Chapter 1

7 0 0
                                    

Zeria's POV

"DEIMOS ARESTA! I LOVE YOU!!"

Lumingon ang ilang estudyante sa akin pero napailing na lang. Sanay na sila eh. Walang hiya kong sinalubong ang matalim na tingin ni Deimos sa akin.

I've been chasing him for years now. I hope eventually he'll notice me. He'll notice that my love for him is true.

Hindi na ako nagulat ng inirapan niya ako. Kahit laging salubong ang kilay mo at hindi mo ko nginingitian mahal na mahal kita.

Napasimangot ako ng makita na naman si Dianne na lumalapit kay Deimos. Kumunot ang noo ko ng nginitian siya ni Deimos. Unfair!

Nagdadabog akong umalis ng cafeteria at hinanap ang tatlo kong kaibigan. It's okay to have less atleast they're true.

"Oy!!" Kinawayan ko ang mga kaibigan bg makita ko sila.

Kita ko na naman ang kulay matte red na nguso ni Candrialeda. Ang gandang babae parang laging sinusuntok ang nguso. Napangiwi ako ng inabot niya asa akin ang bullet lipstick niya. Umiling agad ako pero tinawanan niya lang ako.

Lumingon ako kay Veronica Adleida. Wee call her Adda. Nginitian ko siya at kinawayan. Tinanguan niya lang ako. Wala pa ring ekspresyon ang mukha. Napanguso na lang ako dahil hindi na nagbago si Adda.

Kinalabit naman ako ni Chandleea Celestina. We call Cena. May hawak na siyang pangayos. Hindi na ako nakaangal ng hinawakan ako nila Adda at Leda at pinaupo sa bench sa gitna nila.

Nagliliyad ako ng sinimulan ni Cena ang paglalagay ng make-up sa mukha ko. Kita ko ang pagkainis sa mukha niya. Mas inis ako tantanan niya ko!

"Cena ano ba! Ayoko sabi eh!" pilit kong tinatanggal ang hawak nila Adda at Leda sa akin.

"Zeria isa pang likot mo! Kita mo tong bag ko? Ihahampas ko sa mukha mo to!" pinandilatan niya ako ng mata

"Kaya mo?" hamon ko.

"Hindi ka sure..."

Napaismid ako at hinayaan na lang siya. Ramdam kong inaayos nila Adda at Leda ang uniform ko. Medyo malaki kasi sa akin. Yung palda ko mahaba naman.

"What yan? Super long naman ng skirt mo!" reklamo ng conyong si Leda. Lintek to  minomolestya na nga ako dami pang angal.

"Hindi ka mukhang babae Zeri..." sabi ni Adda.

"Wow ha? Ramdam ko yung pagmamahal niyo! Nakakatouch ha!" tinuktukan ako ni Cena.

"Don't galaw sabi! You know Cena will kutos you right?" sabi ni Leda

Naiiritang tinignan ko si Leda. Ang sakit sa tenga ng mga sinasabi ni Leda. Di ko kinakaya ang ka-conyo-han niya.

"Ang arte mo, Leda..." si Adda.

Sumimangot agad si Leda at humalukipkip. Tama si Adda. Ang arte niya nga.

"Bawiin mo what you just said!"

Nagkibit balikat lang si Adda at inayos ang neck tie ko. Ngumiwi agad ako ng maramdaman ang init ng uniporme. Bakit kasi kailangan may uniform pa, college na kaya kami.

"Ayan mukha ka ng tao, sa wakas." sabi ni Cena.

Tumango tango si Leda at tinitigan ako ng mabuti. Nanlaki ang mata niya at hinawakan ang mukha ko.

"Super ganda mo! Ngayon ka lang namin napilit magayos since forever! Like you've been saying ayaw mo." irap ng conyo.

"Right..." sabat ng bato.

"Ikr..." sabat ng amazona.

Kahit panay kami naglalaitan magka- kaibigan. At the end of the day we are still friends. No one can change that.

Dreams In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon