“Mahal kita pero hindi ko na kaya.” aniya. I can see the sadness she has in her eyes. Na tila kahit ano pang sabihin ko, hindi na noon mapapawi ang nararamdaman ng kanyang puso— hindi na noon mababago ang desisyon niyang iiwan ako.
“Pasensya na pero habang sinusubukan kong kumapit at lumaban para hindi tayo magkasiraan at hindi mawala sa wala ang ating pagmamahalan, mas lalo lang akong nahihirapan— mas lalo lang lumalala ‘yong lungkot na nararamdaman. Hindi ko na nga maintindihan kung bakit biglang naging ganito ang ang lahat gayong wala ka namang ginawang kahit na anong kasalanan.” dagdag pa niya. Malungkot niya akong tiningnan sa mga mata kasabay ng isang pilit na ngiti.
“Marami akong pagkukulang, ‘yon marahil ang dahilan.” sabi ko. Nakayuko at iniisip ang mga hindi nagampanang tungkulin ko.
Masyado kasi akong nagpabaya at hindi man lang nabahala kaya akala ko ay kaya pa niya. Nakalimutan kong hindi pala sa lahat ng oras kaya nating lumaban at maging matatag.
“Hindi kita pipigilan; hahayaan kita kung talagang ayaw mo na, kung ang paghihiwalay natin ang sa’yo ay magpapalaya sa lungkot at pagdurusa. Hahayaan muna kitang maghilom mula sa aking pagpapabaya, at kapag maayos kana at maisip na ako ay mahal mo pa, hayaan mo akong lalapit sa’yo— magsimula muli tayo at pangakong sa pagkakataon na ‘yon, hindi na ako magiging kagaya noon; aalagaan na kita at paglalaanan ng sapat na panahon.”Malinaw pa sa akin kung paano kami nawalay sa isa’t-isa. How we parted ways after our words of goodbye’s. It's been 2 years already pero hanggang ngayon hindi parin ako makalimot.
Isang taon narin ang nakaraan mula nang mawala siya ng tuluyan.
Isang taon narin akong nagdurusa at patuloy na lumalaban sa buhay gayong alam kong kahit kailan hindi na siya muling masisilayan. Hindi na muli namin madudugtungan ‘yong pagmamahalang minsan na naming winakasan.
Kung pwede ko lang sana siyang samahan, kung pwede nalang din sana akong mawala— kung sana ay ako nalang ang nawala.
She got into accident after a year of our break-up, of leaving me for her to heal and find herself.
She got into accident while on her way back to me, of finally coming back for us to start a new. She died while calling me telling me she's so happy for knowing me, for having me in her life.
She died telling me her sorry for she needed to leave me and that she’ll never be back again to be with me.
//FB: Sheng Margarette