Chapter 2

5 0 0
                                    

Zeria's POV

Tahimik ako sa bench sa likod ng engineering department. Wala ang prof ko sa subject ko ngayon kaya tumambay na lang ako dito.

Nagkahiwa hiwalay kami nila Adda kanina eh. May kanya kanya silang lakad. Napapikit ako ng humampas ang malamig na simoy ng hangin sa mukha ko.

Humiga ako sa bench sa ilalim ng puno ng manga at pumikit. Malalim ang iniisip ko ng may maramdaman akong umupo sa tabi ko.

"Why are you here?"

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita si Deimos na nakatitig sa akin. Agad akong bumangon at umayos ng upo.

"W-wala kasi yung prof ko kaya tumambay ako dito."

Naiilang ko siyang iniwasan ng tingin. Nakatitig lang siya sa akin. Nanginig ang mga tuhod ko. With those tantalizing hazel eyes.

Kinuha ko ang bag ko at tumayo. Aalis na lang ako. Ang awkward. Ayoko ng ganito. Paalis na ko ng hinatak ako pabalik ni Deimos.

Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pag- amo ng mga mata niya. Why do you have to look at me like that every time you hurt me? Why those have to be that beautiful that I can't resist falling more and more. Deeper and harder.

Tumingin ako sa kamay niyang nakahawak pa din sa pala-pulsuhan ko. Ramdam ko ang init ng palad niya. Tumingin din siya doon at agad inalis ang pagkaka-hawak niya sa akin.

Napangiti ako ng mapait. Ganon ba siya nandidiri sa akin na kahit paghawak niya sa akin di niya matagalan?

"I'm sorry..."

Natigilan ako. My heart skippes a beat. Ramdam ko ang pag kirot ng puso ko. Nag- init ang sulok ng mga mata ko.

"For what?" nanginig ang boses ko.

I'm praying that he wouldn't notice my tears. I don't want him to see how weak i am.

"Yesterday..."

Tumawa ako. Kinurap kurap ang nga mata at tumingala sa puno. Kita ko ang mga bulaklak ng manga. Nasasaktan ako, pero ala naman akobg karapatang mag- reklamo diba? Choice ko namn mahalin siya eh.

"Ah yun ba? Wala lang yon! Napuwing lang ako!" tumawa ulit ako.

Pilit kong iniiwas ang mga mata ko sa kanya. Kita kong seryoso siyang nakatingin sa akin. Looking grim and dark.

"Why do always say you are fine?"

"Huh?"

"You are getting used to pretending that everything's fine with you."

"Wala lang naman talaga yon. Tsaka kahit nasasaktan ako dahil don, wala ka namang pakialam..."

"Why do you say so that I do not care for you?"

"If you care for me, you wouldn't come here to see me. You will let me be until i moved on from you."

"I don't want to..."

"What? Anong ayaw mo?"

"I just don't want to."

"Ang selfish mo naman..."

"Maybe i am, but still i don't want you to move on... from me."

"Bakit?"

"I-"

Natigilan siya at agad bumuntong hininga. Kumunot ang noo ko. He is getting weirder every month.

"I actually don't know."

"Anong di mo alam? Pwede ba yon?"

"I just don't know. Cut it okay?"

Naiirita niya kong tinignan. Nagtagis ang bagang niya. Tikom ang labi. Halos madinig ko ang pagkikis-kisan ng mga ngipin niya. Napangiwi ako at tumango na lang.

Tumayo na siya. Kinuha niya ang bag niya at naglakad paalis. Hinayaan ko lang siyang maglakad palayo sa akin. Nang malapit na siya sa mini gate.

"Deimos!"

Lumingon siya sa akin. Kunot na naman ang noo ng suplado. Ngumiti ako sa kanya. Kita ko ang paggalaw ng bagang niya.

"I love you!"

"Thanks." sabi niya.

Nagulat ako. Hindi ako nakapagsalita. Ramdam kong namula ang buong mukha ko. Ito ang unang pagkakataon na may sinabi siya pag sinasabi kong mahal ko siya.

Ngumisi siya at umalis na. Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko. Sinilip ko kung nandyan pa ba siya nang masigurong wala na agad akong tumili.

Nang makitang malapit na matapos ang vacant ko tumayo ako. Muntik na kong matumba dah nanginginig ang tuhod ko. He's the only person who could make me this weak.

Masaya akong tumayo at naglakad papunta sa next subject ko. Shit may improvement. Sana hindi maging bato.

Dreams In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon