CHAPTER #7

2 1 0
                                    

Ayaw niyo sa story ko? Edi don't. Char enjoy:)

Ashley's pov

Nandito na ako ngayon sa napagkasunduan namin na lugar at ako pa lang mag-isa. Sabi nila bawal daw malate pero sila late.

ヽ(`⌒´)ノ

Nasa iisang village lang kami pero di nagkakasabay. Bakit? Kasi ayaw namin nag-aantay sa bahay ng isa't isa at baka di rin kami payagan.

Alam ng mga parents nila na kapag nagsama sama kami malamang galaan lang ang magaganap. Pwera sa parents ko, hindi nila alam ang nangyayari sakin, pati nga paborito kong pagkain hindi nila alam.

10:30 na at 15 mins na silang late at nauurat na ako. Buntong hininga akong tumayo sa bench, naisip kong maglakad lakad since nasa park ako.

Pero bago yon inopen ko muna data ko baka kasi mamaya magchat sila. Nagsimula akong maglakad lakad, kinuha ko din yung bigay ni kuya na camera at nagsimula kumuha ng litrato.

Mabagal akong naglalakad para naman kapag may nakita ako, agad kong kukuhanan. Habang kumukuha ako ng litrato may nakita akong lalaki na pamilyar sakin, lumapit pa ako ng kaunti.

"B-bryan? Anong ginagawa niyan dito?" mahinang tanong ko sa sarili ko.

Di ko na sana papansinin at itutuloy na lang yung pagkuha ko ng litrato kaso nakita niya ako at parang inaaninag, ngumiti ako ng pilit tapos parang nagulat siya kasi nakilala na ata ako, ngumiti din siya saka kumaway, tumayo siya at naglakad sa kinatatayuan ko.

'Lalapit pa ata.' sabi ko sa isip ko.

Di nga ako nagkamali lumapit siya.

"Woah! Miss delmundo nakalabas ka na pala?" tanong niya na parang namamangha. 'Tsk parang hindi siya nagtatrabaho don para di malaman na nadischarge na ako.'

"A-ah oo." sabi ko sabay yuko. 'Uwaaaaaaaaa Mommy bat ba nakangiti siya?' tili ko sa isip ko. Eh kasi naman nung nakita ko talaga siya sa Hospital crush ko na agad siya. Bat ba? Eh sa ganito ako eh! Tapos nung di ko na siya nakita wala na akong crush sa kanya tapos ngayon magpapakita toh! Musta naman ako.

<(-︿-)>

TF?!

"Ayos ka lang?" tanong niya at sinilip pa ako.

"Huh? A-ah oo." sagot ko at lumayo ng kaunti. Tumingin na lang ako sa paligid ng parke para di ako masyadong kabahan. 'Shit! Bat ba ako kinakabahan?!'

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong niya. Tumingin din siya sa iba.

"May gala kasi kami ng mga kabigan ko kaso di pa dumadating." sagot ko sa tanong niya." eh ikaw?" tanong ko naman sa kanya.

"Ah wala lang, gusto ko lang maka langhap ng hangin." sagot niya, tinignan ko siya.

"Ikaw lang mag-isa?" nagtatakang tanong ko. Tumango lang siya.

*Ting* *Ting* *Ting*

Tunog ng messenger yan......

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa.

Dessery: Guys di ako makakarating〒_〒

Darzen: Me too( TДT)

Sandra: Ako din eh. Wag na lang nating ituloy^.^

Linsey's typing..........

Oliver: Oo nga wag na lang natin ituloy, napagod ako kanina eh:(

Wishing Upon a Star [ON GOING]Where stories live. Discover now