CHAPTER# 2

3 5 0
                                    

Ashley's pov

Matapos namin kumain ni kuya natulog na siya tapos ako nanahimik lang kasi nga uulitin ko pagod siya sa trabaho niya.

Kinuha ko yung remote ng TV, syempre para manood alangan naman mag sound trip😪 sakto naman pagbukas ko ng TV pumasok yung poging nurse hindi lang siya pati si nurse Zendaya. Si nurse Zen maganda siya tapos matangkad dagdag mo na din yung pagiging mabait niya, kung tutuusin bagay siyang mag flight attendant.

"Ashley, iinom ka na ng gamot ah?"sabi ni nurse Zen, ito ang ayaw ko sa kanya ginagawa niya akong bata amp, hello 19 na ako tsk!

"Okay." yun na lang sinabi ko. Saka ako pinainom ng kung ano-ano at may mga chineck sila sakin na di ko alam at wala akong balak alamin.

"Babalik kami mamaya ah?" sabi niya tinanguan ko lang siya saka tumingin sa poging nurse kanina, pero nakatingin lang siya sa hawak niya tapos may sinusulat. Kanina pa kasi siya di nagsasalita, dapat binabati niya ako. 'close kayo selp?' napairap na lang ako sa isip ko.

"Hey, lutang ka na naman." nakangiti niyang sabi. Tinignan ko siya saka tumango, nginitian niya lang ako saka niya niyaya umalis yung poging nurse. Ewan ko pero parang may something yung tingin ni nurse Zen don sa poging nurse hmp! Umirap na lang ako saka tinuloy yung panonood ng TV.

Lumipas ang 1253839292636378 na minuto, nagising na din si Kuya🙂 usto ko talaga siyang gisingin kasi nga naboboring ako pero dahil mabait ako di ko ginawa.

"Kain na tayo?" tanong niya habang bumabangon. Mukha na naman siyang tanga. Ganyan siya pag bagong gising muntanga.

"Sige." sagot ko. Hinanda na niya lahat saka kami kumain, tahimik lang kaming kumain pero dahil sadyang madaldal ako tinanong ko na siya.

"Kuya, kelan daw ako makakalabas? Kaumay dito eh." bagot na tanong ko. Ngumiti lang siya 'Loh! Kala mo gwapo amp.' "Oy, wag mo ko ngitian di ka gwapo." nakangiwi kong sabi, sumimangot naman siya.

"Tsk! Ngumiti lang..." inis niyang sabi saka ako inirapan. Tapos may binubulong siya na kung ano ano HAHAHAHAHAHAHA ang kyut amp.

Maya maya natapos na kami kumain pero di pa din siya umiimik 'Tampo ang bebe na yarn?' usto ko sana itanong kaso wag na magpapabebe yan eh.

Lumipas yung ilang oras di na talaga siya nagsalita medyo naguilty ako pero dahil mataas ang ariel ko, este pride di ko siya susuyuin.

Mga 4:00 lang siya nagsalita kung kelan aalis na siya.

"Ano gusto mong pasalubong?" tanong niya pero di nakatingin sakin.

"Wala." nakangiting sabi ko sa kanya. Tinginan niya ako, pero inirapan niya ako ng lalo akong ngumiti.

"Ayaw mo talaga?" tanong niya.

"H-hmmm ayaw ko ng p-pasalubong." utal kong sabi. "G-gusto k-ko ikaw m-magbantay s-sakin." pahina ng pahina kong sabi. Di ko alam kung narinig niya o ano, alam kong magyayabang na naman siya pero wala akong paki basta wag lang sila mommy magbantay sakin.

"Sige ganto na lang bukas ako na magbabantay sayo hanggang friday." sabi niya. Sunod sunod akong tumango. "Kaya humingi ka na ng pasalubong mo." nakangiting sabi niya.

"Kahit ano na lang hehe." nakangiti pa ding sabi ko. Ngumiti lang siya at saka ginulo ang buhok ko.

"Sige ako na bahala." nakangiti pa din siya. Pero agad ding natapos ang sayang nararamdaman ko ng dumating na sila Mommy.

"Good Afternoon my two babies." nakangiti niyang bungad. Pumasok siya at nilapag sa lamesa yung mga bitbit niya. "How's your sleep son?" tanong ni Mommy kay kuya.

"Okay lang Mom, ah nga pala bukas hanggang friday ako muna magbabantay kay Ash." sabi ni kuya.

"Baka mapagod ka?" nag-aalalang tanong ni Mommy.

"Malakas toh Mom." nakangiti niyang sabi at saka na nagpaalam. Buntong hininga na humarap sakin si Mommy.

"Gusto mo kumain?" nakangiti niyang tanong. Umiling lang ako. "Sabihan mo ako pag nagugutom ka na ah?" tanong niya pero di na ako umimik. Maya maya pa dumating na din si Daddy.

"Hi Hon, hi Baby." bati niya saka humalik kay Mom saka sakin pero umiwas ako. Napapahiyang umupo siya sa bangko at tinabihan si Mom.

"A-ashley, g-galit ka p-pa rin b-ba samin ng D-daddy m-mo?" utal niyang tanong.

"To be honest I'm not angry, maybe I'm just surprised by what you are doing." walang gana kong sabi sa kanila. "And another one, maybe....you are just pretending because we are in the hospital." dagdag ko pa. Tinapunan ko sila ng tingin at kitang kita ko na nagulat sila sa sinabi ko. Napayuko si Daddy at si Mommy naman pasimpleng pinunasan yung luhang lumabas mula sa kaniyang mata. 'Sapul!'

"S-so..... s-sorry." mahina at hirap na hirap na sabi ni Daddy. 'Hirap na hirap? Tsk!' "S-sana m-mapatawad mo k-kami ng Mommy mo." mahina pa ding sabi niya.

"Matagal ko naman na kayong napatawad, kahit nung sinasaktan niyo pa ako." sabi ko at nakita ko kung paano nagliwanag yung mga mukha nila. "Pero hindi ibig sabihin non na magiging maayos yung pakikitungo ko sa inyo." dagdag ko na nagpabagsak ng balikat nila.

"A-ayos lang basta a-ang mahalaga n-napatawad mo n-na kami." umiiyak na sabi ni Mommy. Iniwas ko yung tingin sa kanila kasi ayoko ng may umiiyak sa harapan ko.

"A-anak p-pwede ka b-ba namin na y-yakapin?" tanong ni Dad.

"Antok na ako, bukas na lang. Goonight." sabi ko saka humiga at pumikit. Narinig ko yung paghikbi ni Mom at pag buntong hininga ni Dad. Pero di ko na lang sila pinansin.

"Napakatanga mo talaga! Tangina mo, napaka mahal ng putanginang vase na yan tapos babasagin mo lang!" malakas na sigaw ni Mommy kasabay ng pagsampal niya sakin.

"H-hindi ko po--" naputol ang sasabihin ko ng muli niya akong sampalin na ikinatumba ko.

"Sinadya mo yon! Kahit kailan salot ka dito sa pamamahay ko!" sigaw niya sakin. Sakto naman na dumating si Daddy.

"Honey, what's going on?" tanong ni Dad kay Mom na di ako tinatapunan ng tingin.

"Yang hayop na bata na yan, binasag lang naman yung mamahaling vase natin!" sabi ni Mom na halatang nanggigigil.

"What!?" tanong ni Dad na doon lang din napatingin sakin.

Lumapit siya sakin ng kalmado, at doon ako napantag na di niya ako sasaktan this time, but i was wrong mas malakas na sampal ang aking naramdaman kasunod non ang pagsabunot niya sakin na parang halos matatanggal na ang aking anit.

"Alam mo ba kung magkano yon?" tanong niya at agad akong tumango. "Yon naman pala, bakit mo binasag?!" nanggigigil niyang tanong.

"H-hindi k-ko po talaga s-sinasadya--"

"Lagi na lang, Ashley!" putol niya sa sasabihin ko. Kitang kita ko sa mata noya na gusto niya pa akong saktan pero pinipigilan niya lang kasi alam niyang lalayas si Kuya kapag nalaman niyang sinasaktan nila ako.

Pabagsak niya akong binitawan saka tumayo, doon siya huminga ng malalim para pakalmahin sarili niya.

"Ayusin mo ang sarili mo! Gamutin mo lahat ng sugat mo, kailangan bago dumating ang linggo wala na yan! At wag na wag mong sasabihin sa kuya mo itong nangyari, naiintindihan mo?!" nagbabanta niyang tanong na agad akong tumango.

"Subukan mong magsumbong, Ash, di mo na kailanman makikita pa ang kuya mo." bulong sakin ni Mom na di ko namalayan ang paglapit niya sa akin. Umalis sila at iniwan akong nakaupo dito sa sahig. Doon ako natakot... di ako natatakot sa ginagawa nila sakin, at sa kung anong kaya nilang gawin. Ang kinatakatakot ko ang mawala ang nag-iisang tao na kakampi ko, ang Kuya ko.....



To be continue....

Wishing Upon a Star [ON GOING]Where stories live. Discover now