Ashley's pov
Lumipas ang tatlong araw at nadischarge na ako. Sinundo ako ni Mom at Dad. Di nakasama si Kuya kasi di pa tapos trabaho niya.
Simula hospital hanggang makarating kami ng bahay di ako kumikibo. Di rin naman sila nagtatanong sa akin, siguro dahil ramdam nila na ayaw ko muna silang kausapin.
Inalalayan ako ni Mom paakyat ng kwarto si Dad naman dinala yung gamit ko.
Ayaw ko sana magpaalalay kaso mapilit siya, baka daw matumba ako. Ng maayos na nila gamit ko nagpaalam na sila sakin kasi maghahanda pa sila ng kakainin namin. Tumango na lang ako sa kanila.
Kinuha ko yung bagong biling Cp ko at tinawagan si Dessery.
"Hello, who's this? Where did you get my number? Are you a stal--"
"Ang OA mo." inis na sabi ko.
"Who's this ba kasi?" tanong niya.
"Ash." sagot ko.
"Is that you, Ash?" tanong ulit niya.
'Nyeta naman! Ulit ulit.' inis na bulong ko.
"Hindi mama niya toh." sagot ko.
"Ay akala ko si, Ash." buntong hiningang sabi niya. "Hi tita. How's Ash?" tanong niya 'deputa'
"Kabadtrip ka." inis na talagang sabi ko. 'Di ko alam kung nagtatanga-tangahan ba siya oh ano!'
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! CHILL" tawa niya. "My gosh! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" tawa ulit niya. Umay.
Di muna ako nagsalita dahil di pa siya tapos tumawa.
"HAHHAHAHAHAHAHAHAH-- ano di ka magsasalita?" biglang seryosong tanong niya. "Tatawag-tawag di naman magsasalita. Anong kelangan mo?" inis na tanong ulit niya.
"Babalita ko sana na nakauwi na ako." sabi ko sabay higa sa kama ko.
"Goo-- Wait what?! Nakauwi ka na?!" oa na tanong niya.
"Oo." sabi ko habang tumatango na akala mo nakikita niya ako
"Wait babalita ko lang sa kanila HAHAHAHAHAHA." sabi niya saka binaba yung tawag.
Umupo ako saka pinalibot yung mata ko sa buong kwarto. Kapansin pansin yung pagbabago nito. Dati wala itong kakulay kulay, mukha itong abandonandong kwarto napaka creepy tignan daig pa may multo.
Pero ngayon napaka aliwalas nito, kulay pink na may halong puti. Ayaw ko ng ganong kulay, ang gusto ko yung light violet or violet, pero okay na yon atleast di na ako matatakot tuwing gabi. 'Tsk! Napaghahalatang di ako kilala, pati gusto kong kulay hindi alam.' sabi ko sa isip ko.
Tumayo ako para tignan yung iba kong gamit. Walang nabawas pero napaka daming nadagdag. Katulad ng pabango, make-up kit na sa tingin ko hindi ko magagamit kasi hindi naman ako marunong at mahilig doon, skin care, mga damit, dress, at sapatos.
"Aanhin ko ba toh? Okay pa sakin yung skin care eh pero tong mga toh?" turo ko sa make-up, accesories tapos sa napakaraming damit at dress. "Benta ko kaya?" nakangiting tanong ko. "Tama benta ko kay dessery tapos kay Linsey hehe." sabi ko.
Inumpisahan kong tignan yung mga bagay na alam kong di magagamit. Binukod ko sila ng lugar para naman di na ako mahirapan kapag pinapili ko sila.
Habang pumipili ako ng gamit na ibebenta ko, bigla naman pumasok si Mom at Dad.