Chapter 7

11 0 0
                                    

"Hey freak!" Pagtawag sakin ni Texana ng matapos ang First class namin. Hindi ko siya nilingon bagkos ay umalis na at hinanap ang pangalawang klase ko.

"I'm calling you crazy woman don't you dare ignore me when I'm calling you!." Sigaw nito ng maabutan ako. Tiningnan ko siya agad ngunit tinaasan niya ako ng kilay.

"Ano?." Mataray nasaad nito. "anonymous." Palihim kong bulong.

"What are you saying?." Saad nito. "Pabida ka noh? Ano ipagmamayabang mo na nasagot mo yung question kanina..FYI alam ko din ang sagot don." Sabi nito. Hindi ko naman tinanong ah?.

"Texana ano kaba stop it."anang sakanya ng lalaki tiningnan ko ito at ito ay isa sa lalaking nakaupo sa likuran ko.

"Oh shut up Asher." May pag-irap na sabi niya ngunit ng titigan siya ng lalaki ay umayos siya at parang naging tuta. "O-oh S-sorry don't mind me." Utal na saad nito, habang tinititigan ko sila ay ngumiti sakin ang isa pa sa mga lalaki ngunit malamig ko lamang siyang tiningnan at pumasok na sa loob ng 2nd class ko.

**************

Walang masyadong ginawa sa sunod na klase kaya maaga din ang Lunch break namin.

Naglalakad ako papunta sa cafeteria at ng makabili ako ng pagkain ay dun muli ako kumain sa kinainan ko, may ngumiti sakin na babae pero tamad na tingin lang ang isinukli ko.

Hindi ko pa man din nauubos ng damakmak na ketchup ang umapaw sa pagkain ko, tiningnan ko kanino ng galing at walang iba kundi ka Texana may ngisi pa ito sa labi.

"OMG! Texana what a nice meal you gawa HAHAHA." Nangaasar na sabi ni Harper, hindi naman ako naiinis, nanggigil lang. "I know right pero Harper your reaction is so OA." may pag-irap na sabi ni Texana.

Tumayo ako at malamig silang tinitigan sa ginawa kong pagtayo ay na pa 'ohhhh' pa ang iba, si texana na nakaupo sa table at tumayo dun ang ngising ngisi akong tiningnan.

"Oh ano." mataray na saad akmang lalagpasan ko ng higitin niya ang buhok. Depungal higitin niyo na ang lahat wag lang ang pinakaiingatan kong buhok na sinuklay pa ng 100 beses ni Lola kada gabi. "Aalis ka nanaman duwag ka ha!" sigaw niya, napasalampak ako sa sahig, pero pinatayo ako ng dalawang kasama ni Texana. Ang mga tao ay nanunuod lang ang iba ay natatawa meron din naawa...pshhh wag niyo ko kaawaan mapuno lang ako sasalampak tong mga to sa sahig.

Hinawakan ni Texana ang panga ko alam ko. "Don't you ever leave when I'm talking to you!" sigaw nito sa mukha ko.

"The Hell! is happening here!." may narinig akong sumigaw at ng tingnan ko ay ang lalaking masungit pala ang nagsalita. "OMG! Theron your here eto kase, kinakausap ko tinatalikuran ako." Malambing nasabi nito kay..ano nga uli pangalan? turon.

"Xana? pati transferee pinagtripan mo." saad pa ng isang lalaki. "Zion, siya kasi tinalikuran niya si Texana while talking." pabebeng saad ni Pia, ipit na ipit ang boses ng mga ito, hawak padin nila ako, tiningnan ko si Turon at nakatingin din siya sakin ng Malamig.

"Pakawalan niyo na yan. Bagong bago nagdadala na ng gulo. " Masungit na saad ni Turon, ako pa talaga pero wala akong pake sakanya. Binitawan ako ng may hawak sakin at malamig ko silang tiningnan at kinuha ang bag ko at kalmadong umalis.

"Hi, Ieasha n-nakita ko yung ginawa sayo ni Texana, ayos kalang ba?" biglang may nagsalita sa gilid ko ng makalabas ako ng cafeteria, hinabol ata ako. Malamig ko siyang tiningnan...tss baka isa kadin sa tumawa. "Cresha nga pala, g-gusto sana kitang lapitan kahapon pa kaso natakot ako sa awra mo." anang niya pa pero walang emosyon lang ang binigay ko sakanya at mabilis siyang nilagpasan. Kahit narinig ko pa ang pagtawag niya.

Rebellious Victorians (Elvira Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon