UMAASA, NagpapakaTANGA!

2 1 0
                                    

Kung pwede lang diktahan ang puso at piliting kalimutan ang isang tulad mong madaling sumuko, simulan muli ang buhay na para bang hindi ka kailanman dumating sa piling ko, hindi sasayangin ang bawat segundo't minuto.

Agad hahayaan ang pusong makalaya sa mga alaala mo, sa pagmamahal na pinagkatiwalaan subalit nagwakas dahil sa pagsuko mo.

Kakalimutan kita at ang mga sandaling masaya pa tayo, ang mga pangarap na pareho nating binuo.

“Kalimutan mo na siya, iniwan ka na diba? Matagal ng wala ang kayong dalawa!”

Kung ganun lang sana kadali ang paglimot sa isang kagaya mong minahal ng husto, wala sana ako ditong umaasa't patuloy nakatanaw sa’yo.

Wala pa sana ako ditong inaabangan ang pagbabalik mo, na darating ka upang muli nating simulan ang naudlot nating tagpo— muling maniniwala sa mga pangako.

“Huwag kang tanga, mag-move on kana at kalimutan siya. Matuto kang tumanggap sa kung ano ang nakatadhana— hindi siguro kayo ang para sa isa’t- isa.”

Kung kaya ko lang sanang iwaksi ka sa alaala, lalakad palayo papunta sa lugar kung saan wala ka, hindi sasayangin ang oras at agad ihahakbang itong paa.

Mahal, alam kong masaya kana, malaya sa dating tayo dahil sa kanya.

Pasensya na kung umaasa parin na baka pwede pa, na babalik ka at iiwan siya kahit na alam kong mahal na mahal mo siya.

Hiling ko lang na—

Hayaan mo pa sana akong mahalin ka, na umasa hanggang sa araw na maisip kong pakawalan ka na— matanggap ang katotohanang hindi tayo ang siyang nakatadhana.


//Fb: Sheng Margarette
         @CryingCurtains

WORDS OF PAIN (OF THOUGHTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon