ISANG maarteng boses ang nakapagpagising sakin. Ugh! Ano ba? Bakasyon at gusto ko munang matulog!
“Derrick! Wake up na!"
Tss.. Manigas ka diyan!
Tok! Tok! Tok!
“Derrick! Bilis!"
Nakakasar! Bumangon ako para matigil na siya sa kaingayan niya. Binuksan ko ang pinto at nabungaran ko siyang nakapamaywang.
"Bakit ba Summer? Ang aga aga nambubulabog ka!",bulyaw ko sakanya
"Hello? It's already 7 in the morning! And I'm starving. You should make me an oatmeal!",demand niya
"Aba! Nakahanap ka ng katulong mo ah! Kung sa Texas, pinagsisilbihan ka, dito wala kang yaya!",sabi ko at akma ko nang isasara na yung pinto pero nagsalita pa siya
"Really? Okay.. I'll just call our grandpas and tell them what's hapenning!",sabi niya at nag-dial sa phone niya
Inagaw ko naman yung phone niya. Tsk! Kung hindi lang babae to kanina ko pa to pinatulan!
Siguradong magsusumbong siya sa mga Lolo namin at papagalitan ako nun. Kapalit kasi talaga ng binigay niyang motor yung pagsama sama ko kay Summer buong bakasyon at kapag nagsumbong tong babaeng to, babawiin yun ni Lolo
"Okay.. okay.. Maghintay ka sa kusina at igagawa na kita ng oatmeal..",sabi ko na nagtitimpi.
Kinuha niya yung phone niya sakin.."Yey! Sige.. I'll go there na!",sabi niya ng nakangiti
Nagsuot ako nang sando atsaka bumaba papunta sa kusina. Naabutan ko naman siyang nagse-selfie. Tss.. Dito na talaga siya natutulog sa bahay. Pangatlong araw na niya dito at sa tatlong araw na yun, badtrip ako! Paano ba naman tuwang-tuwa sa kanya si Mommy. Siya palagi kinakampihan.
"Nga pala Derrick, Tita said that she'll go to her friend daw muna kaya tayo nalang daw ang bahala sa house.",sabi niya
Sinimulan ko nang gawan siya ng oatmeal. Ang dali lang naman nito bakit pa siya nagpapagawa.
"Madali lang naman to ah. Bakit di ikaw ang gumawa ng sarili mong oatmeal? Para narin di ka nambubulabog ng maaga!",sabi ko sa kanya
"Hmm.. Nasanay ako eh.. Tsaka ano ka ba? It's better naman for you to wake up early kesa nakababad ka sa higaan."
Eh ano bang paki niya sa katawan ko? Tsk! Ewan ko ba pero di talaga match ang ugali namin. Hindi naman ako masyadong rude makipag-usap pero kapag sa kanya di ko naiiwasan.
"Speaking of being healthy.. after eating oatmeal, we should go jogging. Malawak naman tong subdivision niyo diba? Pwede naman siguro tayong umikot dito.",sabi niya
"Ikaw na lang. Wala akong interes sa mga ganyan..",sabi ko at iniabot na sa kanya yung bowl na may oatmeal
Nagliwanag naman yung mata niya.."Thankie!",sabi niya at nagsimula nang kumain
Iniwan ko na siya at dumiretso ako sa sala. Binuksan ko nalang yung t.v. para naman may magawa ako. Pero ang boring lang din kasi puro lifestyle show ang palabas. Nakalimutan ko sabado pala ngayon.
Naramdaman ko namang may tumabi sakin.. "Halika na Derrick!",sabi niya
Hindi ba marunong magbaba ng tono tong babaeng to? Kailangan laging pataas?
Hinarap ko siya.. "Saan naman?"
"Di ba nga.. We're going to jog outside? Duh..",sabi niya at umirap pa. Tss. Ang arte talaga