Zeria's POV
Is it worth the fight? Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at sinabi kong yon.
Sinabunutan ko ang sarili ko at nagpagulong gulong sa kama ko. Napabangon ako ng kumatok si Inang.
"Zeria! Huy! Bumangon ka na dyan! Magsaing ka na!"
Bumaba ako sa kama ko. Lumabas ako habang itinatali ang buhok ko. Nagsipilyo at naghilamos ako. Kinuha ko ang kaldero at nag-unab na ng bigas.
Kinuha ko na din ang manok sa ref at niluto. Adobo na lang tutal ayon nman ng pinaka mabilis lutuin. Habang hinihintay maluto naligo na din ako.
Kailangan ko kasing pumuntang ng library. May irerent akong libro. Pupunta na din ako sa part time job ko.
Pagkatapos maligo nagbihis na agad ako. Suot ang isang plain white shirt at itim na pantalon. Nagsuot na lang din ako ng puting rubber shoes.
Bumaba agad ako ng hagdan. Pinatay ang tank ng gasul. Kinagat ang isang piraso ng loaf bread. Lumabas na ako ng bahay at sumakay ng bus.
Pumasok ako sa library at nirentahan na ang librong kailangan. Sumakay ulit ako papunta sa mall. Pumunta sa branch ng isang sikat na fast food.
Itinali ko ang apron sa bewang ko at humarap sa counter. Chineck ang lahat. Bago hinarap ang costumer sa harap.
"Hi, Good morning-"
Natigagal ako ng makita si Deimos. Matiim na nakatitig sa akin. Kung hindi pa ako kinalabit ni Harry hindi pa mapuputol ang eye contact namin.
"Anong order niyo, sir?"
Hindi ako makangiti ng maayos. Nakatitig lang kasi siya sa akin. Pigil ko ang paghinga ko. Nakahinga lang ako ng maluwag ng tumingin na siya sa menu.
"I'll have that and that. Also this and that."
Pinunch ko na ang order niya at inabot ang resibo sa kanya. Binigay ko na din ang number para makita siya agad ng waiter.
"Thank you, sir. Kindly wait for your order."
"What time is the end of your shift?"
"5pm sir, bakit?"
"I'll wait for you."
Kinuha niya ang tray at humanap ng table na makikita niya ako. Tumigil sa pagtibok ang puso ko sandali. Ramdam ko ang pagakyat ng dugo sa mukha ko.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang makaupo siya. Tumingin si Deimos sa akin. Nagkatitigan kami sandali bago ako kinalabit ulit ni Harry.
Hinarap ko ulit ang counter at inasikaso ang costumer. Ramdam kong tinititigan lang ako ni Deimos. Conscious tuloy ako buong shift ko.
Pagod akong lumabas ng counter. Suot ang panibagong damit. Buti na lang pala naisip kong magdala ng damit. Suot ang isang puting tank top. Nagsuot ako ng kulay brown na jacket. Suot ang parehong pantalon at sapatos. Dala ang maliit na backpack.
Naglakad ako papunta kay Deimos. Nakita kong natutulog siya. Nakasandal siya sa upuan. Yung pagkain niya hindi niya man lang ginalaw.
Napabuntong hininga ako. Pinagmasdan ko siya. The chair look much smaller right now that he is sitting on it. I chuckled a bit.
Gumalaw siya kaya napahinto ako. Nalaglag ang konting buhok sa noo niya. Dahan dahan kong inangat ang kamay ko at hinawi ang buhok sa mukha niya.
Unti unti siyang nagdilat ng mata. Nang naging malinaw ang mga mata niya ngumiti ako. I don't know. I just felt happy that he is with me.
"Ang haba ng itinulog mo. Sorry, ang tagal mong naghintay. Dapat kasi hindi mo na lang ako hinintay."