Hindi nga pala tayo; walang ikaw at ako.
Kaibigan mo lang pala siguro ako, isang kakilala na komportable ka tuwing kasama mo— ako lang siguro itong nahuhulog na kaya umaasa na baka may patutunguhan pa ‘to.
Alam ko namang malabo kang magkagusto; sino nga ba naman ako kompara sa mga babaeng nagkakandarapa sa’yo? Isa lang naman akong kaibigan at kakilala mo, hindi kailanman makikita sa paraang kagaya ng sa pagtingin ko.
“Guess what, Juleme?! Sinagot na ako finally ng nililigawan ko.” Ang masayang pagbabalita mo. Kita ko ang kislap ng saya sa mga mata mong nalulunod na yata sa katotohanang sinagot kana niya— babaeng matagal ng pinapangarap ng puso mong gustong-gusto at pinapangarap kong pagmamahal ay madama.
Sa wakas masaya kana; kinalimutan narin ako dahil lagi kang nasa kanya—siya na lagi ang kasama. Naiwan na akong mag-isa at nalulumbay sa katotohanang hindi na kailanman magiging posible ang tayong dalawa.
Mahirap man at nakakatanga dahil wala naman tayong naging relasyong dalawa, nasasaktan parin ako dahil sa paghahanap mo ng iba— para mo tuloy akong ipinagpalit sa kanya.
Pasensya na kung minahal kita, kung nahulog ako sa’yo noong mga panahong nandito ka pa, hindi ko lang kasi napigilan ang puso kong ibigin ka.
Huwag kang mag-alala, susubukan ko nang kalimutan itong nadarama; tanggapin ko nalang ang katotohanang hanggang magkaibigan lang tayong dalawa— na ikaw ay para sa iba.
// Thank u :*