Hinding- hindi ka mamahalin ng taong iba ang tinatangi’t pinapangarap—
“Kung hindi nalang sana umasa at hinayaan ang puso kong mahalin ka, hindi sana ngayon lumuluha— hindi nasasaktan ng sobra.”
Ikaw at ako, siya na nagpapatibok sa’yong puso— may laban pa ba ang katulad kong umaasang mahalin mo?
Mahal kita pero ang mahal mo ay siya, hinihintay kita pero ang hinihintay mo ay siya— paano na lang ako oras na mapansin ka niya?
Maiiwan nalang ba sa isang tabi habang nakatanaw sa inyong dalawa?
MagpapakaTANGA!
Aasa ang pusong darating ang araw na babalik ka pa— baka nga naman magsasawa siya’t iiwan ka bigla, maghahanap ng iba.
NAgPAKATANGA!
Umasa at nangarap sa TAYONG DALAWA, alam ko namang MAHAL NIYO na ang isa’t- isa.
TANGA—
Nagbulagbulagan sa katotohanang ang mahal mo ay siya, na mahal ka niya— pangarap lang kita dahil kayo talaga ang nakatakda.
“Kung inunawa ko lang sana ang nakikita ng mata, hindi umasa sa pagmamahal mong nakalaan sa kanya, hindi sana lungkot ang nadarama— hindi sana ako naiwan ditong kinakawawa ng pagdurusang ako mismo ang may gawa.”
/
/Fb: Sheng Margarette