Zeria's POV
Mabilis akong bumaba ng kotse ni Narvi at dere-deretsong pumasok sa bahay. Pagpasok ko nakita ko si Inang na balisang nakaupo sa salas.
"Inang? Si Zake po?"
"Nakatulog na apo. Pero ako ay hindioa rin mapalagay. Ano gang nangyayari sa iyong kapatid?"
Umakyat ako ng hagdan at pumasok sa kwarto ni Zake. Kita ko ang kapatid kong balot na balot ng kumot.
"Ano po bang nangyari?"
"Hindi ko din alam, apo. Nakita ko na lamang na nakahiga sa sahig iyang kapatid mo. Gusto ko sanang dalhin sa ospital kaso ang sabi niya ayos na daw siya."
"Zake... Anong nangyayari sayo? Ilang beses na nagyayari to ah?"
Napabuntong hininga ako. Hinaplos ko ang buhok ng kapatid ko. Hinalikan ko siya ssa noo at umupo sa gilid ng kamay niya.
"Inang sige na po. Ako na po ang magbabantay kay Zake."
Nawala na sa loob ko na kasama ko si Narvi. Nagulat ako ng bigla siyang umupo sa tabi ko. Tinapik ni Inang ang balikat ni Narvi bago siya lumabas.
"Leziria ayos ka lang?"
"Oo... Nasanay na din ako. Madalas nangyayari kay Zake to."
"Ilang taon na ba siya? 19 first year."
"Anong kinuha niyamg course?"
"Concern ka ba o nakikichismis? Dami mong tanong eh."
"Concern na curious happy ka na?"
Sandali kaming natahimik. Ibinalik ko ang tingin kay Zake. Bakas ang pagod sa mukha niya.
"Nasaan ba parents niyo?"
"Di ko alam. Si Mama tinakwil na kami. May sarili ng pamilya. Si Papa hindi ko nakita. Hindi ko matandaan anong itsura niya."
"Di ka ba nagtataka kung bakit iniwan kayo ng tatay mo?"
"Nagtataka syempre. Pero kailangan tanggapin lahat. Si Zake at Inang na lang pamilya ko. Sila ang buhay ko."
"Di ka ba natatakot?"
"Natatakot? Saan?"
"Baka isang araw mawala sila sayo."
"Wag naman sana. Pero kung mangyayari man yon kailangan kong lumaban."
"Nakakatakot noh?"
"Huh?"
"Kasi di mo alam kung hanggang kailan ba yung isang tao sa buhay mo. Permanente ba o temporary?"
Napatingin ako kay Narvi. Bakit ang lalim magsalita ng isang to? Hindi ko inakala na sa kanya pa ko makakadinig ng payo.
"Nabasted ka ba?"
Tumingin lang siya sa akin at ngumisi. Gusto kong malaman kung anong iniisip niya. Gusto kong malaman kung saan nanggagaling lahat ng sinasabi niya.
"Uuwi na pala ko. May gagawin pa ko eh."
Tatayo na sana ko para ihatid siya sa labas ng dere-deretso siyang lumabas. Hindi na ako nakakibo. Inalala ko kung paanong may lungkot na bumakas sa mata niya.
AGAD AKONG BUMANGON at nagayos para pumasok. Halos hindi ako nakatulog sa dami ng nangyari kahapon. Dahil wash day ngayon, isinuot ko ang isang baby blue button down crop top. High waist black maong jeans. Itim na leather belt at nude na heels.
Isinukbit ko na ang shoulder bag ko at lumabas ng bahay. Sumakay ako ng tricycle papuntang bus stop. Nagmamadali akong bumaba ng bus dahil malelate na ako.