A Queen's Heart (Chapter VII)

476 16 2
                                    

A Queen's Heart

 (Sandy's Heart)

Sandy's PoV

Pagdating namin sa park, namasyal agad kami ni bessy at habang naglalakad kumakain na rin kami. Pero itong kasama ko parang lamon na naman ata ang ginagawa, halos kasi lahat ng tindahang madaanan namin, binibilhan niya.

"Bessy upo naman muna tayo, tumigil ka nga muna sa kakalamon mo -_-" - angal ko na

"Pero bessy ..." - si jastine

"Isa ! May hawak ka pa ngang pringles eh." - ako

Wala na syang nagawa dahil umupo na ako sa katapat naming upuan.

"Ay bessy di ba nga pala may sasabihin ka sakin? Ano nga pala yun?" - sabi ni jastine sa akin habang panay pa rin ang kain

" Ah oo nga pala." - ako

Maganda ba na sabihin ko kay bessy yung problema ko, yung nararamdaman ko kay ms. Queen? Tsk natatakot ako sa reaksyon niya.

'Oy konsensya tulungan mo naman ako oh'

'Inaantok ako. -_-'

'Napaka! Kung kelan kita kailangan saka ka ganyan.'

'Kay. -_-'

Sabihin ko na nga lang. Kaysa naman dinidibdib ko to.

Sana nga lang talaga hindi kaloka yung reaksyon niya.

"Oy bessy ano na?" - si jastine

"Ah ano kasi bessy, paano ba to? Ano kasi, inlove ako kay Ms. Queen bessy. Pero dont worry nagta-try naman na akong i-let go yung feelings ko eh. Sadyang mahirap lang talaga >////<"

ayan nasabi ko na wala ng bawian

Blangko lang yung reaksyon ni bessy, srly, may mali ba sa sinabi ko?

Tingin ko nga meron -_-

"Yun na yun bessy?" - si jastine

"Oo bessy >///<"

"Alam ko na yan, Bakla ka. Ngayon mo lang inamin sa akin." - ano raw?

"What do you mean bessy?" - ako

"Alam ko na may feelings ka kay Ms. Queen, na pinagnanasaan mo siya ay este hinahangaan mo siya." - si jastine

"Che ! Hindi ko siya pinagnanasaan >_

"Hindi nga ! ^_^ Alam mo bessy nung una hindi ko pinapansin yang mga binabato mong nakaw tingin kay ms. Queen, kahit na napapansin ko ring nauutal ka kapag kausap siya. Pero naalala mo yung time na dumating si sir Tristan yung manliligaw niya? Halata sa mukha mo bessy na selos much ka. Pero inignore ko pa rin yun girl. Kasi alam kong hindi ka bakla katulad ko. At gusto ko rin kasi na ikaw yung mismong umamin sakin, kung sakali man." - paliwanag ni jastine

"Pero bessy kasi, gusto ko munang i confirm yung feelings  ko at --" - depensa ko pero hindi na niya ako pinatapos

"Wait bessy patapusin mo ko." - turan niya

"Alam mo ba kung saan ko na confirm na bakla ka talaga?

Nung celebration, nung pinaakyat ka ni ms. Queen sa stage para kumanta." - dagdag pa niya

"Paano mo nalaman? In what way bessy?" - ako

"Gaga ka ! Bessy mo ko kaya alam ko kung kailan magiging makahulugan yang mga titig mo. At alam ko kung kanino lumalanding yung mga tingin mo habang kumakanta ka, kay ms. Queen di ba?" - si jastine

"Oo >///<"

"Bessy naman, sakin ka pa nahiya, parehas lang naman tayong bakla Hahahahaha ! at kilalang-kilala na kita bessy.

So anong plano ? Gusto mo na talagang ilet go yang feelings mo katulad ng sinabi mo kanina?" - si jastine

"Ganun na nga bessy , kasi wala namang patutunguhan tong feelings ko eh. Ang komplikado bessy. Pareho kaming babae. Bukod dun, kahit katiting na porsyento eh wala siyang nalalaman tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya, so para saan pa kung ipaglalaban ko tong puso ko. Para akong tangang lumalaban mag-isa." - ako

"Drama ah! Ang hirap sayo bessy, ang nega mo !"- sabi sa akin ni jastine

"Pero tama naman ako di ba bessy?" - angal ko

"Oo na , sabihin na nating tama ka ayon sa paniniwala mo pero kung gusto mo talagang torturin yang sarili mo, wala na akong magagawa."

"Eh ano ba kasi gusto mong gawin ko bessy?" - tanong ko

"Bakit hindi mo itry na sabihin sa kanya?" - si jastine

"Para ano bessy? para i reject niya ako?" - ako

"Wow ah ! Ganyan ka ba talaga ka nega mag-isip bessy?" - aniya

"Eh totoo naman eh, parehas kaming babae bessy." - mahina kong tugon

"Bakit hindi mo i-try isipin yung kalagayan ko bessy, tingin mo magtatagal ba ako maging bakla kung hindi ako umaasa na balang araw may magmamahal din sa akin na kaparehas kong lalaki. At wala namang masama sa kalagayan mo ngayon bessy, lahat ng tao may chance maranasan ang nararanasan mo ngayon. Kaya Fighting spirit lang girl !" - paliwanag ni jastine

Ano ba?! Naguguluhan na talaga ako. >_<

"Pero bessy, Boss natin sya, Mayaman at Kilala. Sino ba naman ako para hangarin siya?" - tanong ko ulit

"Ang Nega mo talaga, Naku !!" - sabi sa akin ni jastine habang akmang babatukan ako

Tss , nagagawa pa akong ambaban, problemado na nga yung tao. -_-

"Yaan mo na to bessy, mawawala din tong feelings ko sa kanya ng hindi niya nalalaman." -ako

"Pano kung makita mo si ms. Queen na nakikipag landian kay sir tristan, at pano kung sila na?" - tanong pa ni jastine

"Eh di mas maganda, may dahilan na talaga ako para balewalain yung nararamdaman ko sa kanya." - paliwanag ko naman

"Mas mabuti pa ba yun para sayo? Ano masukista lang? Haist, my poor bessy." - si jastine sabay yakap niya sakin

"Ang hirap pala ng ganito bessy, first time ko na ngang mainlove tapos sa kapwa eba ko pa, ano kaya kung mag quit na ako sa bar para mas madali akong makalimot?" - ako

"What?! Yan ang wag na wag mong gagawin bessy, sayang yung opportunity, at ano pa ang ipapadala mong pera kila tita sa probinsya pag nag quit ka?" - si jastine

"Eh di maghahanap ng bagong trabaho." - sagot ko

"Magtigil ka ! Hindi ka magqui-quit, wag mong subukan." - yan na naman siya inaambahan na naman ako ng kutos

"Eh di sige hindi, katakot kang bakla ka." - ako

"Bakla ka rin !"- si jastine , tapos nun ay nagtawanan na lang kami

Nagpapasalamat ako dahil mayroon akong bestfriend na katulad ni jastine, na kaya akong intindihin ano man ang mangyari sa akin.

Totoong masakit isipin na may Tristan na si ms. Queen, pero wala akong magagawa, anong laban ko dun, lalaki siya at may kaya, magkaparehas sila ng estado sa buhay ni ms. Queen. Samantalang ako babae na, may umaasa pa sa akin sa probinsya.

Alam ko namang masasaktan ako, magtapat man ako o hindi pero mas takot ako sa rejection, at sa sasabihin ng ibang tao. Kaya mas mabuting hindi ko na lang sya isipin para hindi na ako malunod sa feelings ko para sa kanya.


--

♠NickoyPark♠

A Queen's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon