Nagising ako dahil may alarm pala dito at hightech pa kaya halos mabingi na ako dahil hirap na hirap ako sa pagpatay, medyo hirap ako sa pagtulog dahil hindi ako sanay na ganto kalambot ay kalaki ang higaan ko at malamig din, pahirapan din ako sa pagpatay ng dambuhalang aircon dahil base sa remote ang daming pipindutin kaya hindi ko mawari kung alin ba don.
Dumiretso ako sa ref at sumampal sakin ang malamig na hangin dito agad kong kinuha ang tubig don at nagsalin at uminom, ang sabi sakin ng headmistress ng eskuwelahan ay tuwing umaga ay pwedeng magbreakfast dun sa breakfast hall or cafeteria din.
Nagsuot muna ako ng jacket at panjama na itim lumabas ako at may mga nakasabayan din ako na puros mga nakapambahay pa at ang iba ay nakapanjama pa 10am ang start ng unang klase at hanggang 4pm kami base sa papel na binigay sakin.
Nagsitinginan ang iba sakin huminto kami ng mga kasabayan ko sa elevator kuno nila heto nanaman at ninenerbiyos ako dito ngunit hindi ako nagpapakita ng kahit anong reaksyon at emosyon.
"Grace siya yung tinutukoy ng mga Lethals no?." Bulong ng katabi ko dito sa elevator hindi ko naman sila tinapunan ng tingin dahil nasalikudan sila at nasa pinto ako katapat na mismo ng pintuan ng elevator.
"Oo siya, badtrip nga sakanya si Texana eh." Sagot ng isa pa. "Ano kaya trip nila dito noh?." Tanong nung kasama nito. "Ewan pero kung meron edi kawawa naman siya." Bulong nito at natigil na sila dahil bumukas ang elevator.
Pagkalabas ko ng building ay malamig na hangin ang bumugad sakin madami ng naglalakad sa pathway papasok ng isa pang pintuan papunta sa cafeteria na binubuksan lang daw tuwing umagahan.
"Siya yung bago......."
"Ano kaya pangalan niya?..."
"Malas niya naman kung matrip siya ng Lethals..."
Mga sabi ng kasabayan ko ngunit wala isa sakanila akong pinansin.
Pag pasok ko ay madami ng tao, ngunit hindi naman ito makalat tingnan organisado padin ito amoy ko ang mababangong pagkain at siyang nagpakalam ng tiyan ko, pansin padin ang mga titig nila sakin ngunit hindi ko na ito pinansin pa.
Didiretso nakapila ako at napakunot ang noo ko ng may bumungo sa balikat ko dahilan para mapaatras ako sumingit sila ng pila. Eto ang grupo nung babaeng may hairclip na korona puros mga mukhang nakapang alis na damit na ang mga ito ngunit sa tingin ko ay pambahay lang nila ito.
"Opss sarehhhh.." may halong kaartehan na sabi niya sabay umirap naghagikgikan namab ang kasama niya ngunit hindi ko na siya pinansin pa.
"What's the breakfast ba?." Maarteng saad nito sa taga served ng pagkain basta umagahan free na yun pati dinner lunch lang ang hindi pati breaktime.
"M-ma'am b-bacon and ham at f-friedrice po." Utal na saad ng babae. "Yun lang?." Mataray na saad niya agad tinuro ng babae ang iba pang putahe.
"Goshhh..to much oily foods O M G."saad niya at dumiretso dun sa iba pang lagayab ng pagkain nagsinuran ang mga aso niya.
"Kayo na pong bahala maglagay." Walang emosyon ko saad ng ako na ang sunod na lalagyan. Ng malagyan ako ay dumiretso ako sa dulong bahagi ng kainan sa jung saan may maliit na bintana sa taas.
Patapos na akong kumain ng naramdaman kong may unting unting malamig na bumaba mula sa hulo papunta sa harapan ko...
Umuulan ba?..
Ngunit napabalik ako sa wisyo ng mag hagikgikan ang nasalikod ko at may impit na tumatawa ang iba.
"HALA!! KALA KO HALAMAN." sabi ng salarin binuhasan banaman ako ng malamig na tubig naglaglagan pa ang mga yelo sa ulunan ko.
"Omg.. bagay sayo girl parang kang naligo ambaho mo kasi." Ani ng isa pang babae tumayo ako at tiningnan sila.
"Oh ano? Babawi kaba?." Maarteng saad nito ngunit mas pinili ko na umupo at ipagpatuloy ang pagkain ko nguniy ayaw nila akong tigilan binuhusan nila ng juice ang pagkain ko at ng may matira pa ay binuhos nila sa mukha ko.
"Ay wala na, kuha kanalang uli." Saad ng isa sa kasamahan ng babae.
"Agree ako sayo skylar kuha kanalang uli girl." Saad ng babae." What you think Texana?". Sabi pa muli nito sino si Texana?.
"Yeah go girl kuha ka pa tas buhusan uli namin para maging swimming pool." Sabi ng babae at siya pala si Texana ang babaeng may hairclip na korona.
Kalmado akong tumayo...akala niyo maiksi pasensya ko hindi at tungkol don sa ginulpi ko nasa trip ko lang din at iba naman sila dahil sa eskuwelahan ako na maaring maging tahimik at maayos ang buhay ko ay iiwasan ko ito mga kaguluhan.
"Oh, san ka punta? hahahah." Tumatawang saad nung skylar.
Wala akong pinansin lumibot ang paningin ko at nakita ko ang hagikgikan ng mga iba, basta usapang kabardagulan dun maglalabasan ang mga ingay nila.
Anlagkit ko sobra yun ang tangi kong naramdaman ayos lang maliligo nalang din ako. Nakasalubong ko si Ms. Capistrano at gulat sakin na nakatingin dahil sa itsura ko.
"Ieasha? Jusko! Anong nangyari sayong bata ka?." Tarantang usal niya at lumapit at hinawakan pa ako. Bahagyanh umiling ako habang tinataas baba ng konti ang aking balikat at nilagpasan ko na siya, narinig kong tinawag ako nito ngunit hindi ko na ito pinansin pa..
Mukhang ang buhay ko dito ay katulad lang sa labas...magulo.
*************
Dumiretso ako sa kwarto ko inabot ako ng siyam siyaw sa elevator dahil ninenerbiyos talaga ako balak ko sanang maghagdan ngunit undermaintenance ito.
Naligo agad ako at dahil wala naman ako mga ritwal sa mukha ko gaya ng iba ay mabilis din agad akong nakapagbihis ayon sa sa papel ay monday, tue nakauniform the wed and thurs ay civilian na bahala na and fri is the P.E uniform.
Agad kong sinuri muli ang uniform.
"Bakit ang ikli naman ata ng palda isang hangin lang dito ay lilipadin na ito." Ani ko sa aking sarili at isinukat ko ito mahigit 4 na dangal mula sa tuhod ang ikli nito mas gusto ko pa ang pang itaas dahil longsleeve uniform at longsleeve na blazer.
Wala akong nagawa kundi isuot ito kahit hindi ako komportable hinihigit higit ko pa ito pababa kaya pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko.
"Nubang ginagawa niya?"..
"Hinihila niya palda niya hahahah maiksi nabayan?"..
"Siya yung bago at napagtripan ng Lethals kanina sa cafeteria noh?."..
"Yassss siya yun, natawa ako na aawa HAHAHA."....
Hanggang dito umaabot ang mga marites palibhasa halos buong hita na nila ang di natakluban sa palda nila. Mga pandak naman.
BINABASA MO ANG
Rebellious Victorians (Elvira Academy)
حركة (أكشن)They are kids that is "salot" daw ika ng iba, para sakanila mga kriminal sila. Masasamang tao, puros kamalasam ang dala at walang mga magawang tama. Kaya hinihiling ng iba na mawala nalang sila para matahimik na ang mga buhay nila. Lahat ng iyon ay...