Hindi Ikaw Ang Nawalan

15 4 0
                                    

Hindi mo kailangang masaktan dahil lang sa nagkulang ka kaya siya umalis at ika’y iniwan; isipin mong hindi ikaw ang nawalan.

Huwag mong sisihin ang sarili mo at akuin ang lahat na ikaw ang may kasalanan; una sa lahat, bakit ka iniwan kung talagang totoo siya sa inyong pagmamahalan? Inintindi’t pinunan niya sana kung anuman ang ‘yong pagkukulang.

Huwag mong hayaang mabuhay ka sa kawalan, masira nang dahil lang sa isang taong hindi ka kayang pangalagaan at ipaglaban— matuto kang tumanggap sa katotohanan, hindi lahat mananatili at may paninindigan.



//FB: Sheng Margarette

WORDS OF PAIN (OF THOUGHTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon