Nandito Ka Parin

12 3 0
                                    

Masaya tayong dalawa, laging pinupunan ang pagkukulang ng isa't-isa.

Ikaw at ako laban sa kanila, tayo lagi ang magkasama; ang isa’t isa ang sandalan tuwing may problema.

Naaalala ko pa ‘yong araw na una kitang nakita’t nakilala, umiiyak ka noon dahil iniwan ka niya— taong akala mo’y siya na.

Malinaw pa sa akin ‘yong mga katagang binitawan mo noong sinagot kita— “Alam kong darating ang oras na masasaktan kita pero sana huwag mo akong susukuan dahil pangakong mamahalin kita ng higit pa.”

Hindi ko rin makakalimutan ‘yong araw na inaway kita dahil nakita kitang may kasamang iba— “Gago ako pero ang lokohin ka at ipagsabay sa iba ang hinding-hindi ko magagawa. Mahal kita, pakatandaan mong ikaw lang at wala ng iba.”

Ikaw at ako, nangarap tayong magsasama hanggang dulo— subalit wala pa tayo, iniwan mo na ako.

Nangako tayo, nagplanong walang maiiwan dahil sasamahan mo ako. Walang lalayo, walang maglalaho.

Naaalala ko pa ‘yong araw na ihahatid kana, puso nami’y puno ng lungkot dahil sa katotohanang ‘di kana muli pang makikita.

Naaalala ko pa ‘yong araw na kailangan na naming pakawalan ka, tanggapin ang katotohanang wala kana— kung sana ay pwedeng samahan kita, sabay tayong aalis at mawawala.

Mahal, matagal na mula nang ikaw ay mawala, pero hanggang sa ngayon hindi ko parin maiwasang mangulila— kung pwede lang maulit at ibalik ang sandali, panahong nandito kapa sa aking tabi.


WORDS OF PAIN (OF THOUGHTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon