CHAPTER# 3

6 4 0
                                    

Ashley's pov

Paupo akong nagising dahil sa panaginip na yon, tagaktak ang aking pawis. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko.

Huminga ako ng malalim saka pinunsan yung pawis ko, doon ko lang di naramdaman na may luha na din palang lumalabas sa mata ko, pinunasan ko yon saka humiga para matulog, pero lumipas yung ilang minuto gising pa rin ako.

Buntong hininga akong umupo saka ginala ang aking paningin, nakita ko si Mommy na nakahiga sa sofa, si Dad naman nasa gilid ko natutulog, pero di ko na sila pinansin pa at muling nahiga.

Pero kahit anong gawin ko di pa din ako makatulog. 'Nyeta kasing panaginip yon eh!' sigaw ko sa isip ko.

Dahil nga hindi ako makatulog naisipan kong lumabas at umakyat sa rooftop. Bumangon ako at saka hinila yung wheel chair. Dahan dahan akong umupo saka dinala yung dextrose.

"Anubayan, pahihirapan lang ako neto eh." bulong ko. "Eh kung tanggalin ko na lang kaya? Wag na pala baka mamaya may lumabas na dugo tapos kailangan ko pa silang gisingin edi napurnada yung paglabas ko. " bulong ko ulit.

Pinagulong ko yung wheel chair gamit ang isang kamay ko samantalang yung isa naman hawak hawak yung punyetang dextrose. Ng mabuksan ko yung pinto nilingon ko sila sa loob at nahagip ng mata ko yung lagayan ng dextrose sa wheel chair.

Inis ako napapikit 'Tangina'

"Napakatanga mo selp! Papahirapan mo pa sarili mo." nabwibwiset na bulong ko. Muli akong pumasok sa loob at nilagay doon ang stand, saka sinabit sa may wheel chair yung dextrose.

Ng maayos ko na parang lantang gulay na pinagulong ko ito palabas.

"Tangina! Di pa ako nakakarating sa taas pagod na ako, bwiset na dextrose yon!" gigil na bulong ko, saka sinarado ang pinto sa pinaka maingat na paraan. Ng mapagtagumpayan ko ang pagsubok na yon char, muli ko na itong pinagulong papunta sa elevator.

Balak ko sana mag hagdan kaya lang tinatamad ako so next time na lang yon at saka bitch papilay pilay pa nga ako maglakad. Nasa tapat na ako ng elevator at pipindutin ko na ng maisip ko yung napapanood ko na pag sumasakay sa elevator.

Na kapag nasa loob ka na, minsan matatrap ka na lang o kaya biglang bubukas kahit walang papasok. At dahil sa naisip ko nagdadalawang isip ako kung tutuloy pa ba ako, lalo na't nasa hospital ako.

Pero dahil gusto ko talagang makalanghap ng hangin, pinindot ko pa din at inantay na bumukas ang elevator. Ng makapasok na ako pinindot ko sa rooftop, since nandito ako sa 5th floor at sa 11th floor ang rooftop, malayo layo pa siya.

Nakahinga ako ng maluwag ng payapa akong nakarating sa rooftop. Muli ko itong pinagulong, madilim sa rooftop ang nagsisilbi lamang nitong liwanag ay ang buwan.

Ng makarating ako sa dulong bahagi neto tinignan ko yung matataas na building....

"Wow! Ang ganda!" manghang sabi ko. Matagal naman na akong nakakakita ng building pero iba kasi kapag gabi, maliwanag sila at parang christmas lights.

Hindi pa man ako nagsasawa sa nakikita ko sa baba, tumingin na ako sa taas at namamangha sa napakaraming bituin at sa napakaliwanag na buwan.

Para silang may magnet, ayaw matanggal ng tingin ko sa kanila. Masyadong masarap sa pakiramdam, nawala na din sa isip ko yung napanaginipan ko kanina.

Nakatingin pa din ako sa kanila na may ngiti sa labi, 'Grabe ang sarap sa pakiramdam, sana ganito na lang palagi.' hiling ko sa aking isip. Bumuntong hininga ako saka muling binalik sa building ang tingin.

Wishing Upon a Star [ON GOING]Where stories live. Discover now