Chapter 3

20 2 0
                                    

MAAGANG nagising si Derrick. Lunes kasi at wala ang Mommy niya dahil pumasok sa trabaho. Gumawa siya ng breakfast na para sa dalawang tao.

Nakokonsensya sya sa mga sinabi niya kay Summer nung isang gabi. At hindi pa sila nag-uusap simula noon.

Pagkatapos niyang magprito ng bacon at hotdog ay gumawa naman siya ng oatmeal para kay Summer. Inayos niya ang lamesa at plating para naman magmukha itong presentable.

Nag-e-effort ata ako ah.. Hayaan na nga! ,sa isip ni Derrick

Umakyat na siya para katukin ang pinto ni Summer. Nagtataka nga ito dahil mag-a-alas otso na at hindi pa lumalabas ang babae. Karaniwan naman ay mas maaga pa ito sa kanyang nagigising.

Tok! Tok! Tok!

"Summer!",tawag niya

Wala siyang response na nakuha kaya naman ay tinawag niya ulit ito..

"Summer! Mag-breakfast na tayo.."

Naghintay ulit siya ng ilang sandali pero wala paring sumasagot. Nagtaka siya kaya naman pinihit niya ang seradura. Hindi ito naka-locked. Pagtingin niya sa loob ay walang tao.

Nasan na yung babaeng yun?, tanong niya sa sarili

Hinalughog niya ang bahay pero wala ito kahit saan. Lumabas siya nang bahay pero wala naman ito doon. Nagsimula na siyang mag-alala. Hindi kabisado ni Summer ang Subdivision nila at baka may mga loko-loko itong makasalubong sa daan.

Pumasok ulit siya sa bahay at kinalma ang sarili. Umupo siya sa sofa. Alam niyang matalino si Summer at alam rin niyang kaya nito ang sarili. Ang kaso, hindi niya talaga mapigilang mag-alala. Kahit naman lagi silang hindi magkasundo ay kargo parin niya ito.

Naghintay lang siya sa salas at hindi muna nag-breakfast. Kailangan ay makauwi muna si Summer.

Maya-maya ay narinig na niya ang pagbukas at pagsara ng gate nila. Hindi na niya napigilang tumingin sa pintuan at hintayin ang pagpasok ni Summer.

"Ugh.. Ang init!", sabi ni Summer pagpasok nito

Nagulat siya nang makita ang sout nito. Naka-sports bra lang ang babae at naka-leggings na hanggang tuhod. Uminit nalang bigla ang ulo niya.

"San ka galing?",tanong niya pero dire-diretso lang sa pagpasok si Summer.

Tinanong niya parin kung saan galing ang babae kahit obvious naman kung saan ito nagpunta.

Tumayo siya at sinundan ito.. "Hindi ka manlang ba marunong magpaalam?",sabi niya at hinawakan ang braso ng babae

"Let me go!",bulyaw nito paglingon sa kanya

"Bakit hindi ka nagpaalam na lalabas ka ng bahay?",sabi niya at hindi pinansin ang sigaw nito

Umirap ito at sinabing.. "As if you care! At saka wag ka ngang epal! Wag mong pakialaman ang mga ginagawa ko and I'll do the same!"

Tinitigan niya ng mataman ang babae. Kinalas nito ang pagkakahawak nito sa braso niya at saka umakyat ng hagdan.

ALAS sais na nang gabi at wala parin ang ang Mommy ni Derrick. Mukhang nag-overtime na naman ito.

Nasa salas lang si Derrick at tinitipa ang kanyang gitara. Wala naman talaga siyang saktong piyesa na tinutugtog, basta't nag-s-strum lang siya.

Sorry.. Sorry.. Sorry.. Sorry.. Naega.. Naega.. Naega..♪

Natigilan siya. Nagtataka siya sa sarili niya kung bakit naman ang kantang iyon ang lumabas sa bibig niya. Kailangan na nga ba niyang mag-sorry?

Narinig niyang may bumababa sa hagdan kaya naman napatingin siya. Si Summer. Alangan namang may iba pa eh silang dalawa lang naman ang nasa bahay.

My SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon