi ako nagluluto eh.

Hindi ko nalang siya pinansin habang binabalik yung ibang gulay na mali daw.

"Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sayo. Tignan mo, sayote? Tsk! Halatang di marunong magluto!"

Sayote pala tawag dun sa avocado shaped na vegetable? Ngayon alam ko na.

"Kaya nga I'm asking you to teach me para matuto ako, diba? Psh. Ang reklamador mo!"

Tinignan niya lang ako na parang naaasar. Bahala siya diyan.

"Pasaway..",rinig kong bulong niya

My SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon