CHAPTER# 1

9 10 0
                                    

Ashley's pov

Nagising ako sa ingay ng kung sino, antok na dinilat ang mata ko.

"Hey, there my little sister, buti gising ka na hehe kakadating ko lang galing work." nakangiting sabi ni Kuya.

"Halata naman." walang ganang sabi ko.

Almost 3 months, 3 weeks na akong nandito sa Hospital, sabi ni Kuya 3 months daw akong coma. And yung 1 week yun yung panahong di ako gaano makapagsalita dahil daw sa pagkacoma ko.

"Bakit ang sungit ng baby ko?" nakangiting tanong niya. Naglalambing na naman tong panget na toh.

"Aga-aga ikaw agad yung bumungad sakin eh." sabi ko na hindi nakatingin sa kanya.

"Ganda ka?" tanong niya na halata naman na nang-aasar.

"Anong konek?" mataray na tanong ko.

"Wala, tinanong ko lang." sabi niya saka tumalikod para ayusin yung hihigaan niya. Di na ako umimik kasi alam kong pagod siya sa trabaho tapos babantayan niya pa ako. "Baby gisingin mo na lang ako pag may kailangan ka, ah." inaantok na dagdag niya.

Wala pang minuto nagsalita na naman si kuya.....

"Ay, nga pala, nag-almusal ka na?" tanong niya.

"Di pa." tipid na sagot ko at saka pumikit.

"Shit! Di ka pinakain nila Mommy at Daddy?" naiinis na tanong niya.

"Pinakain nila ako kaso, ako ang umayaw." walang gana kong sagot.

"Tsk! Tsk! Naano ka pa din kila Mommy?" tanong niya.

"Naaano?" tanong ko saka dumilat at tumingin sa kanya.

"Basta, common sense na lang, tanga neto." sabi niya at umupo sa gilid na hinihigaan ko. Tinignan ko siya ng masama pero di na ako sumagot pa sa pambabara niya. "Oh, balik tayo sa tanong ko." sabi niya.

"Naiinis kasi ako sa kanila, di ko alam kung nagpapakitang tao lang sila." nakakunot na sabi ko sa kanya. "Baka mamaya pag uwi natin galit na naman sila sakin." dagdag ko pa.

"Paano kung nagbago na talaga sila?" tanong niya.

"Eh di......wow." nakangiwi kong sabi.

"Kahit kailan talaga." buntong hininga na sabi niya. "Wait bibili muna ako ng pagkain mo." sabi niya at tumayo.

"Wag na, saka wala akong gana." sagot ko.

"Aish! Dapat may gana ka! Kasi nandito ako." nakakunot niyang sabi. Napangiwi ako sa sinabi niya, di ko alam kung seryoso ba siya o ano.

"Eh ano naman kung nandito ka?" medyo urat kong tanong. Napaka kulit talaga netong panget na toh.

"Basta sakin na lang yon. Wait bibili na talaga ako ng lalamunin mo, wag kang matutulog ah?" bilin niya saka lumabas. Di  ko na lang pinansin, muntanga eh. Humiga ako para matulog.

Makalipas yung 15 minutes dumating siya dala-dala yung pagkain ko.

"Kain na Baby ko." nakangiti niyang sabi saka hinanda na yung pagkain ko. 'Oo 'KO' sabi niya kasi sakin lang daw🙂.'

"Ayoko nga sabi eh, ang kulit ng panga mo." naiinis na sabi ko, umupo pa ako para ipakita sa kanya yung inis ko. Natigilan siya saka lumabas, bumalik na lang ako sa aking paghiga saka pumikit para matulog. 'Tsk! Nyeta nainis pa ata, pero kasalanan niya na yon kala niya hahabulin ko siya, never! K---' naputol yung nasa isip ko ng narinig ko boses niya.

"Yan." turo niya. "Nurse, ayaw kumain." parang batang nagsumbong siya sa nurse. Palibhasa kasi babae kaya nagpapansin, kala niya mapapasunod ako niyan ket magsumbong pa siya sa Doctor, 'lakompake'

"Ahm, Miss Delmundo right?" tanong ng Nurse. Pero di siya babae, boses lalaki? Dinilat ko yung mata ko at tinapunan siya ng tingin at putspa, ang gwapo! Shet! Agad akong napaupo

"Se-sene nemen e-este, si-sino naman m-may s-sabing a-ayaw kong kumain? Gustong-gusto k-ko ang pagkain." utal kong sabi. 'Peste! Bat ba ako nautal? Nakakainis!'

"Sabi ng kuya mo." alanganing ngiti niya habang nakaturo kay kuya.

"Dapat di ka nakikinig diyan, fake news yan eh!" sabi ko sa nurse, at saka ako tumingin kay kuya. "Diba ang sabi ko sayo kanina, ihanda mo na yung pagkain kasi gutom na ako." masungit ba sabi ko sa kanya.

"Hala! So ako may kasalanan?" tanong niya pero di ko na siya pinansin.

"A-ahm nurse o-okay na po ako, hehe." nahihiyang sabi ko.

"Okay." nakangiti niyang sabi. "Kumain ka na kasi mamaya babalik ako or sila para painumin ka ng gamot at icheck ka." dagdag niya pa, tumango na lang ako saka nagpasalamat at doon na siya lumabas.

"Hoy! Ash napaka harot mo!" inis niyang sabi.

"Dalian mo na lang diyan para makakain na ako." sabi ko sa kanya saka muling humiga.

"Akala ko ba ayaw mong kumain?" nagtataka niyang tanong.

"Handa mo na lang." yan na lang yung sinabi ko para di na humaba yung paguusap namin, papaikutin niya lang naman yung tanong.

"Wokey!" sabi niya saka hinanda yung kakainan ko, namin pala kasi kasali na daw siya.


To be continue..........

Wishing Upon a Star [ON GOING]Where stories live. Discover now