Naglalakad ako papunta sa aking trabaho alangan pasakayin ako dito ng mga driver ng trisycle eh maski sila inis na inis sakin.
Habang naglalakad ako, ay napansin ko na walang mga bituin hudyat na mukhang uulan, malapit lapit nanaman ako kaya tamad kong tinabok pagpasok ko dito sumalubong sakin ang isa din sa nagtratrabaho dito imbis na tapunan ko ito ng tingin ay dere-deretso na akong pumanhik sa locker ko at tumungo sa banyo para magbihis isang itim na slacks at blue na polo na long sleeve, banas na banas ako dito pero kailangan mag tiis.
"Ash, table 3 serve mona." Sabi sakin ng tagaluto agad kong kinuha ang order at pumunta sa table dalawang lalakeng mukhang magnanakaw puros mga nakaitim at matiim na nakatingi din sakin.
"Eto na po ang order nyo, tawagin niyo nalang po ako pag may kailangan pa kayo." Kalmadong saad ko sakanila, nakatitig parin ang mga ito sakin animo'y sinusuri ako bawat isa.
"Ieasha." May bumulong ng pangalan ko ngunit mas pinili ko itong huwag pansin dahil baka guni guni ko lamang ito.
Natapos ang shift ko at 2am na ngayon at naglalakad ako hindi naman ako natatakot bukod sa legal age na ako dahil 18 na ako ay sanay na ako maglakad sa madilim, kung sino haarang sakin edi makipagbugbugan ako kung mapatay ako edi patay.
Nagkatotoo nga dahil ng makapasok ako sa eskinita ay may humarang sakin na limang lalake, ang babaho naman ng mga ito amoy mga sigarilyo.
"IKAW si Ieasha tama ba?"nakangising saad ng lalake sa gitna mukhang leader nila mukhang tae to.
"Sagot!" Sigaw nito.
"Alam mo nanaman pala itatanong mo pa?" Walang emosyon kong saad habang tiim ba nakatingin sakanila bahmagyang napaatras ang isa sakanila sa paraan ng pagtitig ko.. killer eyes.
"Tapang mo talaga no! Tingnan natin kung san kapupulutin mamaya." Ngising sabi niya at sinenyasan ang mga alagad niyang sumugod sakin ang dalwa ay may hawak na tubo.
Agad na sumugod ang mga may hawak ng tubo at akmang iiwasiwas sakin ang tubo ng walang sabi tinadyakan ko ang tiyan nito at humampas agad ang likod sa pader bahagyang natigil ang 3 pang susugod sakin ngunit sa kabila non ay nagpatuloy padin ang mga ito.
Lumapit sakin ang isa pa ngunit tinginan ko ito at yumuko ng ihahampas niya sakin ang tubo at pagkayuko ay inulo ko ang tiyan niya at agad sinipa ang hita dahilan para mapaupo siya hinigit ko ang tubo sa kamay niya at hinampas ko sa braso niya, ba't pa ako magpapaligoy-ligoy eh gusto ko na matulog.
Sinugod ako ng dalawa pang kamao lang nila ang dala habang namimilipit na sa sakit ang naunang dalawa kong napatumba yun lang? Ang hina naman ng mga ito.
Hinampas ko sa tiyan ng isa ang tubo at agad na tinuhod ang mukha niya ng bahagyang bumaba ito, ng sumugod ang isa pa ay mabilis ko nasalo ang kamao nito at pinilipit ang kamay pagkatapos ay pinaguntog ko sila ng isa niya pang kasamahan hinampas ko silang dalwa sa binti at balikat binalikan ko ang unang nakalaban ko at hinampas ko ang binti nito.
"Mag si tayo kayo jan! Iisa lang yan natalo pa kayo!"sigaw ng leader nila nababakas ang pamumutla nito, dahan dahan akong naglakad papunta sakanya dahan dahan itong humakbang palikod hanggang sa tumigil siya animo'y nakapagisip na na dapat akong lumaban, sumigaw ito at sinungaban sana ako ng suntok ng natuhod ko ang pinaka minamahal niya alaga, agad na namilipit ito sa sakit at ginawa ko iyong pagkakataon upang malakas na masuntok ito sa mukha napahiga ito at lumabas ang dugo sa ilong at pumutok ang nguso ihinihagis ko sa isa kanila ang tubo at may natamaan sa noo.
Lalapit nasana ako sa bag ko ng may humintong itim na sasakyan sa harap ko namukhaan ko ang dalawa dahil kumain ito sa fastfood nagbabaan ang lima at mabilis na tinakpan ang bibig ko at nakaramdam ako ng hilo, binuhat nila ako sa sasakyan at ng masara nila ang pinto ay siyang pagsara ng talukap ng mata ko.
Nagising ako na dahil medyo tumatalon ang sasakyan mukhang lubak ang daanan, magsasalita sana ako ngunit nahihirapan ako hanggang sa mapagtanto ko na tinakpan nila ang bibig ko...kidnapping ba to? wala naman kami pera eh.
Siniko ko ang kadami ko ay agad ako nitong napansin matalim ko siyang tiningnan naka shades eto siguro mga mid 30's na ito, nakatali din ang kamay ko napatingin ako sa bintana umaga na gano katagal naba ang biyahe kung saan man ako dadalhin ng mga uto, bahagyang madilim dahil gubat ang aming dinaraanan.
Siniko siko muli ang aking katabi at matalim itong tinitigan hanggang sa tanggalin nito ang aking tali sa bibig.
"Saan niyo ako dadalhin, kung balak niyo ko kidnappin at hingan ng ransom ay wala kayong mahihita." naiinis kong saad, ngunit tinginan lang din nila ako at dahil sa inis ko at sunod sunod na mura ang pinakawalan ko hanggang sa busalan muli nila ako.
Sa aking tansya ay mula ng busalan muli ako ay 3oras na ang nakakalipas ramdam kona ang pagkalam ng aking tiyan, bat ba sobrang layo naman ng pupuntahan namin kung balak nila ako patayin sana ay hinagis nalang akonsa bangin...bangin.
Banginnnn...
Inalis ko sa isip ko ang bangin dahil may di kagandahan ang ala-ala ko dito.
Ilang minuto pa at tumigil ang sasakyan, napuno ako ng kaba ng makita ko ang napakalaking gate at nagtataasan na mga pader. Pumasok ang sasakyan sa gate at otomatikong nagsara ito namataan ko ang napakalaking pintuan lagpas tao mala higante ito at may mga pader padin, itim itim ang pumapalibot, napangiti ako sa loob loob ko.
Marahan nila akong hinila hanggang sa sumalubong samin ang isang babae na nasa edad mid 40's na ngunit sa suot niya ay mukhang nasa 20 lang edad nito dahil nakafitted na dress na lila ito.
Ngumiti siya sakin ngunit hindi ko iyon sinuklian pano nakabusal ako.
"Tanggalin niyo na ang tali na dalaga." Mahinhin na saad nito, agad naman sinunod ito ng mga nakaitim na lalaki, ng matanggal na ito ay parang namanhid ang kamay ko dahil sa matagal na pagkakatali.
"Welcome to Elvira, Ieasha." Nakangiting saad ng ginang at napakunoot ang noo ko.
****************
1st Chapter HAHAHHA diko talaga alam mangyayari kaya bahala na
BINABASA MO ANG
Rebellious Victorians (Elvira Academy)
حركة (أكشن)They are kids that is "salot" daw ika ng iba, para sakanila mga kriminal sila. Masasamang tao, puros kamalasam ang dala at walang mga magawang tama. Kaya hinihiling ng iba na mawala nalang sila para matahimik na ang mga buhay nila. Lahat ng iyon ay...