Chapter 3

4 0 0
                                    

Zeria's POV

"Zeri!" napalingon ako at nakita ang gagang conyo na tumatakbo.

Gaga talaga. Isang klase na lang meron kami. Late na naman siya. Hindi ko talaga alam sa babaeng to kung may pangarap ba sa buhay.

"Candrialeda! Wow! Ang aga mo ngayon ah!" sigaw ko.

Sumimangot agad siya. Binilisan niya ang pagtakbo niya. Agad ko siyang kinutusan nang makarating siya sa tabi ko.

"Ouch! That hurts ah? Kala mo ba di painful yon? Ikaw you want kutos too ba ha?"

Napangiwi ako ng marinig na naman ang conyo na to. Ayoko talagang kausap si Leda eh. Sumasakit ulo ko. Natutuyuan ako ng dugo. Tinalikuran ko na lang siya at naglakad papunta sa next subject.

"Zeri! You are so bad talaga! Lagi mo akong iniiwan!"

"Candrialeda isa pang conyo mo bibigwasan kita sa panga!"

Ngumuso siya at tumabi sa akin. Niyakap niya ang kaliwang braso ko at ngumiti. Kung hindi lang kita mahal na babae ka kinutusan na kita dahil sa kaartehan mo.

"I'm sorry..."

"Tara na nga!"

Nakakapit pa din siya sa akin ng makita ko sa malayo si Deimos. Ramdam ko agad ang pag-iinit ng mag-kabilang pisngi ko. Tumibok ng mabilis ang puso ko.

Napahinto ako sa paglalakad. Nakita kong blangko ang ekspresyon ng mukha niya. What is up with him? Ang dilim ng mukha niya.

Sinundan ko siy ng tingin hanggang makalagpas siya sa amin ni Leda. Kunot ang noo ko na pinagmamasdan siyang bagsak ang balikat. What happened?

"Zeri!" napakurap ako at lumingon kay Leda.

"Bakit?"

"Let's go na! Malapit na magtime hello!"

Tulala ako buong klase. Iniisip ko kung anong posibleng iniisip niya. Bakit hindi ako mapakali? Kailangan kong malaman kung ano yon.

Nang marinig ang bell tumayo agad ako at dere-deretso na lumabas ng room. Alam ko kung saan pumupunta si Deimos pag bad trip siya eh. Sa rooftop ng lumang building.

Umakyat ako sa lumang building. Nangangalay na ako kakahakbang paakyat ng hagdan. Hingal na hingal ako ng makarating sa rooftop.

Nakita ko si Deimos na nakaupo sa pasimano ng rooftop. Humihithit ng sigarilyo.

"Hindi ba magdo-doctor ka?"

He didn't even flinched as if he knew that im there. Pagilid niya akong tinignan. Inalis niya ang sigarilyo sa bibig niya at pinatay iyon.

"Yes, so what?"

"Dapat alam mo na masama sa kalusugan yung sigarilyo!"

"Why do you care?"

"Ay grabe siya. Ang harsh mo naman, Manong."

"Tss. Stupid."

"Aba! Hoy ang kapal ng mukha mo! Anong stupid! Atleast ako alam ko na masama saa kalusugan yung sigarilyo."

"Will you shut up? You're so nosy."

Tumahimik ako. Pinagmasdan ko ng mabuti si Deimos. Mukha talagang matami siyang iniisip.

"May problema ka ba?"

"Kung meron sasaluhin mo ba lahat?"

"Nagta-tagalog ka pala?"

"Malamang, tanga."

Napanguso ako. Hindi ko man mabasa yung isip niya. Pero yung mga mata niya. Ang daming sinasabi ng mga mata niya. May storyang gustong isiwalat pero humahadlang ang bibig niya. May pumipigil na kung ano para magsalita.

Dreams In ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon