Chapter 3

12 0 0
                                    

Hindi ko alam ang mga daan na tinatahak namin pero mukhang ang destinasyon namin ay ang sinasabi nitong kainan daw dito, tinuro nito ang gawa sa kahoy at mukhang mamahalin na pintuan.

"Nandito nga ang mga bata, malamang kasi Tanghalian na ipapakita ko sila sayo at mamaya kana kumain, pag nakuha mona ang mga gamit mo sa opisina ko magpapahatid ako kaagad ng pagkain sa magiging tuluyan mo." Paliwanag nito at talagang ipagmamalaki niya lang ang mga estudyanteng kumakain na at ako hindi man lang niya kaagad mapakain.

"Ang galing niyo, matapos akong kuhanin ng mga kasamahan mo nung madaling araw na wala manlang akong umagahan at tanghalian." Walang emosyon kong saad ngunit bumungisngis lang ito.

Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan expect kona tahimik ngunit may naririnig na ako na mga nagkukuwentuhan ngunit di naman ganon kalakasan, a basta nalilito na ako.

Pagkabukas niya ng pinto ay bahagya pa akong nasilaw, ang mga bahagyang ingay ay naging tahimik.

"Magandang tanghali mga bata." Pagbati ng ginang at may napakalapad na ngiti pa sa mga labi nito.

Bahagya kong iginala ang aking mata at nagmistulang grandentrance pa nga ako dito nakatingin lang naman sila sakin, ang iba ay hinead to foot pa ako ngunit walang emosyon kolang silang tiningnan, napukaw ng aking pansin ang 5 lalaking magkakasama nanakatingin din sakin nasa gitna sila animo'y pinaka leader nila.

Napako ang tingin ko sa nakaupo sa kanan na silya malamlam ang pagkakatingin niya sakin, bakas na agad ang kasungitan sa mukha niya sa kabilang panig ang mukha ng mukhang matataray na babae di kalayuan sa upuan ng limang lalaki pansin ang babaeng may maliit na clip na may desenyong korona at nakataas ang kilay niya sakin, at inirapan ako, narinig ko ang mga munting bulungan ng iba.

"Sino siya??"

"Bago ata to."

"Tagal na nung huling nakatransfer dito."

"Ang ganda niya"

"Katakot ng awra...."

Mga sinabi ang iba ay sinasabihan ako na masama na ang ugali, wag lang nila ako subukan at baka magkatotoo sa totoo lang wala naman akong pake at mahaba haba ang pasensya ko.

"Who's that Headmistress?" May taray na saad nung babaeng naka clip na korona.

"Transfer, kasing edad at kabatch niyo." May ngiting sabi, teka pano niya nalaman edad ko?

"Cheap." Maarteng saad at bumalik sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya na parang binuhusan ng pintura, muling bumalik ang tingin ko sa limang lalake at mga nakatingin padin pero ang lalakeng nakaagaw ng pansin ko kanina ay tumuloy na sa pagkain muli.

"Sana, kaibiganin niyo siya, almost 2yrs na nung last na may napapunta dito, sasama ko muna siya sakin." May galak na saad, happy na happy talaga siya, ako naiinis na.

Naglakad muli kami papunta sa pintuan at hindi nakalagpas sakin ang bulong ng iba na, goodluck daw, cheap daw, mukhang dina kagandahan ang ugali ko. Hanggang dito banaman may marites sa buhay ko, pero totoo nga dahil ang iba naman ay mga walang pake.

Huminto kami sa isang kulay royal blue na pinto at tumambad sakin ang sinasabing opisina daw ng ginang nakasama ko.

"Eto ang aking opisina ako nga pala sila Loriet T. Capistrano ang Headmistress dito." Nakagngiting sabi niya iginaya niya ako sa upuan malapit sa kaniyang lamesa.

"Ok?" Tpid kong saad mas lalong lumawak ang ngiti nito, wala na siyang ibang ginawa kundi ngumiti ng ngumiti.

"So ayos na sayo diba." Tanong nito at umupo sa upuan niya

Rebellious Victorians (Elvira Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon