Ashley's pov
Hindi ako nakatulog kaninang madaling araw kaya eto ako ngayon, mukhang bangag.
"Anak, kain na." sabi ni Dad. Di ko siya pinansin."Hindi ka raw mababantayan ng kuya mo ngayon kasi di daw siya pwede." sabi niya na nakapagpalingon sakin.
"Bakit daw?" doon lang ako lumingon pero di ko pinahalata.
"May OT siya eh. Nagkasakit daw kasi yung katrabaho niya kaya siya ang pinalit muna." paliwanag niya habang hinahanda na yung pagkain.
"Kailan niya sinabi?" tanong ko.
"Kanina." sagot niya.
"Bakit di niyo pinakausap sakin?" inis na tanong ko.
"T-tulog ka kasi k-kanina." utal niyang sagot.
"Tsk! Alam niyo na naman na pagdating kay kuya, kahit natutulog pa ako at gisingin niyo ako ng hatinggabi di ako magagalit diba?" nakakunot noo kong tanong sa kanya.
"P-pasensiya na anak." nakayukong sabi niya habang pinupunasan yung luhang lumalabas sa mata niya. Buntong-hininga akong umiwas ng tingin sa kaniya.
Oo alam ko na masyado na akong nagiging harsh sa kanila ni Mom, pero masisi niyo ba ako? Hindi sa gumaganti ako doon sa ginawa nila sakin, ayoko lang talaga na dumating sa point na aasa ako sa wala, aasa ako na may malasakit talaga sila sakin.
"K-kain ka muna a-anak." sabi niya na nilapit yung pagkain. Tinanggap ko yon saka kumain, lumipas yung ilang minuto naubos ko na yon at nilinis naman ni Dad yung mga pinagkainan ko.
Tahimik lang kaming dalawa nang may kumatok.
*Knock* *Knock*
Tumayo si Dad at binuksan ang pinto.
"Ash, mga kaibigan mo." sabi niya agad naman akong napatingin sa pinto. "Pasok kayo." sabi ni Dad sa kanila, agad silang pumasok at parang tanga na nagumpukan sa gilid.
"Hi, Ash." bati sakin ni Linsey. Nginitian ko lang siya, ganyan kami kapag kaharap parents ko daig pa naming magkakaibigan ang di makabasag pinggan.
"Ash, anak lalabas muna ako." paalam niya.
"Wait, Dad." pigil ko kaya napatingin siya sakin. "Nasaan si Mom?" tanong ko. Nakarinig naman ako ng pagpigil ng tawa 'Tsk! Ano naman nakakatawa sa tanong ko?' tinignan ko mga kaibigan kong nakangiti saka ko sila inirapan.
"May pinuntahan lang." nakangiti niyang sagot saka muling nagpaalam. Ng makaalis na si Dad yung kaninang di makagalaw na kaibigan ko ngayon nag kanya kanyang upo na.
"Kamusta ka na sis?" tanong ni Dessery sakin na umupo sa gilid ng kama.
"Okay lang." sagot ko naman.
"Sorry ngayon lang kami nakapunta, kuya mo kasi may kasalanan eh! Ayaw kami papuntahin dito, baka daw kasi mawala yung attention mo sa kanya." mahabang paliwanag ni Radley.
"Ayos lang." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Pasalubong namin hangal." sabi ni Darzen sabay abot sakin ng prutas na nasa basket.
"Lagay mo lang diyan." sagot ko sa kanya. Nilingon ko si Linsey na nanahimik sa tabi ni Radley sa sofa. "Lin, ayos ka lang?" tanong ko na nilingon niya.
"Oo hehe." ngiti niyang sabi na tinanguan ko na lang.
"Saan kuya mo?" tanong ni Dessery.