CHAPTER#6

2 3 0
                                    

Third's pov




"M-mom w-where a-are you?" umiiyak na tanong ng lalaki sa kausap nito sa telepono.

"Wait malapit na kami." sagot naman ng ina sa kabilang linya.

Ng marinig nito ang sagot ng ina binaba na agad nito ang telepono at muling bumalik sa kinauupuan para antayin ang balita ng Doctor tungkol sa kapatid.

Muli siyang napaluha ng maalala ang katawan ng kapatid na halos maligo na sa sarili nitong dugo. "Lumaban ka please!" humihikbi niyang sambit.

"Son, where's your sister?" tanong ng tatay nito sa kanya habang papalapit sa kanya kasama ang ina.

Tinignan niya ang mga ito saka tinuro ang kinaroroonan ng kapatid at muling yumuko.

"Ano bang nangyari?" tanong ng ina sa kanya.

"D-di ko a-alam, n-nasa trabaho ako t-tapos may t-tumawag sakin t-then tinanong n-niya ako k-kung kilala ko daw b-ba......" paliwanag niya ngunit di niya na halos maituloy sapagkat nahihirapan na siyang huminga dahil kanina pa siya umiiyak.

"Relax okay?" pagpapakalma ng ina saka niyakap ito.

"H-how can i r-relax, if until n-now i don't know w-what's her c-conditon?" tanong niya sa kanyang ina.

"Just relax okay? Magiging maayos ang lahat. Makakaligtas siya." pagpapalakas loob nitong sabi.




Ashley's pov

Maaga pa lang gising na ako, eh kasi naman ngayon pwede na akong gumala dahil nakapahinga na ako ng 1 week. Naligo na ako at sinuot yung bagong bili nila Mom na sports bra at jogging pants.

^ω^

*Kring* *Kring*

Nakailang ring pa ang cellphone ko bago sagutin ni Sandra yung tawag ko.

"Hello? Sino toh?" tanong niya na halatang kagigising lang.

"Di ka pa nagreready?" tanong ko.

"Ash?" tanong niya. Tumango naman ako na parang magkaharap lang kami. "Ang aga pa ah, 4 pa lang beh." antok na sabi niya.

"Gaga ka dapat nga 3 nagsisimula na tayong mag jogging eh, dalian mo na, mag-asikaso ka na tatawagan ko na din sila Darzen para sabay sabay na tayo. Doon pa din sa dati ah." sabi ko.

"Oo na wait lang ligo lang ako." sabi niya saka ko pinatay. Tinawagan ko pa yung iba at halos lahat sila naiinis kasi ang aga ko mag aya.

Pagkatapos ko sila tawagan umalis na ako ng bahay, di na ako nagpaalam masyado pa kasing maaga.

Nakarating ako sa park at wala pang tao kaya naupo muna ako doon sa swing.

Lumipas yung ilang minutong pag aantay unti unti na silang dumating. Yung tatlong lalaki halatang mga inaantok pa pero wala akong pake hehe.

Nagsimula na kaming magjogging paikot dito sa village namin. Same lang kaming pito ng village pero hindi kami magkakapitbahay.

"Bukas sa gym naman tayo." sabi ni Dessery. Pumayag naman kaming lahat. Nagusap at nag-asaran pa kami bago napagpasyahan na tumahimik na lang kasi mas madali kaming mapapagod kung nagasalita at naghaharutan.

Alas' sais na kami natapos sa pag jojogging, pagkatapos non deretso kami ng bahay ko para kumain. Pagkatapos namin kumain nagpahinga muna sila bago napagpasiyahang umuwi.

Pero bago sila umuwi nag-aya akong gumala since sabado naman at pumayag agad sila.

Umakyat na ako ng kwarto para maglinis ng katawan, pagkatapos non nahiga ako para umidlip pero di pa ako nakakapikit ng may kumatok sa kwarto ko. Pero di ko yon pinansin at pumikit na lang. Narinig kong bumukas yung pinto at sumarado din.

Wishing Upon a Star [ON GOING]Where stories live. Discover now