DERRICK
Maaga akong nagising kanina. Nasanay na ko dahil sa araw-araw na pambubulabog sakin ni Summer. Tsk! Sa ingay niya para na siyang alarm clock.
"Derrick! Ang bagal mo! Wag ka maglakad lang jan!",sigaw niya sa di kalayuan.
Nagjo-jogging kami ngayon at nauuna siya sakin. Naglalakad nalang kasi ako ngayon. Pinameaywangan lang niya ko habang naghihintay na maabutan ko siya. Natawa na lang ako sa mga pinaggagagawa niya.
Nung nasa tabi niya na ako, eh pinagtaasan naman niya ko ng kilay.
"Tinatawanan mo ba ko?",tanong niya
"Hindi ah.",sabi ko habang nakapamulsa. Pa-cool lang.
Ngumuso lang siya at nagsimula na ulit tumakbo. Nagpapa-cute ba to sakin?
Sumunod nalang ako sa kanya at tumahimik. Ngayon ko lang din napansin na may earphones pala siyang nakasaksak sa tenga. Sinasabayan niya rin yung kanta.
♪So it's gonna be forever
Or it's gonna go down in flames
You can tell me when it's over
If the high was worth the pain♪Napatingin ako sa kanya. Baka mamaya kasi eh hindi pala siya yung naririnig ko. Sinabayan ko siya at tinitigan siyang mabuti. Nakapikit pa siya habang kumakanta. So siya nga talaga. Maganda pala ang boses ng babaeng to?
♪Got a long list of ex-lovers
They'll tell you I'm insane
'Cause you know I love the players
And you love the game♪Pinakinggan ko lang siyang kumanta habang nagjo-jogging kami. Hindi ko na siya inistorbo dahil baka magalit pa.
♪'Cause we're young and we're reckless
We'll take this way too far
It'll leave you breathless
Or with a nasty scar
Got a long list of ex-lovers
They'll tell you I'm insane
But I've got a blank space, baby
And I'll write your name♪"Ouch!",napatingin ako sa kanya nung bigla siyang sumigaw. Medyo nauuna na kasi ako sakanya.
Nakita ko siyang nakaupo sa lapag. Oh! Anong nangyari sa babaeng to? Linapitan ko siya kaagad.
"Anong nangyari sayo?",tanong ko sakanya
Nakita kong namumula na siya at naluluha. Para siyang batang inaway.
"It hurts..My knee hurts..",sabi niya kaya napatingin naman ako sa tuhod niya.
May sugat siya at dumudugo yun. Siguro nadapa siya. Kung bakit kasi nag-shorts lang siya ngayon?
"Bakit kasi nakapikit ka habang kumakanta? Pwede naman kasing nakadilat ka!",sabi ko
Tumingin naman siya sakin.. "So kasalanan ko? You're telling me I'm stupid?",sabi niya at umiyak
"Hala! Wala akong sinasabi ah!",sabi ko pero tinabig niya ko at tumayo na.
Paika-ika siya habang naglalakad at sumisinghot singhot pa. Hahawakan ko na siya pero tinabig niya ulit at sinabing.. "I hate you!".
Nakakasar! Bakit ba kasi ang drama nito? Tinitigan ko lang siya habang naglalakad na paika-ika. Tsk. Di pwede to.
Alam kong nagulat siya pero wala akong pakialam. Binuhat ko siya nang tahimik.
"A-ano ba! Put me down!",sabi niya
"Tsk! Ang lapit lapit lang ng kausap mo tapos kung makasigaw ka para kang nasa bundok!",sigaw ko rin sa kanya. Pasaway!
Umiwas lang siya ng tingin. Pansin ko na namumula siya. Naiinitan na siguro. Binilisan ko na yung lakad dahil malapit na rin yung bahay namin.
SUMMER
Pinaupo niya ko sa sofa pagkauwi namin. Nagulat naman ako nung pinunasan niya ko ng towel na dala niya. Tinitigan ko lang siya kasi nagtataka na ko.
"Namumula ka na. Dapat siguro mas maaga na tayo mag-jogging para hindi tayo inaabot ng patanghali.",sabi niya habang nagpupunas parin ng mukha ko. Pinupunasan niya na rin yung leeg ko.
Wait. Am I.. Am I blushing? My gosh!
Napansin niya sigurong nakatitig ako sa kanya kaya bigla niyang tinigil yung pagpupunas sakin at tumayo.
"A-ah! Jan ka lang ah! Kukunin ko lang yung first aid kit para magamot yung sugat mo.",hindi pa ko nakakatango pero umalis na agad siya.
Gosh! Ano ba to? My heart's beating so fast! What's happening to me? Am I hyperventilating?
Tinignan ko nalang ulit yung sugat ko to erase my thoughts. Nakakainis! Bakit ba kasi may bato dun? Nadapa tuloy ako! Magpepeklat to sigurado!
Maya-maya ay dumating na si Derrick with his kit. Umupo siya sa harapan ko at binuksan na yung kit.
"O-oy! Wag mong lagyan ng alcohol ah!",sabi ko na agad sakanya. Masakit kasi yun eh.
"Pano malilinis kung hindi lalagyan ng alcohol?",tanong niya
"Eh basta! Don't put alcohol! It will surely hu—kyaaah!",napatili ako kasi bigla niyang binuhusan niya ng alcohol yung sugat ko.
Ang sakit! Pinaghahahampas ko siya habang siya naman tawa ng tawa. Ugh!
"I hate you! I really hate you!",I said teary eyed.
He held my hands to make me stop. Nakakaasar talaga siya! He always makes me annoyed!
"Haha! Sorry.. Iihipan ko nalang, okay?",sabi niya ng malumanay at inihipan nga yung tuhod kong may sugat.
I just stared at him. Ngayon ko lang siya natitigang mabuti. Gwapo pala siya? Maputi siya at matangos ang ilong. Double Eye-lid. Wait! Ano ba tong ginagawa ko?
Binaling ko nalang sa ibang direksyon ko yung mukha ko para maalis yung atensyon ko sa kanya.
"Mahapdi pa ba?",napabalik ako ng tingin sa kanya nung tinanong niya yun
"Uhm.. Hindi na masyado.",sabi ko
Pinunasan niya ng bulak pagkatapos linagyan niya ng betadine. Pinanuod ko lang siya hanggang lagyan niya ng band aid yung sugat ko.
"Sa susunod kasi, wag ka nang pipikit habang nagjo-jogging!"
"Psh.",I said and then pouted my lips. Nakatitig lang ako sa kanya 'cause I'm annoyed. He always scold me like he's my father.
He just stared at me lang rin and said.. "Ang cute mo parin. Katulad nung mga bata pa tayo.."
