Zeria's POV
It's been a month since me and Deimos became an item. I can't believe it. Hindi kaya ma-weird-uhan naman siya sa akin pag binigay ko na sa kanya ang binake kong cookies?
Tanga ka talaga Zeria. Bakit ka ba naman kasi nag-effort effort pa! Para namang di kayo magbebreak sa huli.
Nakagat ko ang labi ko ng makita si Deimos na naglalakad sa hallway ng school. Agad akong lumabas mula sa gilid. Kita kong nabigla si Deimos na makita ako.
Ngumiti siya sa akin at kumaway. Ngumiti ako at hinawakan ng mahigpit ang box ng cookies. Should i give it? Huwag na lang!
Agad akong tumapikod at sinilid ng mabilis sa bag ang box ng cookies. Baka pagtawanan niya lang ako.
"What's that?"
"Alin?"
"Yung sinilid mo sa bag mo."
"Books." simple kong sagot.
Pumirmi ang labi niya at tumango. He tucked my hair at the back of my ear. And then he smiled softly.
Ngingiti sana ako pabalik pero lumagpas ang tingin niya sa akin. Umawang ang mga labi niya.
Nilingon ko kung sino ang tinitgnan niya. Hindi siya pamilyar sa akin. Kumunot ang noo ko at ibinalik ang tingin kay Deimos.
Awang pa rin ang labi niya at tinitignan ang babae. Nagulat ako ng tumakbo ang babae palapit sa amin at niyakap si Deimos.
"Dei! I missed you!"
Pinagmasdan ko sila habang papalayo sila. Kita ko ang masasayang mga mata ni Deimos. Pinagmamasdan niya ang babaeng kwento ng kwento sa kanya.
Humigpit ang hawak ko sa bag ko. I gritted my teeth because i can feel my heart aching. Hindi man lang ako naalala ni Deimos.
Nag-init ang sulok ng aking mga mata at agad naglakad papalayo. What a great start.
Tulala ako buong klase. Rinig ko ang mahinhin na boses ni Kassandra. Kinagat ko ang labi ko ng marinig tumawa si Deimos.
He never laughed like that when he's with me. I clenched my fists and bit my lip harder. I can feel the tears slowly building up on the sides of my eye.
Nang tumunog ang bell hindi ako makatayo agad. Ramdam kong nanlalambot ang tuhod ko sa pangingirot ng puso ko.
Dumaan sa gilid ko si Kassandra. Naamoy ko ang matamis na amoy niya. Ang ganda niya...
Mukha siyang anghel. Ang perpekto niya. Mabait din siya. Yumuko ako ng dumaan sa gilid ko si Deimos.
Tumulo ang luha ko ng dinaanan niya lang ako. It seems like you didn't know me huh? Bakit pakiramdam ko unti unti kang nawawala sa akin?
Napangiti ako ng mapait. Pasimpleng pinunasan ang luha. Nagulat ako ng may nag-angat ng baba ko at pinunasan ang mukha ko.
"Napakaiyakin mo talaga." sabi ni Narvino.
"Narvino..."
"Putik ang bantot. Narvi na lang Zeria parang awa mo na."
Natawa ako sa kabila ng sakit na nararamdaman. Tinulungan niya kong magligpit ng gamit at sabay kamubg lumabas ng room 1233.
"Di mo ba alam?"
"Alam ang alin?"
"Classmates tayo sa lahat ng subjects. Engineering din ako ma'am!" ngumis pa siya at sumaludo.
Natawa ako at umiling na lang. We are walking side by side together. Natigil ako sa pagtawa ng makita si Deimos.
"May klase ka pa ba?"
Nawala ang tingin ko kay Deimos at napabaling kay Narvi. Wala naman na akong klase ngayon, alam ko.
"Wala na bakit?"
"Libot tayo?"
"Saan naman tayo pupunta?"
"Mall. Libre ko? Ano 'g'?"
"Sige, tara!"
Kumabog ang dibdib ko ng madadaanan na namin si Deimos. Nakatingin siya sa amin. Hinihintay kong pigilan niya aking umalis.
Nang madaanan namin siya. Kita ko sa gilid ng nga mata ko na sinubukan niyang lumapit pero hinila siya ni Kassandra at hinalikan sa pisngi.
Napayuko ako at nangilid ang mga luha. Ramdam kong hinila ako palapit ni Narvi sa kanya at inakbayan niya ako.
"You don't deserve him."
Napatingin ako sa kanya. Kita ko ang pagtatagis ng mga bagang niya. Ramdam ko ang tindi ng pagngangalit ng mga ngipin niya.
"What do you mean?"
"You don't deserve to be treated like that, Zeri. Don't ever put youself in a situation that in the end, you'll be the one to lose."
"I can't. I love him."
"I know, yet are you willing to sacrifice your happiness for someone who didn't chose you in the first place?"
"Yes. Until I can't take the pain anymore."
"Being in that situation, you will be the one to lose. You will lose yourself too, if you continue to love him."
I didn't expect Narvi to be this matured. I didn't expect to hear such words from him. Words that hurts, but tells truth.
"For now, love him as much as you can. Tapos pag pagod ka na tama na. Ginawa mo naman best mo eh. Nasa kanya na yon kung sasayangin niya."
Naglakad kami papunta sa kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Papasok na sana ako ng makita si Deimos na hinihingal.
Lumingon lingon siya. At guminhawa ang mukha ng makita ako. Ngumiti siya sa akin at kumaway. Kumirot ang puso ko ng makita si Kassandra sa likod niya. Nagiwa ako ng tingin at sumakay sa kotse ni Narvi.
Tumulo na naman ang masaganang luha sa mga mata ko. Deretso ang tingin ko sa kalsada at hindi na ninais lumingon pa.
Binato ni Narvi ang isang box ng tissue sa kandungan ko. Agad kong kinuha yon at kumuha ng iilan. Suminga ako sa tissue.
"Pucha ang baboy mo naman, Zeri."
"Ang kapal ng mukha mo. Pakain ko sayo to eh."
Kumuha ulit ako ng tissue at pinunasan ang mukha. Kumuha ulit ako at suminga ulit. Ramdam kong napangiwi na naman siya.
"Huwag mong ubusin ang tissue ko. Ang kapal mo ha? May driver ka na may sponsor ka pa ng tissue. Kung ibang lalaki-"
Sinubo ko sa kanya ang tissue na pinangpunas ko ng luha ko. Natawa ako ng pumreno siya ng mabilis.
"Ang dami mong sinasabi."
"Pwe! Nakpucha ala kang utang na loob. Pepektusan kita tignan mo."
"Kaya mo?"
"Hindi ka sure."
"Hindi mo kaya."
"Huwag mo kong pangunahan."
Tatawa na sana ako ng biglang may tumawa sa akin. Kinuha ko ang bag ko at binuksan. Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag.
"Inang? Bakit po?"
"Zeri, apo. Umuwi ka ngayon din."
"Bakit po? May nangyari po ba?"
Ramdam ko ang tingin sa akin ni Narvi. Lumiko siya at nagpark kami sa harap ng isang establishment.
"Ang kapatid mo apo."
Nanginig ang mga kamay ko at sinabi ko kay Narvi na ideretso ako sa bahay. Agad siyang tumango at tinanong ang address. Hindi ako mapakali at nanginginig ang mga kamay.
-----------------------------------------------------------------
-crescent