NAGISING ako ng alas singko ng umaga dahil sa tunog ng phone ko. Sino bang matino ang tatawag ng ganito kaaga?
"Sino to?",sabi ko habang pupungas pungas ang mata
"Derrick,apo! Nasa airport ka na ba?",rinig kong sabi ni lolo sa kabilang linya
Nagtaka naman ako.."Airport? Ano naman pong gagawin ko dun?"
"Ayy.. pasaway kang bata ka! Magmadali ka na't baka dumating na si Summer ngayon! Bilisan mo na! Ibababa ko na to..",sabi niya at pinutol na ang linya
Ngayon na ba yun? Ano bang petsa ngayon? Tinignan ko naman yung mini calendar sa side table ko. April 2. Shit! Ngayon na nga yun!
Dali-dali naman akong tumayo mula sa higaan at nagpalit ng shirt at jeans. Lumabas na ko ng bahay at ginamit yung motor na bigay sakin ni Lolo. Buti nalang nakuha ko na yung student's liscence ko last month.
Nakakaasar! Kung bakit kasi ako pa yung pinapag-sundo sa babaeng yun! Wala ba siyang pamilya? Ang aga-aga ako yung iniistorbo. Piste!
Pinarada ko sa parking space yung motor ko. Pumasok na ko sa entrance at hinanap ang arrival area. Medyo maraming tao ngayon, dahil siguro bakasyon.
Linibot ko yung mata ko pero di ko makita si Summer. Teka nga.. Matagal ko na siyang di nakikita kaya baka di ko na makilala yun. Nako naman!
Naglakad lakad ako nagbabakasakaling makasalubong siya. Isa isa ko na ring tinignan yung mga taong naka-upo sa arrival area pero wala naman akong mamukhaan.
"Where is he na po ba?",rinig kong sabi ng babaeng nasa harap ko.
Nakatalikod siya sakin kaya di niya ko nakikita. Lalagpasan ko na sana siya nang marinig kong sinabi niya ang pangalan ko.
"Kanina pa po ako dito and I don't see kahit anino ni Derrick!"
Siya na ba to? Naglakad ako papunta sa harap niya without her noticing. Pinasadahan ko siya ng tingin. Mahaba na ang buhok niya ngayon at mas tumangkad din siya.
"Okay.. I'll wait nalang po ulit..",pagkatapos niyang ibaba ang phone niya ay lumapit ako
"Summer! Nice to meet you! Let's go now..",sabi ko hindi ako rude pero hindi lang talaga kami close
Kinuha ko na yung bagahe niya. Isang maliit na carrier lang naman ang dala niya. Ang alam ko galing siyang Texas, dun daw siya nag-transfer for half grading period. Texas national kasi ang tatay niya.
"Wait.. Derrick, ikaw na yan?",sabi niya na parang di makapaniwala
Tumango nalang ako para manahimik siya kaso hindi rin pala.. "Oh my gosh! Ang pangit mo pa rin!",sabi niya at tsaka tumawa
Tss.. Ngayon palang alam ko na hindi talaga kami magkakasundo tulad nung mga bata pa kami.
"Tss.. Umuwi nalang tayo,okay? Ang aga pa at gusto ko pang matulog! Alam mo bang naistorbo ako dahil sayo?",sabi ko at nauna nang maglakad.
Paglabas ng airport ay hinanap ko yung motor ko, tinali ko yung carrier niya sa space sa bandang dulo ng motor.
Pagkasakay ko nakita ko namang nakatitig lang siya.
"Oh ano? Tatayo ka nalang jan?"
"Wait, wait, wait! You're going to make me ride that.. that thing?",hindi makapaniwalang tanong niya
Tsk! Bakit ba mas lalong umarte to?
"Oo.. Kung ayaw mo, sige maglakad ka!",sabi ko at in-start na
"S-sandali.. Eto na,sasakay na!",sabi niya at nag-alangan pang sumakay
Hindi niya alam kung saan hahawak kaya kinuha ko yung mga kamay niya at inilagay sa bewang ko.. "Dito ka humawak. Mamaya, di ko alam wala ka na pala jan sa likod ko.",sabi ko at nagsimula nang paandarin yung motor
"Kyyaaah!",tili niya na kinagulat ko
"Ano ba? Pwede tigilan mo yan? Pag tayo naaksidente!",sabi ko dahil muntik ko nang matodo yung liko ko, kung hindi ko lang naagapan baka nakahandusay na kami sa kalasada
"Eh natatakot ako eh! Dahan dahan lang kasi!",sigaw niya
"Nag-iingat ako kaya wag ka nang mag-inarte diyan!"
Nakakainis! Alam niya bang siya palang ang unang babaeng naangkas ko sa motor ko? Kahit si Khakha di ko pa naaangkas. Tapos magrereklamo pa siya? Asar!
Pagkarating namin sa tapat ng bahay nila na katabi lang din ng bahay namin ay tinulungan ko na siyang buhatin yung carrier niya.
Nung papasok na ko pinigilan naman niya ko. Maliwanag na ngayon dahil alas sais y media na.
"Bakit na naman?",tanong ko dahil onti nalang baka di na ko makapagpigil sa kanya
"I will not stay there.. See? It's locked.",sabi niya at tinuro yung lock nung gate
Nagtaka naman ako.."Eh san ka pala mag-s-stay? Uuwi ka dito tapos wala ka namang tutuluyan?"
"Nasa province si Lolo ngayon at next month pa ang uwi niya..",sabi niya na parang wala lang
"So san ka mag-s-stay ngayon? Ano? Dito ka matutulog sa tapat ng gate niyo for one month?",tanong ko
"Nope, grandpa said that I will stay in your house so let's go!",sabi niya at nauna na
Teka.. Ano daw?
