Prologue

57 2 0
                                    

Kitang kita ko sa dalawang Mata ko kung paano ako pag taksilan ng lalaking minahal ko higit pa sa sarili ko hindi ko alam kung anong gagawin nandito ako sa isang bar kung saan dito sya madalas umiinom pag may pag tatalo kami o may problema hindi ko alam ang irereact ko dahil alam Kong Mahal nya ko pero bakit sya nakikipag Halikan sa iba kala ko iba sya sa mga lalaki dahil matagal ko na syang kilala lumuluhang napaatras ako at walang tigil Ang aking luha.

Flashback...

Umuwi ako sa condo nito balak kong bukas nalang siya kausapin magangmaga na ang mga mata ko sa walang tigil na pag luha nakapag desisyon nako makikipag hiwalay nako dahil napapagod nako pano pa kaya pag umalis na siya baka

Mag mula ng masaksihan ko sa bar na yun ay hindi nako lumabas Ng bahay nag tatanong narin Ang iba ko pang kaibigan kung anong nangyayari sakin at pinaliwanag ko sa pamilya ko ang nangyari, at sa tuwing gumigisng akong nahihilo at nag susuka at alam kong napapasin na nila ito at isang araw ay nagulantang ako sa sinabi nila.

"Elara serene! umamin ka nga buntis kaba?!" Kakatapos ko lang mag suka dahil naka amoy ako ng nakakasuka. Parang hindi ko alam ang gagawin kung anong sasabihin kay daddy dahil mukhang galit ito nagulat din si mommy at kuya na pababa na Ng hagdan pinag masdan nila ako nag simulang lumandas ang aking mga luha.

Dahil may alam ako at alam ko ang sintomas ng pag bubuntis pero hindi ko lang sigurado dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari dahil kaka graduate ko palang at hindi pako nakakatulong sa kanila tapos binigyan ko pa sila ng problema..

"Sumagot ka!" Nagulat ako sa pag sigaw ni daddy kaya lalo akong naiyak hinagod naman ni mommy Yung likod ko at pilit akong pinapatahan

"Richard! Wag mong sigawan ang anak mo" pag papaalala ni mom Kay dad.

"Sorry po" umiiyak Kong sabi dahil alam ko sa sarili kong pwede akong mabuntis sa pinag gagawa namin ni raiden pero itong mag isa lang akong mag aalaga sa magiging anak ko ay hindi.

"Anong ginawa mo porket nakapag tapos kana ay pwede kanang magpa buntis!?" Umiiyak padin ako dahil hindi ko alam ang sasabihin.

"Siguradong si raiden ang ama ng dinadala mo pero umalis na siya diba anak alam ba niya?" Nag aalalang tanong ni mommy gulong gulo na yung isip ko dahil nabalitaan ko nalang na umalis na ito patungong america pag katapos ng hiwalayan namin.

"Hin-di niya po alam" mabilis napatayo si daddy at pati si mom ay nagulat.

"Nahihibang kana ba! Anong gusto mong mangyari elara! Sabihin mo!" Ngayon lang nagalit si dad ng ganito kaya nakakatakot ito. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba na wala wala na kami dahil siguradong hindi ito titigil.

"Da-ddy wala na po kami"

"Doon ka muna sa lola mo manirahan sa probinsya hanngang sa manganak ka" nagulat ako sa sinabi ni dad.

Ayoko dahil nandito sila ayokong lumayo dahil di ako sanay na lumayo sa kanila...

End of flashback.

Ngayon ang birthday ng kaibigan kong si regina at ngayon ko nalang uli sila makikita simula ng umalis ako namimiss kona sila nalulungkot ako ng di manlang ako nakapag paalam ng umalis ako at nag pakalayo layo hindi parin mawawala sa isipan ko ang nakaraan..


Nag hahanda nako ngayon dahil ngayon ang birthday ni regina nag suot ako ng backless gown na nude color sanay nako mag suot ng gantong damit dahil pag may occasion sa company na pinag tatarbahuhan ko. Nag suot ako ng heels at simple makeup at naka lugay Ang maiksing buhok ko na pa wavy kinuha kona ang shoulder bag ko at lumabas ng silid humalik muna ako sa anak kong natutulog kaya napangiti ako dahil habang lumalaki sya ay lalo niyang nagiging kamukha ang kanyang ama.

"Cess ikaw na muna bahala kay Riley ah" Sabi ko dito sa aking katulong sa pag aalaga sa anak ko.

At tuluyan na kong lumabas at sumakay sa kotse ko habang nag dadrive diko maiwasan kung anong gagawin ko mamaya kung handa naba kong makita ang lalaking minahal ko ng sobra at sobra din akong sinaktan, nakarating naman nako at tuluyang nakarating sa hotel na pag darausan ng party pag pasok ko ay agad ako sinalubong ng maingay at mga tao may mga kakilala ako dito pero diko ko naman sila close kaya nag tuloy tuloy nako.

"Elara?!!! Sweetie ikaw nga! Omg lalo Kang gumanda ah!" Nagulat ako sa sumigaw kaya mabilis akong lumingon at nakita ko si mei na nag mamadaling lumapit sakin at niyakap ako. Na miss ko sila ni regina nag bitaw din sya sa pag yakap at humarap sakin at hinawakan ako sa kamay

"Buti naka punta ka kala ko di mo na talaga naaalala" naluluhang ani nito kaya natawa ako.

"Ano kaba syempre kayo padin yung kaibigan ko at hindi mag babago yun" alam kong nasaktan din sila

"Tara andun si Regina, dipa tayo tapos mag usap ah enjoy nalang muna tayo" tumango ako at hinatak na nya ako papuntang unahan may mga nakatingin kaya nag tuloy tuloy ako sa pag lakad at hindi sila pinansin at hindi pa kami nakakarating sa unahan ay mag tumawag samin

"Elara serene?" Kaya napatingin kami sa nag salita si regina na nagulat din at nasa likod nito ang lalaking matagal ko nang pilit kinakalimutan ang lalaking sinaktan ako at ama ng anak ko...

Last Chances Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon