PROLOGUE

25 10 2
                                    

Paalala ng Author niyong Betlog: Ang kwentong ito ay kathang isip lang at ito ay base sa aking orhinal na imahinasyon. Kung nabasa niyo na yung ganitong istorya wala akong pake kasi di ko pa naman nabasa yung ganitong kwento. At kung panget toh edi wag niyong basahin. Char! Nagmamahal ang Betlog niyong Author.

'Shems kaya ko ba toh? Apaka taas! 6th floor baka pag binurol ako neto luray luray na malaporselana kong katawan amp! sa isip ko.

"Eh kung pasagasa na lang ako HHAHAHAHAHAHAHHA-" naputol yung tawa ko kasi masyadong brutal naman. Pano kung truck pala nakasagasa sakin? Edi basag katawan ko. Wag naman🙏. Nagisip pa ako ng ibang paraan para mamatay.

Lakad dito. Lakad doon.

"Ah! Alam ko na hehe." sabi ko habang nakataas pa hintuturo ko. Parang may light bulb na lumitaw sa taas ng ulo ko. "Buti na lang lagi kitang dala-dala." sabi ko habang kinukuha yung pang ahit ng kili kili ko.

Ng makuha ko ito, inilapit ko sya sa pulso ko.....

"Ahhhhhh! Bwiset! Nakakainis! Gusto kong mawala na pero ayoko masaktan!" mahinang tili ko. Naiiyak na ako sa sobrang pagod, hindi ko na alam gagawin ko. "Ma! Pa! Nasaan na ba kasi kayo, bakit niyo ko iniwan sa pamilyang di naman ako tinuring na anak!" humahagulgol kong sabi.

Tumingala ako sa langit, naagaw ng pansin ko yung bitwuin na apaka kinang. Tinitigan ko yon kasabay ng aking hiling.... sana makita ko na mga magulang ko, kung di ko man sila makita sa ngayon sana mahalin naman nila ako sana ituring naman nila akong anak, sana makita ko na din yung lalaking magmamahal sakin. Syempre di yon pwedeng kalimutan. Kailangan kasama pa din sa buhay ko yung paglalandi hehe.

Tumalikod na ako at nagsimulang bumaba dahil 7:00 na ng gabi papagalitan na naman ako nila Mommy.

Nakarating ako sa sakayan ng jeep, inantay yung papuntang Bulacan. Habang hinihintay ko yon kasama ng ibang pasahero sa di inaasahan nakarinig ako. ng malakas na busina at paglingon ko isang malaking Truck yung paparating, natulala ako, gusto kong tumakbo pero di magalaw ng paa ko, maya-maya pa naramdaman ko na lang na gumulong ako kung saan.

Namamanhid katawan ko, marami akong naririnig na bulungan, iyak, at alingawngaw ng mga abulansya. Unti-unti kong dinilat mata ko at agad kong natapunan ng tingin yung bituin na kanina lang tintitigan ko at sinabayan ng hiling. Tinitigan ko ito hanggang sa lumiwanag ito at kasabay ng pagsara ng aking mata.......

To be continue......

Wishing Upon a Star [ON GOING]Where stories live. Discover now